Achilles 17

1.1K 32 2
                                    

"Sino ang nag utos sainyo!" Sigaw ni Arkeen. Mas mukha pa siyang galit kesa saakin at ngayon lang siya naging ganito.

Nahuli namin ang ibang namaril kanina sa cafeteria sa Lux. Alam kong ginagawa nila ito para takutin ako. At tang ina nila kasi epektibo. Alam nila agad ang ugnayan namin ni Tasha gayong inilihim ko naman to.

"Putang ina! Hindi niyo sasabihin!?" Sigaw ulit ni Arkeen. Ikinasa niya ang dala niyang baril saka binaril sa ulo ang isa.

Nanginginig ang mga iba pang natira. Ayaw nilang magsalita.

"Putang ina niyo ah. Ang akala niyo ba ay hindi ko alam kung nasaan ang mga pamilya niyo!? Sagot!" Sigaw ulit niya. Sa tagal naming nagkasama ni Arkeen ay ngayon lang siya naging ganito. Dati naman ay parang wala lang siyang pakialam.

Binaril niya ulit sa sentido ang isa. Lima nalang ang natira.

Ako naman ay tahimik lang na naninigarilyo dito sa tabi.

"A-ang Cross organization ang nag utos samin. Parang awa niyo na po. Wag niyo kaming patayin."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Sino naman ang Cross organization na to?

"Sino ang founder dito?" Tanong ko.

"H-hindi po namin kilala..Hindi siya nagpapakita saamin." Sagot naman ng isa.

Isa isa ko silang binaril sa ulo dahil wala naman kaming mapapala sa mga to. Mag papadala nalang kami ng dawalang million sa bawat pamilya ng mga to.

Nagpunta kami ni Arkeen sa office ng hide out para uminom. Tang ina ng mga taong yun. Pinapa init ang ulo ko.

"Si Tasha. Kawawa. Takot na takot siya kanina." Seryosong sabi ni Arkeen.

"Alam ko." Mahina kong sabi.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kaya hindi ko nadin alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung sino ang mga kaaway namin dito.

"Nanganganib ang buhay niya sayo Achilles. Tanga ka kasing gago ka. Sinabihan na kita noong una na wag na wag mo siyang ititira sa bahay mo. Makulit kang putang ina ka. Sarap mo ipakain sa dinosaurs!" Singhal ni Arkeen.

Inirapan ko nalang siya at muli na kaming uminom hanggang sa makatulog na kami. Bukas ko nalang ulit aalalahanin lahat lahat ng to. Tang ina.

Kinaumagan pag gising ko ay dumeretso agad ako sa kwartong nakalaan para sa akin at naligo. Si Arkeen naman ay humihilik hilik pa. Damn those whiskeys. Masakit sa ulo.

Pagkatapos kong maligo ay nagtungo ulit ako sa office kung saan kami uminom kagabi.

Tulog na tulog parin ang gago. Ikinasa ko ang aking baril at tinutukan siya sa kanyang ulo.

"Goodmorning Dick head!" Nakangiti kong sabi.

"Goodmorning to Dick head." Sabi niya habang nakangiti. Nakita ko ang isang kamay niyang may hawak na baril at nakatutok sa literal na dick ko.

"Ano ha? Ulo sa ulo na ba to brother?" Umiiling pa habang tumatawa.

"Tang ina mo. Gumising kana." Sabi ko at itinago ko na ang baril ko.

Agad naman siyang tumayo at nagtungo nadin sa kwarto niya at siguro ay naligo na din.

Ilang saglit pa ay lumapit ang isa sa mga tauhan namin at may dala dala itong telepono.

"Boss, kayo po ang hanap."

Kinuha ko sakanya ang telepono at inilagay sa aking tenga.

"Sino to?" Matigas kong sabi.

"Achilles Achilles Achilles." Halata sa boses niya na pinalitan ito siguro ay para hindi ko makilala kung sino to.

"Sino to!" Sigaw ko.

Tumawa siya na parang demonyo.

"Achilles De Lima. Paano kaya kung sabihin ko sayong nasa amin si Tasha San Jose? Anong gagawin mo?" Biglang nagpantig ang tenga ko sa narinig. Damn! Ngayon lang ako natakot ng ganito.

"Ano? Gusto mo bang marinig ang tinig ng babaeng mahal mo?" Tumawa pa ulit siya.

Sasagot na sana ako ng bigla nalang may humablot sa telepono at pinutol ang tawag nito.

"Putang ina!" Singhal ko. Nilingon ko kung sino ang gagong gumawa non at nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

"Rui?"

"What's up?" Malamig niyang sabi.

"Nakarating saakin ang balitang may bumabangga ulit sa orginisasyon natin. Fuck you..Dalawa kayo ni Arkeen! Nawala lang kami ay nagkaganito na. Hintayin niyo si Kasandra ng malagot ko." Sabi niya at tumawa.

Si Rui Kizonako at si Kasandra ay isa din sa mga leader ng organization namin. Gaya namin ni Arkeen ay makapangyarihan din sila. Magkakaibigan kami simula pa noon at kahit hanggang ngayon.

"Si Kasandra? Sus! Baka nagpapakasarap na yun sa Egypt. Maraming malalaking titi doon." Sabi ko naman.

Tumawa lang siya saakin.

"Sino ba yung kausap mo?" Tanong niya. Siguro ay sa ibang araw nalang mag cacatch up. Madami pa kaming problema.

"Hindi ko kilala. Nasa kanila daw si Tasha. Putang ina! Inagaw mo kasi yung teleponong gago ka!" Sigaw ko.

"So, yung babaeng yun ang dahilan?"

"Akin na yang telepono oh papasabugin ko yang ulo mo?" Tinutok ko sakanya ang baril ko.

Ihinagis niya nalang saakin at naglakad na palabas ng office.

"Hay! Jet lag. Tulog muna ako." Sabi pa niya bago niya maisara ang pinto.

Sinubukan kong tawagan ang numero nung tumawag at out of coverage area na ito.

Sinubukan kong tawagan si Tasha. Ilang ring lang ay sumagot na ito.

"Tasha?!"

"Ang Tasha mo ay tulog." Boses ulit nong tumawag kanina. Fuck this! Nasa kanila nga si Tasha.

"Kung gusto mo pang makitang humihinga ang babaeng ito ay magpunta ka dito. Mag isa mo lang Achilles. Naiintindihan mo?" Tumawa siya at pinatay na ang tawag.

Ng dahil sa galit ko ay naibato ko na ang telepono sa kung saan.

Subukan nilang saktan si Tasha at papatayin ko silang lahat! Shit! Fuck!

Ng makabalik si Arkeen sa office ay sinabi ko sakanya ang lahat. Kahit siya ay mukhang galit na galit na animoy handa ng pumatay ng madaming tao.

Sisiguraduhin ko na kung sino man ang taong yun ay papahirapan ko at papatayin ko siya sa sarili kong mga kamay.

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon