"Oh ano na! Ipasok niyo na ang dalawang yan." Sabi ng isang boses ng huminto ang sinasakyan naming sasakyan. Hindi ko alam kung nasaan kami dahil hanggang ngayon ay nakapiring parin ang mga mata ko.
"Nasaan ba ako! Sino ba kayo! Damn! Kailan lang ay nakidnap ako tapos ngayon nanaman!" Sigaw ng katabi kong sa pagkakaalam ko'y si Jenya.
Nahiya naman ako sakanya. Makailang beses na ba akong nakidnap?
"Ang daldal talaga ng kapatid ni Lacuin. Pasakan ko ng bola yang bunganga makita mo!" Sabi ng isang tinig.
"Sige ilabas na yang mga yan." Sabi ng isa pa.
Padarag kaming hinila palabas ng sasakyan ng kung sino man. Ang higpit at ang sasakit ng hawak nila na animo'y walang pakialam saamin.
Sino ba ang may galit saamin? Hindi naman magkaaway ang Omega at ng organisasyon nila Achilles. Hindi namin alam kung sino nga ba ang kalaban namin.
Sabi pa nila'y kapatid daw ni Bellena pero noong nagimbestaga sila ay nakita nilang ulila na si Bellena kaya sino siya?
Hindi namin masiguro kung lalaki siya o isang babae dahil sa takip na takip ng kanyang malaking jacket ang kanyang katawan, naka maskara siya at paiba iba ang kanyang boses.
Tinanggal ang piring sa aming mga mata at nagulat ako ng makita si ate at si Rui na nakagapos. Bugbog sarado si Rui at tila ba ay ilang suntok nalang ay bibigay na.
"Oh my god! Ate!" Agad akong lumapit sakanya at tyaka siya niyakap. "Nasaan ang nanay?!"
"Ligtas siya. Wag kang mag alala." Sabi pa niya.
Pinaupo kami ni Jenya sa tabi nila at ginapos din kami.
"Oh ano na Rui? Ano?! Akala ko ba ay ninja ka sa Japan? Ano na?! Wala ka palang binatbat e." Mayabang na sabi ng isang armadong lalake.
Tumawa lang ng nakakaloko si Rui sabay dura ng dugo sakanyang labi.
"Ulol kaba? Isa ako limang daan kayo? Napabagsak ko yung tatlong daan. Pasalamat ka at nakapagtago ka. Lagot ka sakin mamaya pare iisa isahin ko kayo. Lahat ng humawak kay Tanya ay papatayin ko." Sabi niya habang nakatitig na matalim sa lalaking nagsabi non.
Napalunok ang lalaki at umatras at nagtungo sa mga iba pa niyang kasamahan.
"Rui. Wag ka ng magsalita labs. Bugbog sarado kana. Tama na." Kinakabahang sabi ni ate sakanya.
"Pogi padin naman ako diba labs?" Tanong ni Rui.
"Duhhh! Pwede bang mamaya na kayo maglandian. Kahit kailan talaga Rui no?" Sabi ni Jenya sabay irap.
"Inggit ka lang kasi wala kang labs!" Pagloko naman sakanya ni Rui.
"Meron akong labs no!" Sagot naman ni Jenya.
"Meron ka ngang labs. Labs kaba?" Tanong ulit ni Rui.
"Pwede ba Rui. Tama na. Mamamatay na tayo nakukuha mo pang magbiro eh." Pagalit na sabi ko sakanya.
"Hindi tayo mamamatay. Wala ka bang tiwala kila Achilles? Siguro mga ilang minuto nalang ay parating na sila so don't worry." Chill na sabi ni Rui.
"Hoy! Ang iingay niyo jan ah!" Sigaw ng isang armado.
"Tang ina ng mga to. Lagot tong mga to saakin." Bulong ni Rui sa kanyang sarili.
Ilang saglit pa ay pumasok ang taong nakamaskara kasama ng lima pang armado. Umupo siya sa upuan sa harap namin.
"Hihintayin nalang natin ang mga kasama niyo at pwede ko na kayong patayin." Sabi niya sabay tawa na para bang demonyo.