Chapter 59

747 34 9
                                    

"Jasmine! Nakita ka nila at ng girlfriend mo kanina! Sa susunod ay mag iingat ka!" Pagalit na sabi ko kay Jasmine ang asawa ko.

Yes, kasal ako. Kasal ako sa isang lesbo. Nagparaya ako sa kanila at kailangan ko ng excuse doon kaya naisip kong magpakasal. Alam ko kasing iimbistigahan nila ako.

"I'm sorry. Hindi na mauulit." Mahinahong sabi niya.

Si Jasmine ay nakilala ko sa isang probinsya. Maganda siya pwede nga siyang ipanlaban ng ms. Universe e kasi yun nga lang ay tomboy siya at may girlfriend siya. Hindi alam ng mga magulang niya na tomboy siya at doon ako pumasok sa buhay niya. Pinakasalan ko siya para pagtakpan siya at para pag takpan din ako.

"Achi, hindi ka ba nasasaktan sa mga ginagawa mo? Nagparaya ka ng ganun-ganon lang?" Tanong naman saakin ng kakambal ko. Simula palang ay alam niya na to.

"Ganun-ganon lang Aphy? Hindi mo alam kung anong mga ginagawa ko bago sumuko, hindi mo alam." Sabi ko sakanya. Pilit ko mang pinipigilan ang luha saaking mga mata ay hindi ko kaya. Pakiramdam ko'y naging mahina akong tao.

"Ang akala ko dati ay lalabanan mo si Arkeen para Tasha?"

Oo gusto ko siyang labanan. Galit na galit ako sakanya noon pero napag isip ko din na kaibigan ko si Arkeen. Hindi ko siya pwedeng labanan dahil alam ko na kahit anong gawin ko ay hinding hindi niya ako lalabanan.

Naalala ko pa noon. Lahat lahat ay ibinibigay niya saakin. Ultimo kahit na ang babaeng mahal na mahal niya ay ibibigay niya.

Naalala ko pa noon nasa college na kami ngunit palagi kaming pumupunta sa highschool dahil nandoon ang babaeng gusto niya.

Doon ko nakilala si Tasha. Ipinakilala siya saakin ni Arkeen. Hindi ko alam kung anong mararamadaman ko noon. Alam kong may Tanya na ako kaya ay tinigil ko na kung ano man ang nararamdaman ko. Hinayaan ko na si Arkeen.

Dumating nga ang araw na pinakahihintay ko. Auction na at may mga kliyente ako.

"Bakit ang dami mong dalang pera?" Tanong ko.

"Andito siya. Kukunin ko siya." Masayang sabi niya. Nagkibit balikat nalang ako ng dahil doon.

Ilang saglit pa ay lumabas na siya. Si Tasha. Halata sa kanyang mukha ang kaba at takot.

Habang tinitignan ko siya ay naririnig ko ang tibok ng puso ko. Kamukha niya si Tanya!

"A-arkeen, saakin nalang siya. May Jenya ka naman e. Saakin nalang siya kamukha niya si Tanya." Mahina kong sabi sakanya. Alam ko naman e. Na ibibigay niya saakin to.

Huminga siya ng malalim bago kumibo. "Sige."

At yun nga ang nangyari ng mga panahong yun. Pakiramdam ko ay ang sama kong kaibigan sakanya. Pakiramdam ko'y naging sakim ako sakanya.

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon