"Tasha, mahal na mahal kita." Sabi saakin ni Arkeen habang nakaupo kami sa isang bench sa loob ng compound ng kanyang mansyon.
"Arkeen." Tawag ko sa kanya.
"Wag ka munang sasagot Tasha please? Hayaan mo muna ako. Hayaan mo muna akong sabihin kong mahal na mahal kita. Kaya ko namang mag hintay sa sagot mo. Hell! I can wait forever." Halatang halata sa kanyang mata ang saya at parang masaya na din ako ng dahil doon.
"Tara na sa Pinas. Tara na para makita mo na si Shiki." Sabi ko sakanya.
"Oo. Uuwi na tayo. Gusto ko na siyang makita, gusto ko na siyang makarga, gusto ko na siyang halikan. Siguro ay kasing ganda mo siya." Masayang sabi niya.
"Actually kamukha siya." Sagot ko naman.
Ilang oras pa kaming nagkwentuhan hanggang sa dumating na ang eroplanong gagamitin namin pauwi ng Pinas. Excited na akong makita si Arkeen at si Shiki ng magkasama.
Sa byahe ay nag uusap padin kami ng kung anu - ano. Tungkol sa mga nangyari sakanya nitong nakaraang tatlong buwan at ganon din saakin. Masaya akong makita siya. Totoo yun. Ngunit hindi ko masasabi na kaya ko na siyang mahalin. Sinabi ko nadin sakanya yun. Ipinaliwanag ko na at okay naman siya doon basta ay ngayon ay palagi na kaming magkakasamang tatlo.
Ng makarating kami sa ospital ay agad kaming nagtungo sa kwarto ng aking anak. Mukha nga talaga siyang excited dahil ang bilis niyang maglakad.
"Hintayin mo ko Arkeen. Hintay." Sabi ko habang hingal na hingal.
"Excited na akong makita siya Tasha. Sorry." Napakamot pa siya sakanyang ulo.
Hinawakan niya ang aking kamay at nagulat ako ng mabilis siyang tumakbo. Excited na excited nga talaga siyang makita ang anak namin.
Pagkaratinga namin sa kwarto ay nakita namin silang lahat. Si ate at nanay ay nilalaro si Shiki, ang iba naman ay kumakain. Meron din si Achilles pero wala ang kanyang asawa.
"Oh! Damn! Andito na kayo! Kailan ang kasal?" Tanong ng masayang si Rui.
"Buti at nasundo mo yan." Sabat naman ni Kas.
"Wala pang kasal ni hindi pa nga umu-OO si Tasha eh. Hihintayin ko muna." Sagot ni Arkeen habang ako naman ay nakangiti lang.
Dumeretso si Arkeen kila nanay na nilalaro si Shiki. Napangiti nalang ako ng makita kong halos maluha siya ng makita sa unang pagkakataon ang kanyang anak.
Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan tungkol saamin ni Arkeen ng napagpasyahan na naming kumain.
"Achi, nakita ko yung Asawa mo kanina. May kasamang babae." Biglang sabi ni Jaylord.
"Oh? Eh ano naman?" Tanong naman ni Kas.
"Wala naman. Nawiwirduhan lang ako kasi parang sobrang malapit sila." Sagot naman niya.
"Bestfriend niya! Si Karen." Mabilis namang sagot ni Achilles sakanila.
"Okay." Tanging nasabi nalang ni Jaylord
Ilang saglit pa ay lumapit saakin si Achilles. "Can I talk to you?" Tanong niya. Tumango naman ako sakanya.
Sumunod naman ako sakanya. Nagtungo kami sa rooftop na dalawa. Kinakabahan man ako pero hindi ko alam kung bakit parang hindi na ito yung kabang naramdaman ko noon.
"Kamusta kana?" Paunang tanong niya.
"Ayos lang ako. Masaya ako. Salamat pala."
"Basta para sayo at para sa kaibigan ko. Wala yun. Okay na ba kayong dalawa? Nakapag usap na ba kayo?" Tanong niya.
"Okay naman kami. Oo. Nakapag usap kaming dalawa." Sagot ko ng nakangiti.
"Kayo na ba?"
"Hindi. Hindi ko pa kasi siya mahal. Ayoko namang magpakaplastic. Sa totoo lang ay ikaw padin ang mahal ko pero alam ko din namang hindi na tayo pwede. Kaya susubukan ko. Susubukan ko siyang mahalin. Siguro ay madali lang to. Kasi siya ang tatay ng anak ko." Sagot ko.
Ngumiti siya saakin. Mukha siyang masaya. Masaya siya para saamin.
"Mabuti naman. Alam kong kayo naman talaga dapat kaya dapat magkatuluyan kayo. I hope that you two will end up each other." Sabi niya
"Ikaw? Masaya ka naman ba? Masaya ka ba sa asawa mo?" Tanong ko.
Suminghap siya bago sumagot. "Oo naman. I'm very happy."
Tumango ako sakanya at ngumiti. Hindi ko kasi alam kung anong muli ang isasagot ko.
"Can I hug you for the last time?" Naka open arms niyang tanong. At mabilis naman akong yumakap sakanya.
Hindi ko alam kung bakit pero parang may bukol sa aking lalamunan na ang hirap hirap lunukin. Hindi ko din alam kung bakit ako naluluha. Siguro ay ganyan talaga. Masakit oo kasi pakiramdam ko ay talagang huli na ito pero hindi na kagaya ng dati na sobrang sakit yung tipong hindi ko kayang inadahin? Kasi ngayon ay pakiramdam ko ay kayang kaya ko na to.
Mahina ko siyang itinulak para matapos ang pagkakayap namin ngunit mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap saakin.
"Just a minute. Ganito muna tayo. Please?" Tanong niya kaya unti unti naman akong tumango sakanya.
"Alam kong alam mo at nararamdaman nating pareho na huli na to. Huli na ang pag uusap nating ganito at isasara na natin ang kabanata nating dalawa, gusto ko lang sanang malaman mo na masaya ako. I was once happy having you in my life. Thank you Tasha. Thank you so much."
Iyon ang huling sinabi niya pagkatapos ay kinalas na ang pagkakayakap saakin. Mabilis siyang naglakad palayo saakin pagkatapos niyang sabihin ang mga yun.
Habang palayo siya ng palayo ay parang sumisikip din ang mundo ko. Ganon talaga siguro pag alam mong patapos na talaga. Tapos na nga talaga ang namamagitan saamin dalawa.
Sa paglakad niya ng palayo saakin ay parang may karatola sa kanya na nagsasabing "Goodbye forever."
Pero kahit na masakit ay alam kong sa susunod na araw ay makakahinga na ako ng maluwag. Siguro nga ay ito ang trabao ni closure ang maliwanang ka at masiksik mo sa utak mong tama na, tapos na, wala na kaya kailangan ng mag move on hindi lang move on kundi move forward.
Sana nga ay madali ko lang itong magagawa. Sana ay saglit lang yung sakit na mamaramdan ko ngayon. Sana ay sa lalong madaling panahon ay magiging maayos na din ako.
Sana nga.
----
Keep on reading guys! Ilang chapters nalang po. :) Please vote and comment.