Achilles 39

874 29 6
                                    

Sa mga nag memessage at nagtatanong kung sino ba talaga ang makakatuluyan ni Tasha. Wala po siyang makakatuluyan. Hahaha! Chena.

Pag po sinabi ko wala ng thrill ang kwento. May the best man win nalang kasi kahit ako diko alam. Hahaha! Thank you for reading hanggang dito. Tapusin niyo ha? Madami akong pasabog. :D

"Nanay...Miss na miss ko po kayo.. Sorry po." Para akong batang nakayakap lang sa kanyang ina.

"Shhh...Tahan na anak. Ako dapat ang mag sorry. Hindi ko nakitang kailangan mo din ako. Sorry anak ko. Alam ko kasi matapang ka. Malakas ka kaya alam kong kaya mong mag isa kaya nakatuon ako sa ate mo. Hindi ko namalayang nasasaktan ka na pala...Andito na ngayon ang nanay anak. Alam kong may mga pinagdaanan kang hindi maganda at andito na ako ngayon. Dadamay sayo. Tahan na." Dahil sa sinabi niya ay gumaan ang loob ko. Wala paring tatalo sa yakap ng isang ina.

"Si..si ate po?" Tanong ko.

"Pwede bang wala ako? Miss na miss ko na kaya ang kapatid ko." Napakalas ako sa pagkakayakap kay nanay at nilingon ang nagmamayri ng boses na yun.

"Ate!" Inilang hakbang ko siya at niyakap ng mahigpit. Ganoon din siya saakin.

"Sorry Shasha. Sorry kung naging masama akong ate.. Sorry."

"Hindi ate. Mabuti ka saakin. Sorry kung minamahal ko si Achilles ate. Sorry."

"Ano kaba. Wala na akong magagawa. Ikaw na ang mahal niya. Tyaka may bebelabs na ako." Sabi niya at halatang kinilig nung sinabi niya ang bebelabs.

Kumalas ako sa pagkakayakap sakanya at tinignan siya.

"Ate bat pinatulan mo yung singkit na yun?"

Tumawa si ate sa sinabi ko.

"Ikaw talaga. Wala eh. Inlove ako." Halata sa mga mata niyang masaya nga siya kay Rui at masaya nadin ako para sakanya. Sana ako din. Sana maging okay na kami ni Achilles.

Araw araw kaming nasa ospital kahit na ayaw naman akong makita ni Achilles. Ayaw niya akong kausapin manlang at talagang sobra akong nasasaktan.

Hindi niya alam ang mga nangyari noon. Paano pa kaya kung naalala na niya?

Tatlong buwan nadin ang nakakaraan. Tatlong buwan ko nading iniiwasan si Arkeen at Jaylord kasi pakiramdam ko mas madadagdagan ang galit saakin ni Achilles.

Lumipat nadin ako sa bahay kung saan nakatira sila ate. Malaki din at may mga bantay din kagaya sa mansyon.

"Ate nay, pupunta na po akong ospital."

"Mag ingat ka anak." Paalala sakin ni nanay. Tumango ako sakanya saka ngumiti. Ang saya saya ko. Kasi finally buo ulit kami.

Habang nasa taxi ako papunta sa ospital ay biglang nagring ang cellphone ko. Unknown caller pero baka importante kaya sinagot ko to.

"Hello?" Paninimula ko.

"Si Kasandra to. Nasaan ka?" Halata sa boses niya ang pag aalala.

"Papuntang ospital. Bakit?" Tanong ko.

"Please pumunta ka dito sa resthouse ni Jaylord. Please."

"Bakit? Anong nangyari?"

"Het got shot. Ayaw niyang gamutin ko siya. Paulit ulit niyang sinasabi ang pangalan mo. Please Tasha." Nagulat ako sa sinabi niya.

Ibinaba ko ang tawag at pinaliko ko ang driver papunta sa kung saan ang resthouse ni Jaylord. He got shot again? Shit! Ano nanamang nangyari?

Ng makarating ako sa kanyang rest house ay patakbo ang ginawa ko papasok sa kanyang bahay.

"I want Tasha! Where's Tasha!" Sigaw ni Jaylord.

"Mauubusan kana ng dugo!" Sigaw naman pabalik ni Kasandra sakanya.

"What happened?! Kasandra pakikuha noong mga gamot sa cabinet." Nagmadali akong umupo sa tabi ni Jaylord at tinignan ang tama niya sa bandang may tyan.

"Ano bang ginawa mo? Hindi porket matigas yang abs mo eh masasangga na niyan yung bala." Pagalit na sabi ko sakanya.

Nagawa niya pang tumawa sa sinabi ko.

"So....Naaakit ka ng abs ko?" Nahihirapan niyang sabi.

"Manahimik kana nga." Sabi ko naman sakanya.

Ng dumating si Kasandra ay mabilis niyang ibinigay saakin ang kailangan at nagsimula na akong linisin ang tama ng baril sa kanya.

Buti nalang at mababaw lang. Walang damay na organs. May sa pusa talaga ang lalaking to.

Pagkatapos ko siyang gamutin ay pinahiga ko muna siya sa sofa para makapagpahinga.

Ng tuluyan na siyang nakatulog ay hinanap ko si Kasandra sa kung saan at nakita ko siya sa may mini bar na umiinom, naninigarilyo at umiiyak. Tipikal na mukha ng babaeng broken hearted.

Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya.

"Pwede kang magsabi saakin." Sabi ko sakanya.

Tinignan niya lang ako ng masama at nagpatuloy sa paglagok ng alak.

"Ano bang meron sainyo ni Jaylord? Pwede kang magkwento saakin." Sabi ko ulit.

"You'll just judge me." Sagot niya.

"No..Hindi ko alam ang mga tunay na nangyari..Bakit kita ijujudge? Talk to me. Baka sakaling gumaan."

Huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"We're childhood sweethearts.....Noong naghighschool na kami...Umalis siya papuntang London to study....Hindi siya nag paalam saakin...Basta nalang siya nawala....Tapos malalaman kong may girlfriend na siya. Isang brunette... mas maganda naman ako doon. Tsss! Tapos yun. Hinayaan ko na....Ng dahil sakanya...I became like this. Para saakin laro lang lahat. Even sex. I slept with many men. Including Arkeen, Achi, Rui... Napagkatuwaan pa namin nagpicture kami. Matagal na yun....Tapos bumalik siya...Naging dalawa kami. I loved him...No I love him...pero one day natuklasan niya yung mga photos.. He broke up with me. He disgusted me..." Nagsimula siyanh himikbi. Hinaplos ko ang likod...Ngayon lanh nakita si Kasandra ng ganito. Yung tipong parang mahina? Nakikita ko kasi siya palaging matapang at parang walang kinakatakutan.

"Tapos nakamoved on siya. May girlfriend na siya noon. Si bellena'ng Pangit. Pasalamat siya at nasa hukay na siya. Sayang ako sana ang gagawa non........Naghabol ako sakanya....Pero ang tangi niyang sinabi para makalapit ako sakanya ay dapat maging kaibigan ko nalang siya. Ako namang si gaga humiling pa na sana bestfriend....So ayun... Ang tanga tanga ko no?" Sinabi niya at tumawa.

"Gusto mo bang layuaan ko si Jaylord?" Tanong ko sakanya.

"No...Kahit naman layuan mo siya kung ayaw na talaga niya saakin...Wala na akong magagawa. Bahala na." Sabi niya. Nagpatuloy pa kami sa paguusap ng biglang nagring ang phone ko.

"Oh bakit Rui?"

"Wala manlang hello no?"

"Tss...May problema?"

"Kung ayaw mong maagaw ng iba si Achilles...Pumunta kana dito ngayon sa ospital..."

"Huh?"

"Ang ganda nung nurse.. Mas maganda pa naman sayo...At mukhang nag kakainlove'n na....Bahala ka. Ikaw din."

Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Parang gusto ko tuloy manapak.

Humanda kang nurse ka.

----

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon