Achilles 16

1.2K 39 0
                                    

Buti nalang at lunch break na. Nagugutom na din kasi ako dahil hindi nanaman ako nakakain ng maigi kanina.

Habang naglalakad ako papunta sa cafeteria ay nagulat nalang akong may lalaking matangkad na tumalon mula sa harap ko. Napahawak pa ako sa dibdib ng dahil doon.

Tinignan ko kung sino to at napagalamang si Jaylord pala.

"Ginulat mo ko! Di kaba marunong gumamit ng hagdan?"

Tumawa siya bago nagsalita. "Nasa may second floor ako ng makita kang naglalakad. Eh kung dadaan pa ako sa hagdan mapapalayo pa ako eh. Kaya tinalon ko nalang." Cool niyang sabi.

"So, how's your ankle?" Tanong niya.

"Okay na." Sagot ko saka ngumiti. Kahit ang totoo'y medyo kumikirot kirot padin pero kaya ko naman ng mailakad kahit papaano.

"Pasabay naman ako maglunch." Sabi niya. Damn! Ang pogi din pala ng isang to. Bagay na bagay sakanya ang kilay na makapal pero gaya ni Arkeen mukha din siyang playboy talaga.

"Sure." Sabi ko.

Sabay kaming naglakad papunta sa cafeteria.

Graduating na pala siya. Engineering siya at kaedad niya si Arkeen at si Achilles. Madami pa siyang kinwento hanggang sa makarating kami sa cafeteria.

Naupo kami sa pangdalawahan at napansin kong tumitingin saamin halos lahat ng mga babae. Anong meron?

"Gosh..Ang landi. Kanina lang ay kasama niya si Arkeen tapos ngayon si Jaylord naman?"

"Ang swerte ni girl. May Arkeen na my Jaylord pa.."

"Diba, pati si Achilles?"

What?! Gusto kong isigaw sakanila na hindi ko aagawin ang kung sino sa tatlo sa kanila. Although kahit mahal ko si Achilles. Kay ate ko nga ay hindi ko gustong agawin si Achilles e. Tss. Deadma nalang ako. Inggit lang sila.

"Oh. Bat nakabusangot ka?" Cool padin niyang sabi. Ganito ba talaga ang isang to?

Ng mailapag niya ang tray na may pagkain naming dalawa ay napansin kong may tattoo pala siya sa palapulsuhan niya.

Omega

Hindi ko nalang ito pinansin.

"Yung mga babae kasi eh. Akala ata nila nilalandi kita. Tss.." Sagot ko.

Tumawa siya "Hayaan mo na."

Habang kumakain ako ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sakanya. Nakatitig siya saakin at naaawkward ako ng dahil doon.

"Bakit? May dumi ba ako sa mukha? May muta ba ako?" Tanong ko.

"Wala.." Cool ulit niyang sagot.

"Eh bat ganyan ka makatitig?"

"Ang ganda mo pala..Siguro kaya baliw sila sayo..Kahit ata ako ay mababaliw." Sagot niya na siyang nagpakunot sa noo ko.

"H-ha? Sinong baliw saakin?"

"Sila. Alam kong 50% ng mga lalaki dito gusto ko ka."

Akala ko kung ano na. Oo. Madaming nagkakagusto saakin dito. Maganda daw kasi ako. Ang tatay kasi namin ni ate ay isang Australian. Matanda na siya noon kaya bata palang kami ay namatay na siya.

"Bolero to." Sabi at tumawa nalang sa sinabi niya.

Kumain nalang kami at hindi na nagsalita pa. Pero minsan ay hindi ko parin maiwasan tignan siya dahil habang kumakain siya ay ako ang tinitignan niya. Ang weird.

Pagkatapos naming kumain ay nagkwentuhan pa kaming muli ng kung anu-ano. Tawa lang ako ng tawa sa mga sinasabi niya. Ang bait naman pala niya kaya bakit gusto ni Achilles at ni Arkeen na iwasan ko siya? Okay naman pala siyang kausap at kasama eh.

Paalis na sana kami ng bigla nalang nakarinig kami ng sabay sabay na pagpaputok ng mga baril. Nagkagulo ang mga estudyanteng andito sa cafeteria. Lahat sila ay napadapa kagaya ko.

Ng matapos ang putukan ay tumayo na ako ng muli ko ulit marinig ang putukan at nagulat nalang ako ng i-cover saakin ni Jaylord ang kanyang katawan.

"O-okay ka lang?" Tila ba nahihirapan siya sa pagbanggit ng mga salita.

Nanginginig ako habang yakap yakap niya.

Ng masigurong wala na ang mga putok ng baril ay bigla nalang natumba si Jaylord.

Nagulat ako dahil may dugo sa kanyang balikat. Shit! Natamaan siya.

"Jaylord! Jaylord! Jaylord! Fuck!" Tinampal tampal ko ang kanyang pisngi.

Dumilat siya saka ngumiti. "O-okay lang. Malayo s-sa bituka." And he passed out.

Dumating ang mga medics. At dinala ang mga estudyanteng sugatan sa ospital. Kinakabahan talaga ako. Sana okay lang si Jaylord.

Andito ako ngayon sa President's office para kausapin ako kung ano ang mga nangyari.

Habang nagkikwento ako ay nanginginig parin ako at halos dumugo na ang mga daliri ko sa kakakagat ko dito.

Biglang nagring ang telepono ni Mr. President. Senenyasan niya akong mag hintay kaya tumango naman ako.

"Hello?...Yes...Yes she's here?...Okay...Here." Iniabot niya saakin ang telepono.

'Bakit sir?' I mouthed. Nagkibit balikat lang siya at inabot ko na ang telepono.

"H-hello?"

"Hi. Tasha San Jose." Sa boses niya palang ay kinakabahan na ako.

"S-sino to?"

"Malalaman mo rin. Malalaman mo saka kita papatayin." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nanginginig ang mga kamay ko at bigla kong nabitawan ang telepono.

"What happened? Ms. San Jose? Okay ka lang?" Dinaluan ako ni Mr. President. Pinatawag niya ang kanyang secretary para ikuhanan ako ng tubig.

"O-okay na po ako sir. Pwede naba akong umalis?" Tanong ko.

"Sige. Mag ingat ka." Sagot niya.

Pagkalabas ko sa office ng president ay agad kong nakita si Arkeen na nakasandal sa pader at may kausap sa telepono.

"Putang ina! Alamin niyo kung sino ang nasa likod ng mga to." Halata sa boses niya ang galit

Ng napatingin siya saakin ay agad niya akong nilapitan. Niyakap niya ako na tila ba sinasabi niyang safe ako.

"Sweetypie, Okay ka lang ba?"

"Arkeen. Anong gagawin ko? May gustong pumatay saakin." Sabi ko at unti unti ng tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Natatakot ako.

"Sshh...Sa tingin mo ba hahayaan ni Achilles na mangyari yun?" Sabi niya. Kahit papano ay gumaan ang loob ko ng dahil sa sinabi niya. Sana nga. Sana nga ay anjan lang si Achilles.

"At andito ako. Hindi man ako ang super hero mo noonh gabi ng auction ngayon ay maasahan mo ako." Sabi niya na mas lalong nagpagaan sa nararamdaman ko.

"Salamat Arkeen. Salamat.."

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon