Para akong lutang habang papasok sa school. May mga bodyguards ako pero hindi sila nakalapit saakin basta nasa paligid lang sila.
Ayaw akong papasukin ni nanay sa kwarto ni ate sa hospital dahil baka ay mapahamak lang ulit si ate at doon ako lubos na nasaktan. Hindi ko naman magagawa sa ate ko ang ipahamak siya. Kung pwede lang ay lahat ng sakit ay sasaluhin ko. Kaya ngayon palang ay iniisip ko na paano kaya kung hayaan ko nalang si ate at si Achilles?
Si Arkeen naman ay umalis na papuntang New York. Hanggang ngayon ay hindi padin ako makapaniwalang mahal niya ako. Sana ay pwede nalang turuan ang puso. Kung sakali ay sasabihin ko sa puso kong si Arkeen nalang. Pakiramdam ko kasi masarap siyang mahalin. Smooth lang at walang problema hindi kagaya ng kay Achilles na parang roller coaster.
Ng naglalakad ako papunta sa unang klase ko kay nagulat ako dahil may tumalon nanaman sa harapan ko. Si Jaylord. Dapat ko na din palang iwasan ang isang to.
"Hi Tasha." Ngumiti siya saakin. Ako naman ay nakatitig lang sakanya.
"Ang aga aga mukha kang nalugi. Smile naman jan." Ang amo ng kanyang mukha. Ang sarap pag masdan ng ngiti niya na para bang kahit na baso ay hindi siya makakabasag pero sino nga bang niloloko ko? Mamamatay tao ang isang ito.
"Jaylord. Ayaw na kitang makasama o makita. Pwede bang wag mo na akong lalapitan?" Sabi ko na siyang pagbabago agad ng kanyang ekspresyon. Agad na napawi ang kanyang mga ngiti sakanyang labi.
"Bakit? May problema ba?" Tanong niya.
"Ayaw kong makipagkaibigan sa taong mamamatay tao." Sagot ko. Nilagpasan ko siya ngunit hinigit niya ang aking braso at ipinaharap ako sakanya.
"Ang akala ko ay tanggap mo ako?" Malamig na tugon niya.
"Yes. Kasi akala ay parehas lang kayo nila Achilles. They kill people pero may rason sila. Ikaw? Pumapatay ka dahil trip mo lang?" nag igting ang kanyang panga sa sinabi ko.
"Oo. Pumapatay ako. Pumapatay ako ng mga taong wala ng karapatang mabuhay Tasha. Masama akong tao pero pag ipinaramdam kong mahalaga ka saakin ay totoo yun." Sagot niya.
Hinawi ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking braso at nagsimula ng maglakad.
"Sigurado ka bang kompleto ang alam mo sa pagkatao ng taong mahal mo?" Napahinto ako sa sinabi niya at nilingon siya.
"Anong ibig mo sabihin Jaylord?" Madiin kong tanong.
"Why don't you ask him kung ilang babae ang nir-irape niya sa tuwing naka high siya? Hindi niya paba nagagawa sayo yun?" He smirk at me. "I kill people Tasha but I respect women." Sabi niya at mabilis na naglakad paalis.
Ako naman ay nagulat sa mga sinabi niya. What? Si Achilles rapist? Yun ba ang sinasabi ni Rui saakin? Siya ba yung nasa kwento niya? Kailangan kong malaman ang lahat lahat. Bakita pakiramdam ko ay demonyo talaga ang minamahal ko?
Pumasok ako sa klase ng lutang. Umupo ako sa designated chair ko at nakatulala lang ng biglang may kumalbit saakin mula saaking likuran. Yung babaeng may malaking salamin. Ano na ulit pangalan niya?
"Hi! Tasha! Remember me? Si Bellena to." Ngumiti siya saakin. Kaya pilit ko din siyang nginitian.
"Bakit mukha kang may iniisip? Mind to share?" Tanong niya saakin. Hindi ko naman siya kilala.. Hindi niya alam kung ano ang sitwasyon ko kaya okay lang siguro kung magsabi ako para din mabawasan yung mabagat sa dibdib ko.
"I think I'm inlove with a devil." Tumawa siya sa sinabi ko.
"All men are devil Tasha." Makahulugan niyang sabi.
"What do you mean?" Tanong ko sakanya.
"I'm also inlove with a devil and That's fine with me. But we broke up already because he's busy with his mission. Gusto ko nga ay ako nalang ang tatapos sa misyon niya eh. Para matapos na kasi nahahalata kong hindi na misyon ang ginagawa niya. Iba na." I can see anger in her eyes.
"Oh.." Wala akong maisagot sa sinabi niya.
Bigla naman siyang ngumiti saakin. "Okay lang ako ngayon. Kaya pa naman." Sagot niya naman at hindi na kami muling nagusap pa hanggang sa dumating na professor namin.
Maghapong lutang lang ako sa mga klase ko. Ewan ko nga kung bakit nakakasagot ako sa mga recitationa at quizzes gayong hindi aki nagbasa ng notes ko.
Dahil gusto kong malaman ang lahat lahat ng dapat kong malaman ay itinext ko si Rui.
Me:
Hey! Magkita tayo.
Agad naman siyang nagreply.
Rui:
Miss mo ako? I'm sorry di kita type.
Me:
I want to know something. Magkita tayo sa coffee shop sa tabi ng Lux. Ngayon na.
Sabi ko at agad ng nagtungo sa coffeeshop.
"Ma'am. Deresto daw po namin kayong ihatid sa mansyon sabi ni Sir Achilles." Hinarangan ako ng dalawang tauhan ni Achilles.
"Makikipag kita ako kay Rui! Pwede naman yun diba? May mga bagay lang akong gustong malaman. Hintayin niyo ako sa labas ng coffeeshop kung gusto niyo oh susugatan ko sarili ko para malintikan kayo?" Napalunok ang tauhan ni Achilles kaya agad din silang tumabi sa daraaanan ko.
Pag dating ko sa coffee shop ay natanaw ko nagad si Rui na umiinom ng kape na parang walang problema sa mundo. Ang bilis naman niya. Sabagay sabi nga ni Arkeen ay ninja ang isang to.
"Ang bilis mo naman." Sabi ko ng makaupo na ako sa kanyang harap.
"Kape." Turo niya sa kapeng nasa harap ko. Tinitigan ko lang ito. Baka mamaya ay may lason to.
He chuckled. "Walang lason yan. Kung hindi ka lang syota ng kaibigan ko ay baka nilagyan ko na."
"Rui. I want to know everything. What kind of person is Achilles before I entered his life. Si Achilles ba ang nasa kwento mo noong minsan?" Seryoso akong nakatingin sakanya.
"Does it matter? Ang mahalaga naman ay kung ano siya ngayon diba? Bakit pag nalaman mo ba kung ano dati ang kaibigan ko ay aayaw kana sakanya?" Sabi niya sabay sipsip sa kanyang kape.
"Gusto ko lang malaman ang lahat."
Suminghap siya bago nagsalita. "Magkaibigan na kami nila Achilles simula pa pagkabata. We're like siblings but Achilles and Arkeen were the best of friends. Si Arkeen ay parang kuya na ni Achilles kahit na magkasing edad lang sila. Lampa kasi noon yong mokong na yun eh kaya palaging nasa likuran niya lang si Arkeen. Lahat ng hilingin ni Achilles ay binibigay ni Arkeen hanggang sa tumanda sila ay ganon padin. Noong iniwan ng ate mo si Achilles ay doon siya nagsimulang maging sira ulo. Sinubukan niya na ata lahat ng droga sa buong mundo." Sabi niya habang nakatingin padin ng seryoso saakin.
"How about yung tungkol sa rape Rui. Tell me."
"Putang ina. Papatayin ako ni Achilles dito Tasha. Siya nalang ang tanungin mo. Ayaw kong madamay sa inyo." Sabi niya saakin.
Huminga ako ng malalim. "Okay." Sagot ko nalang sakanya.
Tumayo ako dahil alam kong wala na akong makukuhang sagot sakanya. Umamba akong aalis na ng tawagin niya ulit ako.
"Tasha." Lumingon ako sakanya at hinintay kunh ano pa ang muli niyang sasabihin.
"Please. Try not hate him Tasha. Just try." Sabi niya. Hindi na ako sumagot. Lumabas ako at dumeretso na sa kotse.
Achilles, Anong klaseng tao kaba talaga?
---
Comment/Vote..