Achilles 15

1.2K 37 1
                                    

"Hi! Sweetypie kamustang tulog? Para kang nakadrugs ah? Pumupuslit ka ata ng mga droga sa secret room ni Achilles e." Masayang bati ni Arkeen habang tinutusok ang hotdog na nasa hapag. Wala si ate at Achilles kaya kami lang ni nanay ang nandito.

"Hello! Tita!" Bati niya kay nanay. Araw araw atang naka enervon ang isang to eh.

"Arkeen wala ako sa mood makipagbiruan." Malamig kong sabi sakanya kaya tumigil nalang siya.

Ngumiti naman si nanay sakanya.

"Tasha..." Si nanay. Alam ko na kung bakit niya ako tinatawag. Siguro ay tungkol ito kay ate at Achilles. Hay!

"Keen, Hintayin mo nalang ako sa labas. Dalhin mo na yang sandwich."

Tumango naman siya at tyaka umalis.

"Ano yun Nay?" Tanong ko kahit alam ko na.

"Si ate mo." Nag aalangan niyang sabi. Huminga siya ng malalim tyaka itinuloy ang kanyang sasabihin.

"Alam mo naman diba? Na kahit mas matanda si Tanya sayo eh mahina siya. Alam kong mahal mo si Achilles pero sana naman anak hayaan mo nalang si Achilles sa ate mo. Tutal ay ikaw itong matatag at malakas. Ayaw ko ng ulit maging miserable ang buhay ng ate mo."

Ngumiti ako sakanya ng pilit.

"Oo nay. Iiwasan ko na po si Achilles."

Hanggang ngayon ay hindi padin alam nila ate at nanay kung paano kami nagkakilala ni Achilles. Ang alam nila ay katulong ako dito. Yun lang.

Ayaw ko nadin namang sabihin sakanila na ibenenta ko ang katawan ko sa bilyonaryong hinayupak na si Achilles para lang sa pagpapaospital kay ate at para rin gumanda ang buhay namin. Nag sakripisyo ako kasi nagsakripisyo din naman si ate noon kaya dapat lang na maging masaya siya ngayon kahit pa ikalulungkot ko yun.

Nag iinit ang gilid ng mata ko ngunit bago pa yun makita ni nanay ay tumalikod na ako. Ayaw kong makita niya akong mahina kasi alam niyang malakas ako.

"Sige nay, pasok na ako." Binilisan ko ng maglakad hanggang sa makarating ako sa sasakyan ni Achilles.

Nakasandal siya doon at hinahagis at sinasalo ang kanyang susi.

Kita mo nga naman ang lalaking to. Wala ngang tattoo sa katawan, nakauniform nga pero hindi naman nakalagay ang botones. Pacool ampota e.

Pero ngayon lang din napansin na ang pogi niya pala sa ganyang porma yung hikaw niyang krus, yung buhok niyang blonde at yung kutis niyang napakinis.

Bakit ko ba to iniisip. Tss.

"Oh sweetypie. Tara na?" Tanong niya ng makita ako.

Hindi na ako sumagot at nagtuloy nalang ako sa pagpasok sa loob ng sasakyan niya.

"Sungit!" Singhal niya.

"Bakit ba palagi mo akong sinusundo?" Tanong ko.

"Binabantayan lang kita. Gusto mo bang sundan ka nanaman ng mga itim na Van? Ikaw din." Nagkibit balikat siya at pinaandar na ang kanyang sasakyan.

Naalala ko nanaman ang mga Van na yun. Alam ko naman na madami silang kaaway ng dahil sa Mafia pero kailangan bang damay ako? Tss..

Nagulo ang buhay ko simula ng nabili ako ni Achilles sa auction na yun. Sana pala ay iba nalang ang nakabili saakin. Kahit matandang dugyutin na sana basta mabait.

Napabaling ang tingin ko kay Arkeen. Iniisip ko kung paano kaya kung siya ang nakabili saakin? Alam kong kasali din sa Mafia to. Pero paano kaya kung siya nga? Alam kong gugulo din ang buhay ko pero yung puso ko kaya?

Aishh! Bakit kaya kung anu-ano ang iniisip ko.

"Makatitig ka naman. Crush mo ko no?" Tanong niya habang pangiti ngiti pa ang gago. Hay nako.

"Nasaan ka noong nabili ako ni Achilles sa auction noon?" Tanong ko.

"Kasama ko siya noon." Sagot naman niya.

"Tang ina mo ka! Bakit hindi nalang ikaw yung bumili saakin! Ang ganda ko naman at ang sexy ah!" Sana siya nalang para hindi na ganong naging komplekado ang puso ko.

"Whoa! Chill..." He chuckled.

"Di sana hindi ako nasasaktan. Di sana hindi ko kailangang magsakripsiyo ng ganito." Mahina kong sabi.

"I'm goin to buy you that night Tasha. 15million or kahit pa magkano kapa. Kung ano ang kaya ni Achilles kaya ko din. Kung ano ang meron siya meron din ako...But he's my fucking bestfriend. Sinabi niyang ipaubaya nalang kita sakanya... Kung ano ang gusto niya kahit gusto ko ipinapaubaya ko sakanya. Because he's my bro." Naging seryoso na siya ngayon. Ang mapaglarong ngiti sakanyang mga labi ay nawala.

So, siya dapat ang makakabili saakin noon?

"Bakit gusto mo akong bilhin noon?"

"Because that night when I saw you, feeling ko magiging super hero ako. Feeling ko kailangan mo ng tulong ko.." Seryoso padin siya hanggang ngayon.

"Gusto mo din ng kasex noon?"

"Syempre..Ang hot mo kaya noon. Bakat yung utong mo. Tss..Sayang talaga." At bigla siyang humakhak ng malakas. Bwisit na to. 5mins. Lang pala kung magseryoso.

Hinampas hampas ko siya ng bag ko.

"Punyeta ka talaga Arkeen! Manyak ka!"

"Ahh..Ah..Tasha! Masakit." Sabi niya pero tumatawa tawa padin siya.

Buti nalang at nakarating na kami sa parking lot ng Lux u. At baka nabugbog ko pa siya ng bonggang bongga.

Sabay kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa klase ko. Papasok sana ako ng muli niya akong tawagin.

"Tasha."

"Oh. Manyakis bakit?" Tanong ko.

Seryoso siyang nakatingin saakin ngayon.

"Ang pagiging manyak ko. Asset ko yan. Gustong gusto yan ng mga babae ko." Bago siya ulit tumawa.

"Ang gago mo! Siguro kaya kung saan saan mo na isenesend yung I love you mo kasi napakarami mong babae."

Kumunot ang kanyang noo sa aking sinabi.

"Hindi ako nagsesend ng I love you sa mga babae ko no."

"Bugok to. Manyakis na ulyanin pa. Eh ano yung sinend mong I love you saakin kahapon?"

Biglang nagbago ang kanyang ekspresyon. Hindi siya nakasagot kaya muli akong nag salita.

"Oh. Para kanino sana yung text mong yun?" Tanong ko. Nakakatawa yung ekspresyon niya.

"Tss...Wala...Sige na late na ako." Malamig niyang sabi tyaka nagmartsa na palayo.

Bipolar din ata ang isang yun e.

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon