Achilles 24

1K 31 6
                                    

Gabi na kami ng umuwi sa mansyon. At muli ay kinabahan nanaman ako. Paano kaya to?

"Baby, don't worry. I'll talk to her." Kanina pa sinadabi sakin ni Achilles ang mga to pero habang papalaput kami sa mansyon ay pakaba naman ng pakaba ang nararamdaman ko.

Kinagat kagat ko ang kuko ko. Pakiramdam ko kasi ay nababawasan ang kaba ko pag ginagawa ko to.

"Hey, stop it now baby."

"H-ha?" Di ko kasi alam kung ano ang ibig niyang sabihin.

"When you're biting your nails I found it so sexy and It's making me so horny. Stop it kung ayaw mong itigil ko tong sasakyan ng makapag make love nanaman ako sayo."

Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Wala talagang preno ang bibig ng isang to.

"Achilles! Kinakabahan na nga ako dito eh. Wag munang malibog please?" Sabi ko sakanya.

Tumawa naman siya sa sinabi ko at nagpatuloy nalang sa pagdadrive.

Ng makarating kami sa harap ng mansyon ay halos ayaw ko ng bumaba ng sasakyan.

"Halika na." Sabi ni Achilles ay pinagbuksan ako ng pinto.

Magkahawak kaming pumasok sa mansyon. Si nanay at si ate ay nag uusap at nagtatawanan sa Sala.

"Ehemm" umubo si Achilles para maagawa namin ang atensyon nila at hindi naman kami nabigo.

Napatingin saamin si ate at si nanay. Si ate ay halos mangiyak na ng makita ang kamay namin ni Achilles na magkawahawak kamay. Si nanay naman ay walang ipinakitang emosyon at mas nakakatakot yun.

Agad na lumapit si ate saaming dalawa ni Achilles at walang pangundangan niya akong sinampal.

Nagulat ako ng dahil doon. Sa unang pagkakataon ay nagawa ni ate saakin yun. Halos mamanhid ang pisngi ko sa ginawa niya.

Bumaling din siya kay Achilles para sampalin din ito.

Gusto kong tanggalin ang pagkakahawak ni Achilles sa kamay ko ngunit mas hinigpitan niya ang pagkakahawak dito.

"Ang sama niyo." Nanginginig na sabi niya saaming dalawa ni Achilles.

"Tanya, nag usap na tayo tungkol dito." Mahinahon namang sagot ni Achilles.

"Of all people? Kapatid ko pa? Seriously Achilles?" Mahinang sagot ni ate. Banayad lang siyang magsalit ngunit halatang galit na galit siya.

"Nahulog ako sakanya Tanya ng hindi ko sinasadya. I'm sorry. Ang akala ko ay ikaw parin. Ang akala ko ay mahal parin kita. Pero dumating si Tasha sa buhay ko. She teach me how to fall inlove again Tanya. I knew that it will hurt you pero ayaw na kitang lokohin. Ayaw ko ng lokohin ang sarili ko. I'm sorry."

"A-ate..." Tinawag ko siya. Lumingon siya saakin gamit ang kanyang nagagalit na mga mata. Namumula ang kanyang mata at punong puno ito ng luha.

"Nagsakripisyo ako para sayo Tasha. Hiniwalayan ko si Achilles para lang magpakasal sa hapon na yun para lang maipagamot ka! Tapos ito ang igaganti mo saakin?!" Sumigaw siya saakin. Hindi ko mahanap ang mga salitang gusto kong sabihin.

Umiiyak lang ako sa harap niya habang si Achilles ay hinahaplos haplos ang likod ko.

"Tasha naman. Alam mo namang mahal ko siya diba? Pero bakit? Bakit ganito?" Sabi pa niyang muli.

Tumingin ako kay nanay para humingi ng tulong ngunit umiling lang siya saakin na para bang nadismaya siya sa ginawa ko. Mas lalong lumakas ang mga hikbi ko ng dahil doon.

"A-ate..." Yun lang ata ang tanging lamalabas sa bibig ko. Nagulat nalang ako ng bigla niya kong sampalin ng madaming beses at sabunutan.

"Tanya! Stop it! Tanya!" Sabi ni Achilles sakanya at pilit siyang inilalayo saakin.

"Tanya anak." Kinuha nadin ni nanay ang kamay ni ate para pahintuin.

Sa buong buhay ko ay ngayon lang kami nag away ng ate ko. Dati ay sobra kaming malapit sa isa't isa At sobrang nalungkot ako ng dahil sa lahat ng to ay heto kami at nag aaway. Pakiramdaman ko ay mas masakit pa ang nararamdaman ko sa may dibdib ko kesa sa sabunot at sampal niya.

Ng nagtagumpay si nanay na ilayo saakin si ate ay dinaluhan naman ako ni Achilles.

Iyak lang ako ng iyak.

"Wala kang utang na loob sa ate mo Tasha." Naramdaman ko ang pandidiri sa tono ng boses ni nanay.

Doon ako mas lalong nasaktan kaya tumayo ako para humarap sakanila.

"Ako nay?! Ako ang walang utang na loob!? Hindi niyo alam ang pinagdaanan ko! Hindi niyo alam kung ano ang mga ginawa ko para lang may maipambayad si ate sa ospital! Sabagay ay kahit noong bata pa kami ay mas pinapaboran mo na si ate. Pag may bagong biling damit si ate, hindi niyo ako mabilhan. Sasabihin niyong pag nalakihan nalang ni ate ang damit niya. Noong grumaduate ako ng Valedictorian noong highschool? Nasaan ka? Wala inuna mo si ate dahil nasugatan lang siya sa kanyang tuhod pero ano? May isinumbat ba ako? Wala diba?"

"Dahil mahina siya! Alam mo noon pa man ay sakitin na ang ate mo!" Sagot ni na nanay na nasa tabi ni ate.

"Kaya pinabayaan mo ako? Kasi sa tingin mo ay malakas ako? Mahina din ako Nay. Pero kailangan kong maging malakas kasi yun ang tingin niyo sakin."

"Tasha." Mahinang tawag saakin ni Achilles.

"Ibinenta ko lang naman ang katawan ko! Ibinenta ko ang sarili ko para lang may maipambayad sa hospital bills ni ate at para iahon kayo sa hirap! Hindi paba sapat yun na pambayad para sa pagsasakripisyo mo ate? Hindi ko din alam na si Achilles ang lalaking mahal mo. Siya ang nakabili saakin noon. Sa tingin mo ba ate na kung alam ko na siya pala yung mahal mo ay hahayaan kong mahulog ang sarili ko? Dinistansya ko ang sarili ko kay Achilles ate. Pero hindi ko kaya kasi mahal ko siya, mahal na mahal ko siya." Matapang na sagot ko.

Bigla ay nagwalk out si ate. Humihikbi siya habang patakbong umiiyak. Si nanay naman ay nanatili sa harap ko...

"Sana ay naging masaya ka sa ginawa mo Tasha, ginawa mong miserable ulit ang buhay niya." Sabi ni nanay. Bakit kaya hindi nalang niya ako saksakin sa puso? Sobrang sakit pala lalo na sa nanay ko pa galing ang mga to.

Umamba siyang aalis ng tinawag ko siya.

"Nay...S-sana naman...Kahit minsan lang...Kahit isang beses lang..Kampihan niyo naman po ako." Nakita ko ang luhang lumandas sa kanyang mata ngunit agad niya din itong pinunasan gamit ang kanyang palad at humakbang na paakyat ng hagdan. Siguro ay pupuntahan niya si ate. Ganon naman talaga eh.

"Tama na Tasha..Tama na..It hurts me seeing you crying." Niyakap ako ng mahigpit ni Achilles. Atleast sa yakap niya ay nalaman kong meron parin akong kasama.

Ang hirap hirap maging masaya. Ganon ba talaga? Pag gusto mong maging masaya ay dapat munang may masaktan?

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon