Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Achilles at kung bakit bigla bigla nalang siyang naging ganito kabait saakin.
"Gusto kong magbakasyong pag katapos ng sem na to. San mo gustong pumunta Mahal?" Tanong saakin ni Achilles ng makauwi kami galing ng school. 1week na siyang ganito saakin at hindi ko naman matanong sakanya dahil baka magalit. Okay na din siguro ang ganito siya. Atleast hindi siya mukhang kamag anak ng demonyo. Although ganon parin ang porma niya may hikaw sa dila, baba ng kanyang labi at sa kanyang kilay.
"H-ha? Bakasyon?"
"Oo. Ayaw mo ba?" Nag aalalang tanong niya.
Na tetempt man ako ay hindi ako pumayag. Paano yung Nanay at ate ko. 2months din yun.
"Mmm, Kailangan ako ng Nanay at ate ko. If you want ikaw nalang." Ngumiti ako sakanya ngunit sinumangutan niya ako.
"Ayaw mo akong makasama?"
"No...No...Kailangan lang ako ng Nanay at ate ko." Sagot ko naman sakanya. Ang kulit lang niya minsan. Hayyy!
"So, ipakilala mo nalang ako sa kanila." Nakangiti niyang sabi.
Hindi. Hindi ko siya pwedeng ipakilala kila Nanay baka kasi mag hysterical siya pag nalaman niyang boyfriend ko siya. Boyfriend nga ba? Ang gulo gulo kasi niya.
Paniguradong aayawan siya ng Nanay at ate ko. Ang dami niyang tattoo sa katawan hanggang leeg ata, may hikaw sa tenga, sa kilay, sa dila at sa baba ng kanyang labi. Ang alam ng nanay ko gwapo at desenteng tao ang mga tipo ko hindi yung ganito.
"Ahh. Uhmm... Hindi pa nila alam na may boyfriend ako. Pwede bang pag tumagal na tayo?"
Halata sa mukha niya ang disappointed siya nguniy agad then siya ngumiti at niyakap ako. "Okay then."
Gustong gusto kong itanong kung bakit bigla nalang niya akong gustong maging girlfriend kaso di ko magawa dahil baka magalit lang siya uliy saakin.
1week nadin niya akong hindi ginagalaw para bang ginagalang na niya ako.
"I'm so tired. Kagagaling ko lang sa ojt ko kanina. Can I rest Mahal? Babawi ako mamaya."
"Sure..Sure.. Mag aaral din kasi ako. Finals na namin. Magpahinga kana. Call me if you need me." Muli niya akong hinalakan at umalis na ako sa kwarto niya.
Bumaba ako at nag tungo sa kusina ng makita ko si Manang na nagluluto siguro para sa hapunan.
"Oh Tasha anjan ka pala." Sabi niya habang hinahalu-halo ang kung ano mang niluluto niya
"Manang, kwentuhan niyo naman ako tungkol kay Achilles." I want to know him better. Wala naman sigurong masama doon.
Pinatay niya ang stove at umupo sa katapat ko.
"Mabait na bata yan si Achilles." Paninimula niya.
"Hindi ko lang maintindihan kung bakit naging ganyan yan simula ng iwan siya ng kanyang nobya noong dese nyebe anyos palang siya...May nobya siya noong teacher.. Mas matanda sakanya ng ilang taon ngunit nag pakasal ito sa mayaman kaya, nawasak si Achilles at naging ganyan yan...Naging sakit siya sa ulo ng mga magulang niya dahil na nga sa naging leader siya ng Mafia ngunit wala nadin silang nagawa...Gusto niyang yumaman ng yumaman dahil nag babakasakali siyang balikan nong nobya niya." Hindi ko alam kung bakit bigla ay nakaramdam ako ng sakit dahil sa kwento niya. Nagkagirlfriend pala siya noon at mukhang mahal na mahal niya ito.
"Alam mo bang ngayon ko nalang ulit siya nakitang masaya? Hindi ko alam kung papaano kayo nagkakilala hija pero sana ay wag mo siyang iwan. Oo masama siya sobra. Pero mabait yan malambot ang puso niyan."
Nakakaguilty tuloy kung aalis ako. Binabalak ko pa namang umalis na para magkakasama na kami nila Nanay at ate pero naaawa ako kay Achilles. Sana pala ay hindi ko nalang ipinakwento kay manang para wala akong alam.
Pagkatapos kong kumain ay nagtungo na ako sa kwarto para mag aral. Nag sscan ako ng notes ko ng bigla nalang nag vibrate ang cellphone ko.
Binasa ko ang mensahe at nanlaki ang mata ko sa nakalagay.
From:Unknown
Papatayin ko ang Nanay at kapatid mo kung hindi ka makikipag kita saakin bukas. Tandaan mo yan. Magkita tayo sa likod ng Lux U na pinapasukan mo. 5pm. Wag na wag kang mag susumbong kahit kanino dahil pag sisisihan mo.
-JAL
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Sinong matinong tao ang magbibiro ng ganito. Halos manginig ang kalamnan ko. Sino ba to. shit!
Gusto kong sabihin kay Achilles dahil alam kong matutulungan niya ako pero baka mapano sila Nanay at ate. Hindi ko kakayanin at baka ikamatay ko pa.
"Ayos ka lang ba mahal? Kanina kapa balisa." Tanong niya saakin habang kumakain ng dinner.
"O-okay lang ako." Pero ang totoo ay hindi. May gustong pumatay sa Nanay at ate ko at hindi ko pwedeng sabihin sakanya.
"Alam kong may problema. Sabihin mo saakin." Seryoso na siya ngayong nakatingin saakin.
Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko. Pero marami siyang mga tauhan at kayang kaya niyang bantayan ang ate nat nanay ko.
Kinuha ko sa bulsa ang aking cellphone at ipinabasa sakanya ang text.
"JAL? The fuck! They already knew about you? Shit! Hindi kita hahayaang pumunta. Where's your mom and sis? Papapuntahin ko doon ang mga tauhan ko. Don't worry." Halos makahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Thank God.
"I'm sorry." Nagtataka ako kung bakit siya nagsosorry saakin. Bakit kaya?
"Nasama ka sa mundo ko kaya pati ikaw at ng pamilya mo dinadamay nila. I'm sorry. Hindi ko naiisip to noong una palang."
Ngumiti ako sakanya. "Okay lang. Malaking tulong yung naibigay mo saakin kung alam mo lang." Totoo naman yun. Naging madali ang pag papagaling ng ate ko dahil sakanya.
"Tasha, I love you. Alam kong sobrang bilis nito. Pero mahal kita. Nahulog agad ako sayo. I'm sorry for being a jerk."
Sobrang bilis niya kaya hindi ko alam kung totoo ang mga sinasabi niya. Ngunit pag tinitignan ko ang kanyang mga mata ay nakikita ko dito na sincere siya sa kung anong mga sinasabi niya. Pero hindi ko naman siya mahal. Hindi ko pa siya mahal.
----
Sorry for the lame update