Chapter 43

967 37 7
                                    

"Anong ginagawa mo dito Tasha?" Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses na yun.

"Pano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko sabay punas ng luha ko.

"Alam na alam ko." Ngumiti lang siya sakin sabay upo sa tabi ko.

"Amoy may pinatay dito ah." Sabi niya habang pasinghot singhot pa. Aba! May lahi din ba siyang aso? Pinalinis na kanina ni Achilles ang nangyari dito kanina ah.

"Kamusta na pala yung nabaril sayo Jaylord?"

"Okay na."

"Kayo ni Kasandra? Kamusta?" Tanong ko at umiling lang siya saakin at di ako sinagot.

"I know the past between you two." Sabi ko sakanya.

"Nasabi din ba niya kung paano niya ako niloko?" Tanong niya.

"You left her right? You left her and you don't say goodbye. What do you expect?"

"I'm so scared that time. Kailangan kong mag aral sa abroad dahil utos yun ni daddy. I'm so scared to say goodbye. Takot akong makita ko siya bago ako umalis baka kasi pag nakita ko siyang umiiyak ay baka hindi ako makaalis."

"Ang selfish naman niyan. Alam mo ba kung bakit nag kaganon siya? Dahil sobra siyang nasaktan dahil sa hindi kana nga nagpaalam ay agad ka pang nag hanap ng iba." Sagot ko.

"Pero binalikan ko siya. Pero nalaman kong ginago niya ako. Niloko niya ako. Alam mo yung masakit? Yung mga itinuring mong kaibigan ay ang mga taong kasama niya sa pang gagago saakin. She hooked up with the three idiots!"

"Nagawa niya yun dahil nasaktan siya Jaylord! Nagawa niya yun noong hiwalay kayo! Buksan mo yang isip mo. Mahal ka padin niya. Wag kang gumaya saakin. Past na yun Jaylord. Kung mahal mo siya ay tatanggapin mo siya ano man ang nakaraan niya."

"Pero ikaw na ang mahal ko Tasha." Umiling ako sa sinabi niya.

"No, you don't love me. You still love her. Binubulag mo lang yang sarili. Ipinipilit mo lang na mahal mo ako kahit na iba naman yang sinasabi ng puso mo. Alam kong mabuting tao si Kas. Sana ay pag isipan mo yun." Tinanggal ko ang singsing na ibinigay niya saakin at inilagay sa kanyang palad.

"Ibigay mo to sa taong mahal mo. Kay Kasandra." Ngumiti ako sakanya at tumayo na para umalis. Alam kong kailangan niyang mag isip. Kailangan niyang mapag isa baka sakaling maisip niya ang mga sinabi ko.

Sana ay buksan niya ang kanyang isipan.

Ng makababa ako galing sa rooftop ay dumeretso akong muli sa kwarto ni Achilles para silipin siya. At yun nga nag sisi nanaman ako dahil nakita ko nanaman sila ni nurse Airah na masayang nag uusap.

"Babe, pag pwede na akong umuwi sa mansyon ko ay pwede na ba kitang isama? I wanna be with you everyday." Ouch!

"Pag iisipan ko. Alright? Magpahinga kana babe. Okay? I love you." Sabi ni nurse Airah at hinalikan siya sa pisngi.

"See you tomorrow. I love you too." Sagot naman ng nakangiting si Achilles. Ganon ba talaga agad naglaho ang pag ibig niya para saakin?

Sabagay ay pati nga kay ate ay nawala din.

Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala si nurse Airah.

"Ow. Hi. Ikaw si Tasha diba?" Tanong niya. Nagulat naman ako kung bakit niya ako kilala gayong isang beses palang kaming nagkakausap.

"Huh? Uhmm..Oo. Paano mo nalaman?" Tanong ko.

"Ah..Yun ba? Si Mr. Maniego kasi. Natanong ko sakanya. Yung friend ni Achilles? Ay oo nga pala. Okay kana ba? Last na nagkita tayo ay umiiyak ka. Tyaka nga pala, hindi na ako friendzoned." Masayang sabi niya.

Ngumiti nalang ako sakanya ng pilit dahil hindi ko naman alam kung ano pa ang sasabihin ko. Baka kasi pag nagsalita ako ay mapaiyak pa ako.

"Tyaka kilala mo pala si Achilles eh. Oh siya. Nakaduty pa ako. Mauna na ko sayo." Muli siyang ngumiti at nagpaalam na paalis.

Naiwan akong nakatayo sa pinto habang nakatitig saakin si Achilles.

"Ano pang ginagawa mo dito? Wala sila dito." Sabi niya sabay irap.

"Gusto lang kitang makita." Mahina kong sabi.

"Nakita mo na ako. You can go now." Sagot niya.

"Achilles I'm sorry." Sabi ko sabay tulo ng isang butil ng luha sa mata ko.

"Sorry? Di ako tumatanggap ng sorry. Pasensya kana. Alam mo namang masama akong tao diba? So don't expect me na natatanggapin ko yang sorry mo."

"Achilles."

"Just fucking leave Tasha! Just leave! Jan ka naman magaling diba? Umalis kana!" Sigaw niya.

Wala akong nagawa kundi ang talikuran siya kasama ng mga panibagong luhang tumutulo sa aking pisngi.

Should I give up?

Dumeretso ako sa bahay ng mamamaga ang mata.

"Oh anak. Saan ka nagpunta kagabi?" Tanong ni nanay.

"Wala po nay. Magpapahinga na po ako." Walang buhay kong sagot sakanya.

"Umiyak kaba?" Tanong ni ate na nasa sala kasama ni Rui.

"Hindi ate." Pag iwas ko sa mga tingin niya.

"Shasha, wag kang magsinungaling. Alam na alam ko lahat ng tungkol sayo."

"Ate di na niya ako gusto. Di na niya ako mahal." Hindi ko napigilang mapaupo sa sahig habang umiiyak. Para akong bata pero wala na akong pakialam.

Nilapitan niya ako at niyakap.

"Tahan na Tasha. Tahan na." Sabi niya habang hinahaplos ako sa aking likod.

"Ano bang nangyayari kay Achilles?" Tanong niya kay Rui.

"I don't know labs. Alam ko namang mahal na mahal niya si Tasha eh. Ang akala ko nga ay pag bumalik ang alaala niya ay babalik siya sa kung paano niya trinato si Tasha. Pero hindi. Ewan ko. Magulo siya." Sagot naman ni Rui.

Ng dahil sa sinabi niya ay muli akong napahikbi ng malakas. Damn! Sobrang sakit. Bakit ganito? Bakit nasasaktan ako ng ganito? Kahit pala isipin kong bagay lang saakin ang mga to ay hindi ko padin maiwasang isipin kung bakit ito nangyari saakin. Bakit nag kaganon si Achilles saakin.

I miss him so much. I miss his kisses, his hugs. Everything about him. Ang lapit niya lang saakin ngunit bakit pakiramdam ko ay sobrang layo niya sakin? Ang layo layo na niya saakin at hindi ko alam kung paano ko siya hahabulin. Hindi na ba siya babalik saakin? Hindi na ba siya muling lilingon saakin? Pakiramdam ko nga ay isa lang itong malaking joke o kaya baka panaginip lang ito.

Pero lahat ng sakit na nararamdaman ko ay nagpapatunay lang na gising na gising ako at hindi ito biro. Damn! Talagang totoong nasasaktan ako!

"Tasha ayoko mang sabihin to pero si Achilles at si Airah ay may balak ng magpakasal. I don't want to hurt you. I'm sorry pero I want you to be prepared."

Agad agad? Ganon kabilis?

"Please! Ayoko na! Tama na!" Sigaw ko.

"Tasha! Anak! Tumahan kana!" Dumalo rin saakin si nanay na umiiyak.

Gusto ko ng matigil tong sakit eh. Gusto ko nalang mag laho. Hindi ko na ata kaya. Hindi ko kayang mabuhay ng wala si Achilles.

Bukas na bukas din ay pupunta ako sa ospital. Hihingi ako ng tawad ng paulit ulit. Luluhod ako sa harapan niya. Kakausapin ko si nurse Airah. Babawiin ko siya. Lahat gagawin ko Balikan lang niya ulit ako. Desperada na ako. Wala na akong pakialam kung ano man ang kahihinatnan nito. Basta gagawin ko lahat. Lahat lahat mapatawad at balikan niya lang ulit ako.

--
Dahil sa may mga nagbabasa pa pala at nag hihintay ng UD ng story kong to. Eto na po. :)

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon