Chapter 51

715 31 8
                                    

Dinala ko agad siya sa ospital. Iniwan ko na sila doon para hanapin ang taong nakamaskara na yon dahil agad itong nakatakas.

"Iligas niyo siya! Nurse! Iligtas niyo siya!" Sigaw ko sa mga nurse na naroon at agad naman nila itong inasikaso at ipinunta sa operating room. Inis na inis ako sa sarili ko dahil hindi ko manlang siya naprotektahan. Fuck!

Sobrang tagal kong nag hintay sa labas ng operating room. Ni hinda ko inda ang pagod at gutom. Hindi ko na nga namalayang nakarating na pala sila.

"Ano kamusta si Tasha? Kamusta ang kapatid ko?" Nagpapanic na tanong ni Tanya. Hindi ako kumibo dahil kahit ako ay walang maisagot.

"Dapat hindi niya ako hinarangan. Dapat ay hindi siya ang nabaril!" Umiiyak na sabi ni Tanya.

"Labs, tama na. Kahit ako naman ay gagawin iyon. Mahal na mahal ka ng kapatid mo kaya niya iyon ginawa. Magdasal nalang tayo para sakanya. Tasha is a tough girl. Kaya niya iyon." Sabi ni Rui.

Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko. Ayaw kong kumibo. Gusto ko ay nakaupo lang ako sa isang sulok at nag iisip ng tungkol sa kanyang kalagayan.

Ng dahil saakin ay napapahamak siya. Ilang beses na ba? Wala akong magawa para iligtas siya. Para mailayo siya sa kapahamakan. Ay oo nga pala isa din pala ako sa kapahamakan niya yon.

Gusto ko ng palayain siya. Gusto ko ng sumuko nalang. Gusto ko ng lumayo sakanya para hindi na niya nadadanas pa ang magulong mundo ko pero iniisip ko palang ang mga yon ay para na akong masisiraan ng bait. Gusto ko ay nasa tabi ko lang siya. Masama ba ang gusto ko? Selfish ba ang ganon? Fuck! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Malaman ko lang kung sino ang taong nakamaskara na yun ay papahirapan ko hanggang sa hilingin nalang niyang patayin ko na siya.

Napansin kong wala ding imik si Arkeen sa may isang tabi. Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa mga ikinikilos niya. Hindi ko lang mapagtanto kung ano ang mga yun.

Hinayan ko nalang siya, muli akong sumilip sa may pinto ng operating room kahit na hindi ko naman siya nakikita. Tang ina bat ang tagal ata!

Napagpasyahan kong magpahangin muna sa labas. Pakiramdam ko kasi ay naninikip ang dibdib ko.

Naglakad ako palayo sa kanila. Hindi naman na sila nagtanong kung bakit. Siguro ay alam nilang kinakabahan ako. Pagkalabas ko ay agad kong nilanghap ang sariwang hangin. Umaga na pala. Hindi ko na namalayan ang oras.

Oo nga at malakas ako, wala akong sinasanto, gago ako kung sa gago pero pag dating kay Tasha ay natatakot ako, nanghihina ako. Damn! I love her so much na baka kung hindi niya kinaya at tuluyan na siyang mawala saakin ay baka sumunod ako. Oo, ganon ko siya kamahal. Lahat lahat gagawin ko. Buhay ko ang buhay niya kaya pag nawala siya, mawawala nadin ako.

Umupo ako sa isang bench at patingin tingin lang sa mga tao hanggang sa makita ko si tita Alliya, tito Allen, tita Nic at tito Chrissmon.

Nagmano ako sakanila. At tyaka hinalikan ko sa pisngi ang mga tita ko. Kaibigan sila ni mommy at daddy.

"Oh, anong ginagawa mo dito Achi?" Tanong saakin ni Tita Alliya.

Pinakatitigan niya ako mula ulo hanggang baba at biglang nagbago ang kanyang ekpresyon.

"Punong puno ng dugo ang damit mo. Ikaw talagang bata ka. Hindi ka pa ba kinakabahan sa mga pinag gagawa mo? Tsk. Achi.. Itigil mo na ang organisasyon mo. Willing naman ang daddy mong bigyan ng mga mararangal na trabaho ang mga tauhan mo para kahit papano ay may kinikita padin sila."

Alam nilang lahat ang mga ginagawa ko. Lahat sila ay puro ganyan ang sinasabi ngunit sadyang matigas ang ulo ko noon. Kung noon pa sana ay si Tasha na ang unang dunating sa buhay ko ay siguro ay hindi naging ganito.

"Opo tita. I want to change. Natatakot na din po kasi ako. Gusto ko lang tapusin ang lahat ng gulong napasukan ko." I politely said.

"Mabuti yan Achi. Ikaw pa naman ang mag mamana ng kompanya ng daddy mo." Sabi naman ni Tita Nic.

Ngumiti ako sakanya. "Hindi ko po kaya tita. Andiyan naman po si Aphrodite."

"Kaya nga. Para saan pang magkambal kayo kung hindi kayo magtutulungan diba? Kaya mo yan. Hindi ata kasi kayo close ng kambal mo."

"Close po kami tita. Hindi lang po kami masyadong nagkikita pero kahit ganon po ay mahal ko po ang kambal ko." Sagot ko

"H-ha?! Mahal mo si Aphy? Paano mong mahal? Incest yan! Magkambal kayo!" Sabat naman ni tito Chrissmon. Hanggang ngayon ay ulol padin ang tito kong ito kaibigan nga siya ni daddy.

"Tito naman eh! Ano to? Tita Alliya at Tito Allen lang ang peg? I love her as a twin! Not like tito Allen and tita Alliya!" Napakamot pa ako ng ulo.

"Mabuti na yung sigurado." Sagot naman niya.

"Gago ka talaga mon!" Sabi naman ni tito Allen.

"Osiya. Tama na yan. Magpapacheck up pa kayo." Sabi ni tita Alli.

Dati kasi ay nagka tumor sila sa ulo. Gumaling na sila noon pa ngunit hanggang ngayon ay nagpapacheck up padin sila para makasiguro sila.

"Mauna na kami sayo Achi. Mag ingat ka sa lahat ng ginagawa mo." Sabi ni Tito Allen at tinapik ako sa aking balikat.

Tumango naman ako sakanila at tyaka ngumiti at pagkatapos ay nagtuloy na sila sa loob ng ospital.

Ilang saglit pa ay nagring ang aking cellphone. Nakita kong si Airah ang caller at agad ko naman itong sinagot.

"Nasaan ka!" Tanong ko.

"Andito na ako sa ospital. Pasensya na hindi ako nakapunta at nakatulong sainyo kanina. Inasikaso ko yung tungkol sa mall noong nakaraan para hindi ito lumabas sa media. Nakipagpalitan pa ako ng putok. Buti nalang at braso lang ang tama ko."

"Dami mong kwento. Tsk." Sabi ko.

Anong pakialam ko?

"Chill lang. Okay, gusto ka ng makausap nong doctor." Sabi niya. Ng dahil sa sinabi niya ay agad akong pumasok sa loob ng ospital at patakbong nagtungo sa operating room.

Hingal na hingal pa ako ng makarating ako at nakita kong andoon na nga ang doctor at ang mga kaibigan ko.

"Doc, how's Tasha?" seryoso kong tanong.

"Natanggal na namin ang dalawang bala sa kanyang likod."

"So, she's fine now? She's fine already right doc? Despirado kong tanong.

"She's in coma." Tatlong letrang nagpatibok ng masakit sa puso ko.

Akala ko ay wala ng mas sasakit pa sa ibinalita ng doctor na yun pero meron pa pala. Mas masakit, sobrang sakit na halos hindi ko kayang matanggap. Hindi kayang matanggap ng puso ko at hindi kayang matanggap ng isip ko. Papaano nangyari yon? Kung noong minsan lang kami muling nagkasama? May iba na ba? May hindi ba ako alam? Damn! It truly fucking hurts! I want to die! Now!



"She's in coma.........and she's 1 and half month pregnant."

-----

Vote and comment. :)

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon