Matinding sakit ng ulo ang naramdaman ko pagkagising ko. Umiyak nga pala ako kagabi na tila ba ay parang katapusan na ng mundo. Oo. Katapusan na ng mundo ko.
Ilang minuto pa akong nakahiga sa kama ko ng nagvibrate ang aking cellphone. Tinignan ko ito at makitang si Arkeen ang tumatawag. Awkward man ay sinagot ko padin ang kanyang tawag.
"He-hello?" Awkward kong sabi.
"Tasha." Mahina niyang sabi na tila ba ay nahihirapan siya.
"Bakit Arkeen?" Tanong ko.
"Wala. Can I go to your place? Andiyan kaba sa inyo?" Tila ba ay may kakaiba sa tono ng kanyang boses.
"Sorry Arkeen pero next time nalang siguro. Masama ang pakiramdam ko." Sagot ko. Ayaw ko sana siyang iwasan pero wala ako sa mood ngayon at hindi ko alam kung papaano ko siya haharapin.
"O-okay. Pahinga ka." Sabi niya at pinutol na ang tawag.
Ilang saglit pa ay nagtungo na ako sa banyo para maligo. Di nga pala ako kumain kahapon kaya ramdam na ramdam ko ang gutom.
Nag suot lang ako ng maikling shorts at malaking tshirts. Gusto ko mang puntahan si Achilles ay hindi na ako pinayagan nila Nanay dahil sinasaktan ko lang daw ang sarili ko. Tyaka nalang siguro. Bukas?
Bumaba ako at nagtungo sa kusina para kumain ng almusal. Nakatingin silang lahat saakin na tila ba ay nag aalala.
"Tasha, ayos ka naba?" Nag aalalang tanong ni ate.
"Ate, mag sisinungaling ako pag sinabi kong ayos lang ako. Hindi ako okay. Hindi ako ayos." Walang buhay kong sagot.
Si Nanay at Rui ay nakatingin lang din saakin.
Ilang saglit pa ay tumunog ang cellphone ni Rui. Sinagot niya ito ng nakakunot noo.
"Oh? Bakit?" Tanong niya.
"Eh nasaan ka ba? Gago ka ata eh! Anong ginawa mo ng magdamag sa bangin na yun? Papatayin mo ba yang sarili mo? Alam mo namang dileryo ang nangyayari pag nagkalagnat ka diba? You should find a girlfriend pre. Para may mag alaga sayo. Okay. Hintayin mo ako diyan." Sabi ni Rui at agad agad na ibinaba ang tawag.
"Rui sino yun?" Tanong ni ate.
"Si Arkeen. Nilagnat. Magdamag ba namang nasa paborito niyang bangin eh umulan kagabi. Ayun nilagnat. Hindi nun kayang lagnatin pag magisa lang siya. Mamamatay siya. Sorry labs. Babalik nalang ako mamaya."
Napatingin ako sa sinabi niya. Si Arkeen? Oh my God! Hinintay niya ba talaga ako magdamag sa bangin na yun? Shit!
"A-ako na ang pupunta!" Mabilis kong sabi.
"Sigurado ka?" Tanong ni Rui.
"Oo. Magbibihis lang ako." Hindu ko na sila hinintay na sumagot. Nagmadali akong umakyat papasok sa aking silid at mabilis na nagpalit ng damit.
Shit! Hinintay niya ako. Kasalanan ko kung bakit siya nilagnat.
Nagmadali akong lumabas ng bahay ng nag abang ng taxi. Ng makasakay ako ay agad kong sinabi kung saan ang condo ni Arkeen.
Pagkarating ko ay mabilis akong sumakay sa elevator at mabilis na nagtungo sa kanyang unit. Buti nalang at alam ko ang passcode ng kanyang unit kaya mabilis akong nakapasok.
Nakita ko siyang nakaupo sa kanyang sofa habang nakatinga at nakapikit. Namumutla siya at pinagpapawisan.
"Pre, pasensya na. Alam mo namang di ko kayang lagnatin." Sabi niya habang nakapikit.
Umubo ubo pa siya at halatang nahihirapan.
"Arkeen." Pagtawag ko sa kanyang pangalan.
"Tang ina. Malala talaga tong lagnat ko. Naririnig ko yung boses niya." Umiling iling pa siya.
Lumapit ako sakanya at hinawakan ang kanyang noo. Sobrang init niya.
"Ang taas ng lagnat mo!"
Ibinuka niya ang kanyang mga mata at tumitig saakin na parang gulat na gulat.
"Pre. Tang ina talaga! Nagiging kamukha mi siya. Tang ina! Malala na talaga ako. Baka mabaliw na ako." Sabi niya at mahinang tumawa.
"Halika doon ka sa kwarto mo. Malamig dito. Mahiga ka doon." Inalalayan ko siya kahit sobrang bigat niya.
Dahan dahan ko siyang pinahiga sa kama at kinumutan.
"Ano bang ginawa mo at bakit ka nilagnat ng ganyan?" Tanong ko. Kala ata niya ay ng ha hallucinations siya.
"Hinintay ko siya sa may bangin eh. Kahapon pag gising ko ng umaga at dumeretso ako doon. Nag hintay ako gang kaninang umaga. Akala ko kasi dadating siya. Akala ko totoo ang mga sinabi niya na ako nalang daw ang mamahalin niya. Tang ina pre. Wala. Di siya dunating. Ang sakit non! Dalawang beses na kong nabasted ah. Una kay Jenya tapos ngayon kay Tasha. Puro sila Achilles eh. Pangit ba ko pre?" Tanong niya habang nakapikit.
Napailing nalang ako sa sinabi niya.
Kumuha ako ng palanggana na may mainit na tubig para ipampunas ko sakanya. Dahil medyo basa ang kanyang damit ay tinanggal ko to kahit na nahirapan ako ng sobra. Kasalanan ko kung bakit siya nilagnat at dapat ay alagaan ko siya.
Kahit pala nilalagnat ang lalaki ay mapaghahalata padin ang kanyang abs. Ay shit! Naisip ko pa ngayon to? Napansin kong may tattoo siyang Omega sa kanyang pulso kagaya ng kay Jaylord. Oo nga pala at magkakaibigan sila noon.
Ilang saglit pa ay nagulat nalang ako ng humihikbi na siya.
"Tasha....Tasha.....Tasha...Ako nalang." Sabi niya.
Nasasaktan ako para sakanya. Kung sana ay pwede Arkeen. Kung sana ay pwede kong pagsabihan ang puso ko ay ginawa ko na. Para ikaw nalang. Para sayo nalang ako. Baka sakaling sobrang saya ko. Pero hindi eh. Ayaw kong lokohin ka. Ayaw kong lokohin ang sarili ko. Mas masasaktan ka lang kung ipinilit mo ang pag mamahal mo saakin.
Namalayan ko nalang na pati pala ako ay humihikbi na.
"Sorry Arkeen. I'm so sorry." Napahawak ako sa aking bibig habang humihikbi.
Bakit kasi hindi pwede yun no? Sana ay kung mahal mo mahal ka rin. Pero si kupido kasi eh. Ginagawang napakakomplekado ang lahat.
Ilang saglit pa ay halos manginig na siya. Kahit pa patong patong na kumot na ang nasa kanya ay hindi padin ito sapat. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Tinawagan ko si ate dahil alam kong nag nurse siya noon bago magturo. Baka alam niya kung papaano pababain ang lagnat ni Arkeen.
"Ate. Nanginginig na si Arkeen. Hindi ko alam ang gagawin ko." Kinakabahan ko sabi.
"Pupunta nalang kami diyan."
"No ate. Alam kong may lakad kayo ni Rui ngayon. I can handle this. Sabihin mo lang kung ano ang dapat kong gawin."
"He needs skin to skin contact. Mas mainit kasi ang katawan ng tao. Tanggalin mo ang kanyang damit. Tanggalin mo rin yang iyo. Idikit mo ang katawan mo sa katawan niya."
"Okay ate. Thank you." Mabilis kong ibinaba ang tawag at tumabi sakanya.
Nag aalalangan man ako ngunit sinunod ko ang sabi ni ate. Tinanggal ko ang blouse ko at agad siyang niyakap.
Unti unting tumigil ang kanyang pangingig. Mas naging mahinahon ang kanyang paghinga. Hay buti naman.
Ilang saglit pa ay mas isiniksik niya pa ang kanyang katawan sa katawan ko.
"Shit! Alam kong panaginip lang ito. Alam kong wala talaga siya sa tabi ko. Pero sana di na ko magising. Dito lang ako. Ganito nalang kami. Okay lang saakin." Bulong niya habang nakapikit.
Sana ay mahintay mong maghilom ang puso ko Arkeen. Sana ay mahintay mo ko. Hanggang sa handa na ako. Ayaw kong ipasa sayo tong puso ko kasi basag pa. Gusto ko sana pag buo na. Sana ay mahintay mo. Baka sakali. Baka sakaling pupwede na tayo.
-----
Please vote and comment. Suggestions or so what ever. :)