Achilles 32

900 33 5
                                    

Tatlong araw na akong nakakulong lang dito. Tatlong araw nadin akong pinapahirapan ng babae yung.

Hanggang ngayon ay hindi ko padin malaman kung anong naging kasalanan ko sakanya at kung bakit ganito nalang niya ako pahirapan.

Nakatingin ako sa sarili ko ngayon sa isang salamin dito sa banyo.

Halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Puro pasa ang mukha ko kahit na ang katawan ko'y ganon din. Naisip ko nga pano kung patayin ko nalang yung sarili ko?

Pero hindi. Gusto ko pading makasama ang ate't nanay ko. Hindi pwede kahit anong mangyari ay uuwi ako. Kahit pa pagapang ay gagawin ko.

"Anak ng tokwa! Ang tagal mo jan! Bilisan mo!" Malakas na hinampas ng lalaki ang pinto ng banyo.

"T-tapos na." Sagot ko. Pinunasan ko gamit ng palad ko ang aking luha saka ako mabilis na lumabas.

Kinaladkad ulit nila ako pabalik sa kwartong pinaglagakan nila saakin. Kinadena nila ako at iniwang nag iisa sa madilim na kwartong to.

Sino na ang magliligtas saakin ngayon? Jaylord nasaan ka naba? Kailangan kita. Iligtas mo ko. Malapit na kong bumigay.

Dahil sa nang hihina ako ay unti unti na akong nakatulog... Sana pag gising ko ay nasa bahay lang ako ni Jaylord... Sana ay isang bangungot lang ang lahat ng ito.

Nagising ako dahil sa malamig na tubig na ibinuhos saakin. Ayan ang alarm clock ko.

"Hoy babae! Gumising ka!" Sinipa sipa niya ako na para bang isang basahan.

"Ano ba talagang naging kasalanan ko sayo ha!"

Tumawa siya saakin at binugahan ako ng usok saaking mukha.

Ang akala ko ay isa siyang babaeng palaaral at isang babaeng mahiyain. Pero mali ako. Kayang kaya niyang gawin ang mga bagay na ito. Sino ba talaga ang isang to.

"Bellena! Sabihin mo! Ano bang naging kasalanan ko sayo! Ikaw ba si JAL!"

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Kita mo na! Hindi lang pala ako yung may galit sayo! No honey. Who's JAL? Sorry siya pero uunahan ko na siyang patayin ka." Tumawa ulit siya na parang isang kontrabida sa mga palabas.

"Bellena! Sabihin mo saakin! Anong kasalanan ko!?" Halos mangiyak na ako sa kasisigaw. Hindi ko na ata kaya. Hindi na.

"We're so much inlove back then Tasha! May mga plano na kami! Siya lang ang lalaking gusto kong makasa pang habang buhay ngunit ayan! Dumating ka! At nagulo mo ang isip niya! May Achilles kana! May Arkeen kana! Pati ba naman yung akin!" Kitang kita ko ang sakit at galit sa kanyang mga mata.

"Hindi kita maintindihan!"

"Jaylord was my fiancée! He broke up with me because of you bitch! Sabi niya ay may misyon lang siyang gagawin sayo! Pero hindi! Hindi na pala misyon yun! He's falling for you! So I'm here crashing down Tasha!"

Hindi ako makasagot sa sinabi niya. Halos manlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya. Gusto ako ni Jaylord? Pero anong misyon? Anong misyon ang sinasabi niya.

Talaga ngang hindi ko pa kilala ang mga taong nakapalibot saakin.

"Bellena, wala kaming relasyon ni Jaylord." Mahina kong sabi sakanya.

"So? Mababago ba niyan ang katotohanan na ikaw na ang mahal niya at hindi na ako? Gustong gusto na kitang patayin Tasha!" Sigaw niya sa harap ko at sinampal ako ng sobrang lakas. Fuck! There's blood again in my mouth.

Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng malalakas na putok ng baril galing sa labas. Kung dati ay natatakot pa ako ngayon ay parang wala nalang sakin. Ni hindi na nga ako takot kung hanggang dito nalang ako eh.

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon