Hanggang ngayon ay naglalaro parin sa isip ko ang mga sinabi ng kambal ni Achilles. Hindi ko alam kung maniniwala nga ba ako sa sinabi niya oh baka naman guniguni ko lang ang mga yun? Hmmm! Nakakainis ang mag isip ng mag isip!
"Saan po tayo pupunta ma'am?" Tanong ng isang tauhan ni Rui ng makarating kami sa Van na sinakyan nila.
"Sa mall kuya." Malapit na din ang pasukan. Huling taon ko na sa college. Iyon nalang muna ang pagtutuunan ko ng pansin. Nagiisip nadin akong mag working student dahil hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pang matrikula. Ayaw ko na din kasing humingi ng tulong sa kahit kanino.
"Anong gagawin mo doon ma'am?" Tanong ulit niya. Naiirita ako sa mga to dahil buntot sila ng buntot ngunit wala naman akong magagawa. Baka pagalitan sila ng amo nila kung hindi ako binantayan.
"Bibili ako ng mga gamit sa school." Sagot ko.
"Osige po ma'am. Sakay na po kayo." Pinagbuksan ako ng isa at ng tuluyan na akong nakapasok ay agad nadin nilang pinatakbo ang kanilang sasakyan.
Ilang minuto lang ay nakarating nadin kami sa mall at agad na nagtungo sa national bookstore. Naiwan sila sa labas dahil sabi ko naman ay hindi naman ako mapapano sa loob dahil puno naman ito ng security guards.
Habang namimili ako ng mga bibilhin ko at nag iikot ikot ay naramdaman kong parang may sumusunod saakin. Hindi ko alam kung bakit pero parang bigla nalang akong kinabahan sa di malamang dahilan.
Lingon ako ng lingon ngunit wala namang kakaiba. Normal lang naman ang mga nakikita ko ngunit bakit kakaiba ang nararamdaman ko? Damn! Malala na to. Siguro ay sanhi na to dahil sa pagkakapasok ko sa mundo nila.
Pero ilang saglit pa ay nakarinig ako ng malalakas na putok ng baril. Agad agad akong nagkubli sa sulok habang tinatakpan ang aking tainga. Shit! Heto nanaman!
May mga armadong lalaki ang palapit saakin ngunit nagulat ako ng bigla silang natumba. Tumingin ako sa likuran ko at laking gulat ko ng makita si nurse Airah na nakahawak ng baril. Siya ba ang bumaril sa mga to?
"Tasha! Halika!" Sigaw niya. Tumakbo ako papalapit sakanya ngunit naabutan ako ng isa sa mga armadong lalaki.
"Bitawan mo ako!" Singhal ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya saakin at kasing tigas ng bato ang kanyang braso.
Tumakbo papalapit saamin si nurse Airah at tinadyakan sa mukha ang lalaking nakahawak saakin. Hindi ko alam kung saan ako magugulat sa mga lalaking armado ba o kay nurse Airah na kamag anak ata ni Jackie Chan?
"Magtago ka!" Sabi niya saakin habang nakikipag palitan ng suntukan at putok ng baril sa mga lalaki.
Ilang saglit pa ay may humawak saakin. "Halika na. Dali!" Si Nurse Airah na may bahid ng mga dugo sa kanyang damit. Wala akong nagawa kundi magpatianod sa kanya dahil di ko din naman alam ang aking gagawin.
Tumakbo kami hanggang sa makalabas kami sa mall at sumalubong saamin ang ang Van kung saan ako nakasakay kanina.
Mabilis kaming sumakay at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Hindi ko alam kung may maititibok pa ba ang puso ko sa sobrang kaba.
Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako kay nurse Airah na hanggang ngayon ay may hawak paring baril.
Lumingon siya saakin saka ngumiti. "Hi Tasha!" Pagbati niya na para bang walang nangyari.
"H-h-hello." Utal na pagbati ko sakanya. Hanggang ngayon ay gulat na gulat padin ako sakanya.
"Na-napatay mo ba lahat ng mga lalaki doon?" Tanong ko.