"Ang tanga tanga ko. Shit! Ang tanga tanga ko. Bakit ginawa ko yun?" Sabi ko sa sarili ko habang palakad lakad dito sa kanyang kwarto. Nahihiya akong harapin siya.
"Tasha, breakfast is ready." Kumatok siya sa pinto.
"O-Oo..Bababa na ako." Sagot ko.
Hindi naman ako pwedeng habang buhay na magkulong dito. Huminga ako ng malalim tyaka ko napagdesisyunang harapin si Jaylord. I hate alcohols. Damn!
Ng makarating ako sa dining table niya ay andoo na siya at matamang nagkakape. Nakauniform na siya at halatang handa ng pumasok sa school. Samantalang ako ay hindi makakapasok dahil hindi ko na masusuot ang aking uniporme.
Ng makita niya akong patungo na sa mesa ay ngumiti siya kasabay ng pagkislap ng kanyang hikaw sa tenga. Ang ganda palang tignan sakanya non.
Dahan dahan akong umupo sa harap niya habang nakayuko. Shit! Hindi ko siya matignan.
"Tasha, yung nangyari kagabi--"
"N-naku! Hayaan mo na...Sorry...Nalasing ako. Hehe!" Awkward kong sabi.
Suminghap siya bago nagsalita. "Nasa paper bag yung bago mong uniform. May undies din doon. Hmm. Mamili ka nalang." Buti at iniba na niya ang usapan.
"Natatakot akong pumasok. Paano kung may manguha nanaman saakin?"
"I'm here Tasha. Don't worry. Sa tingin mo ay hahayaan kitang mapahamak?" Sagot naman niya saakin.
Pagkatapos naming kumain ay nagmadali na akong isuot ang uniform na dala niya. Tama lang sa sukat saakin kahit na ang bra at panty. Well nasukat na siguro niya kagabi. Damn!
"Okay na. Pasok na tayo?" Ngumiti ako sakanya at ganon din siya saakin
Ewan ko kung bakit sinasabi ni Achilles at Arkeen na layuan ko ang taong to gayong napakabait niya saakin at ang gaan gaan ng loob ko sakanya.
Kamusta na kaya sila nanay at ate doon? Tiyak na hinahanap na nila ako. Siguro ay tinatawagan nila ang cellphone ko kaso wala na. Winasak na nung lalaking malaki ang katawan. Hay sayang din yun a. Cherry mobile pero touch screen yun. Tsk...
Ng nasa byahe kaming dalawa ay tahimik lang kaming dalawa. Ayan nanaman yung awkwardness kaya kinuha ko nalang ang nasa ipad niya.
Ng hindi ko sinasadyang mapindot ang isang kanta
Bakit feeling ko si Jaylord ang kumakanta nito. Feeling ko kinakantahan niya ako. Ang weird.
"Why are you blushing?" Tanong niya saakin
"H-ha?" Hindi ko namalayang nag iinit na pala ang pisngi sa aking iniisip. Epekto siguro to ng alak. Kainis.
Matagal pa ang byahe kaya naisipan kong umidlip muna dahil hindi agad ako nakatulog kagabi.
Ng magising ako ay nakahinto kami sa tabi ng daan. Nilingon ko siya at nakitang may kausap na sa phone.
"Fuck! Jenya! I love you and you know that pero sumosobra kana! Hindi ganito ang plano! Hindi na ikaw yung Jenyang kilala ko!" Mahina ngunit madiin niyang sabi.
Sino kaya yung Jenya? Ang akala ko ay wala siyang girlfriend pero sino yun? At ano ang planong sinasabi niya? Siya din ba ang katawag niya noong nasa rest house niya kami?
Ano nga bang pakialam ko? Isinawalang bahala ko nalang ito at nag unat. Nagulat ata so Jaylord kaya pinatay na niyang muli ang tawag. Ang weird. Ganyan din siya kahapon. Siguro ay ayaw niyang malaman ko na may girlfriend siya.
"Malapit na ba tayo?" Tanong ko.
"Y-yes.. Within 20minutes ay naroon na tayo sa Lux." Sagot niya at pinaandar ng muli ang kotse.
Ng makarating kami sa parking lot ay nagpark na siya sa kanyang usual na pinag papark'an niya ng kanyang sasakyan.
Bumaba ako sa kanyang sasakyan ng makita kong kasunod niya ring nagpark ang sasakyan ni Arkeen sa tabi niya.
Agad agad na bumaba si Arkeen sa kanyang sasakyan at bigla bigla nalang sinuntok si Jaylord.
Nanlaki ang mata ko ng dahil doon. Dinaluan ko si Jaylord na napaupo na sa semento.
"Damnit! Arkeen! Anong ginawa mo! Bakit mo siya sinuntok!" Sigaw ko sakanya.
Halata kay Arkeen ang galit dahil pulang pula ang kanyang leeg at nanlilisik ang kanyang mga mata.
"Saan mo dinala si Tasha, Lacuin." Mahina ngunit may diin niyang sabi.
Si Jaylord naman ay nakahawak lang sakanyang labi na may dugo.
"Arkeen. Tinulungan ako ni Jaylord. Kinidnap ako kahapon!" Sabi ko sakanya.
"Nagtitiwala ka kasi agad sa gagong yan! Hindi mo pa siya ganoong kilala!" Sigaw niya pa saakin. Ano bang problema ng isang to seriously?
"Nagtitiwala? Gaya ba sa ginawa ko kay Achilles? Nagtiwala din ako sakanya! Pero anong ginawa niya? Ginago niya ako! Ginawa niya akong walang kwenta! So sa palagay ko hindi ko pa nga siya talagang kilala." Sigaw ko pabalik sakanya. Hindi ko nadin namalayan na lumalandas na pala ang mga luha ko saaking mata dahil naisip ko nanaman ang gagong nanakit sa akin.
Si Jaylord ay tahimik lang sa likod kong nakikinig saaming dalawa.
"Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo Tasha." Sabi niya.
"Hindi ko alam ang sinasabi ko? Siguro ay alam mo na ang pinagdaanan ko kahapon? Siguro ay naroon ka rin noong sinasabi ni Achilles ang mga masasakit na salitang yun? Hindi ba niya naisip..Na..Na sana ay sinabi nalang niya sa lalaking d-dumukot s-sakin na patayin nalang ako? Ang sakit Arkeen! Sobrang sakit!"
Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante pero wala na akong pakialam. Gusto ko lang ilabas to ngayon kasi pakiramdam ko ay sasabog na ako.
"Siya! Siya na inaasahan kong ililigtas ako dahil siya naman ang dahilan kung bakit ako dinukot ay hindi. Hindi manlang ako kinamusta kung maayos lang ba ako. Kung buhay pa ako. Yung di ko inaasahang tutulong saakin ay siya pa ang naroon." Halos manghina ang tuhod ko dahil sa pag sigaw at pag iyak ko.
"Pumunta kami kung saan ka dinala Tasha! Kasama ko si Achilles! Pinuntahan ka namin pero wala ka na doon. Wala ng tao doon." Pagpapaliwanag niya. "Hinanap ka namin Tasha."
"Hindi ko na kailangan ng paliwanag mo Arkeen....Bakit ganito? Anong ginawa ko para maranasan ang lahat ng to? Pakiramdam ko ay hindi ako kailangan ng kung sino man kaya ginaganito ako." Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luhang patuloy na umaagos sa mata ko.
"Hindi totoo yan Tasha." Mahina niyang sabi. Tiningala ko siya para marinig ulit ang kanyang sasabihin.
"Hindi mo ba kaya naisip na baka meron ding taong may kailangan sayo? Yung kailangan ka kasi mahal ka?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Hindi kita maintindihan Arkeen." Sagot ko.
"Palagi naman eh diba? Palagi mo namang hindi maintindihan. Manhind kana bulag kapa. Mag usap nalang tayo pag kumalma kana."
Sabi niya at naglakad na palayo. Bakit may kakaiba akong naramdaman kay Arkeen ng sinabi niya ang mga yun?
Damnit! Ang gulo gulo na talaga ng buhay ko!
---
Team Arkeen Team Achilles o Team Jaylord? Hahahaha! Parang may something eh. Hmmm!
Guys hindi naman bawal mag comment. Comment naman kayo oh. Feeling ko tuloy hindi kaaya-ayang basahin tong kwentong ginagawa ko. :(