Achilles 34

928 29 5
                                    

"Oh diba? Hindi ka makasagot? Kaya wag ka ding tanong ng tanong Tasha." Malamig na sabi ni tyaka niya ulit pinaandar ang sasakyan.

Nag sisi ako kung bakit ko pa itinanong ang mga bagay na yon. Sama ay nanahimik nalang ako at nag isip ng kung anu-ano.

Pagkadating namin sa kanyang condo ay ganon nalang ang ngiti ko ng maalala ang mga bagay na ginawa namin ni Achilles dito. Ang bilis talaga ng panahon. Parang kahapon lang masaya kami pero ngayon ganito na.

"Matulog ka na muna." Sabi niya ng di ako tinitignan at bigla nalang umalis.

Pumasok ako sa kwarto kung saan kami nag ano ni Achilles at nahiga sa kama. Masakit padin ang mga galos ko pero nagamot nadin naman ito ng mga nurse kanina.

Ng magising ako ay umaga na. lumabas na ako ng kwarto at bigla nalang kumulo ang tyan ko ng maamoy ko ang isang napakasarap na ulam sa lamesa.

Dipa pala ako kumakain at talagang nanghihina na ako.

Lumapit ako sa kusina at nakita kong palabas si Arkeen sa kusina. Ganito ba talaga? Dapat naka topless pag nagluluto?

Ang akala ko ay mga baril lang ang kayang hawakan ng mga to. Nakakamangha yung abs at tattoo niya este nakakamangha yung nakahawak siya sa sandok.

"Kain kana. Alam kong gutom ka." Sabi niya pero di naman nakatingin saakin.

"Arkeen galit kaba?" Tanong ko.

"No. Kumain kana. Pupunta tayo sa hospital mamaya." Sagot niya naman. Halata naman kasi sakyang galit siya. Hindi naman siya ganyan eh.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng damit na ibinigay niya kanina. Okay naman yung sukat yung bra lang medyo masikip. Well di pala niya sukat di gaya ni Jaylord. Hay kamusta na din kaya siya? Pupuntahan ko nalang siya sa kanyang kwarto mamaya.

Pag kalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Arkeen na nanonood ng TV. Nilingo niya ako at tinignan mula ulo hanggang paa.

"Come here sweetypie." Napangiti ako ng marinig ko ang tawag niya saakin noon. May kung anong humaplos sa puso ko at natutuwa ako roon.

Umupo ako sa tabi niya. May mga bulak, gasa at betadine sa lamesang kaharap namin.

"Linisan natin ang mga sugat mo." Sabi niya at tumango nalang ako.

Kumuha siya ng bulak at nilagyan ng betadine saka niya idinampi sa parteng may sugat.

Inuna niya ang aking tuhod pagkatapos naman ay ang mga braso ko.

Ng matapos ay kumuha ulit siya ng bulak na may betadine at idinampi namam ito malapit sa aking labi.

Habang ginagawa niya yun ay titig na titig ako sa kanyang mga matang seryosong nakatingin lang sa kanyang ginagawa.

Hindi ko maipaliwanag kung ano tong nararamdaman ko. Bago lang kasi at ayaw ko ng ipagpatuloy pa o alamin. Ayaw ko ng maging komplikado pa ang mga bagay bagay saamin.

Pero nagulat nalang ako na ang kaninang bulak na dumadampi sa malapit saaking labi ay naging labi na niya. Ni hindi ako napakurap sa ginawa niya sa sobrang bilis.

Agad din niyang binawi ang kanyang labi saakin ng siguro ay mapagtanto niya ang kanyang ginawa.

"S-sorry Tasha." Sabi niya sabay tayo.

"Arkeen." Mahina kong pagtawag sa pangalan niya.

Lumapit ako sakanya at niyakap siya.

"Wag mo kong mahalin. Please? Wag. Ayaw ko ng masaktan ka."

"Masasaktan at masasaktan padin ako Tasha." Sagot naman niya.

"Miss ko na yung dating tayo." Sabi ko ng maalala ang noon. Yung hindi ko pa alam na mahal niya ako kasi napakakomportable ko sakanya na halos lahat ng nangyayari sa buhay ko ay alam niya. Mas kilala pa nga ata niya ako kesa kay Achilles eh.

"Miss na kita." Tanging sagot niya.

Nagtagal pa kaming magkayakap ng ilang sandali ng napagdesisyunan naming bumalik na sa ospital.

Ng makarating kami ay agad kaming nagtungo sa kwarto kung nasaan si Achilles.

Pag dating namin ay natagpuan namin si Rui na nakaupo at may kausap siyang isang magandang babae. Kulot ang kanyang may pagka abong buhok, may perperkto siyang hugis ng katawan at may mapuputing kutis.

"Oh anjan na pala yung isang gago eh. Alis na muna ako. Pupuntahan ko si Tanya." Sabi ni Rui at agad na tumayo at naglakad paalis. Bakit naman niya pupuntahan ang ate?

Lumingon ang babae saamin ni Arkeen at agad na ngumiti. Yung ngiting parang may hindi magandang gagawin.

Lumapit kami sakanya at siya naman ay tumayo.

"Oh.. hi there Arkeen." Bineso niya si Arkeen.

Pagkatapos ay tumitig siya saakin yung titig na para niyang sinasabing. 'Seriously?' Napakunot naman ang noo ko ng dahil doon.

"Kasandra si Tasha.. Tasha si Kasandra." Pagpapakilala saamin.

"Oh.. You're the cause of all of this." Sabi niya saakin habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa na para bang naghahanap ng mali saakin
Hell! All of me is wrong!

"Kas. Stop." Mariin na sabi ni Arkeen sakanya.

"Okay." Itanaas niya ang kanyang kamay na animoy sumusuko.

"You're pretty but I'm prettier." Shw flipped her her at umirap pa habang nakangiti.

Hindi tuloy ako nakasagot sa mga sinabi niya.

"Arkeen pupunta lang muna ako sa kwarto ni Jaylord. Kakamustahin ko lang siya." Pag papaalam ko kay Arkeen.

"Baka mapano ka?" Nag aalalang tanong niya.

Ngumiti ako sakanya. "Ano kaba. Hindi no."

Tumango siya saakin hudyat na pumapayag na siyang pumunta ako sa kwarto no Jaylord. Buti nalang at natanggal na ang bala sa kanya. Buti nalang at hindi siya masyadong napuruhan.

Ng makarating ako sa kanyang pinto ay agad ko itong binuksan at pumasok. Ngunit nagulat akong hindi lang pala si Jenya ang andoon.

May babae at lalaki na sa tingin ko'y nasa mga 45yearsold na nakatayo sa may gilid ng kama ni Jaylord at kinakausap siya.

"Oopps. Sorry po. Babalik nalang ako." Akma akong lalabas ng tawagin ako ni Jaylord.

"Tasha. No. Stay." Sabi niya kaya ako napalingon sakanya.

Nakatingin lang din sakin ng masama si Jenya. Ang kasama naman nilang lalaki at babae ay nakangiti saakin.

"H-hello po." Awkward kong pagbati.

"Mom, Dad she is Tasha." Pagpapakilala saakin ni Jaylord.

Nagulat ako na mommy at daddy pala niya ang mga to.

"Hi. Tasha. Ikaw pala si Tasha. You're beautiful." Sabi saakin ng mommy niya.

"Thank you po. Maganda din po kayo." Ganting sagot ko.

"Ang ganda pala ng girlfriend ng anak ko."

"Naku.. Hindi niya po ako ---" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay bigla nalang sumingit si Jaylord.

"Yes mom. My girlfriend is beautiful." Pagsagot niya na siyang dahilan ng pag laki ng mata ko. Hindi ako nakasagot sa kanyang sinabi. Girlfriend?

"Babe come here. I miss you." At ng dahil sa hindi ko na alam ang gagawin ko at anjan pa ang kanyang mga magulang ay lumapit ako.

----

So lame. :( Sorry. Babawi ako next chaps.

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon