Achilles 23

1.2K 32 2
                                    

"Paano natin haharapin si ate?" Tanong ko. Kinakabahan na kasi ako.

Pauwi na kami sa mansyon ni Achilles. Surely I'll break my sister's heart and my nanay's heart too.

"Alam nadin naman ni Tanya. Everything's gonna be alright baby? Please, just trust me.."

Habang nasa byahe kami ay bigla namang nagvibrate ang cellphone ni Achilles.

"Please, read the message for me." He politely said.

"Sure." Kinuha ko ang cellphone niyang nasa dashboard at binasa ang message.

Rui:

Hey! Bastard where are you? Arkeen and I are drinking. Want to join?

Binasa ko ang text sakanya.

"Gusto mo bang pumunta ng hide out?" Ngumiti ako sakanya at tumango.

"Pupwede ba ako doon?" Tanong ko naman bigla. Baka kasi ay hindi ako pwede doon.

"Why not? You're my wife." Tumawa ako sa sinabi niya.

"Wife ka jan. Bakit? Kasal na ba tayo?"

"Doon din tayo pupunta no." Sagot naman niya.

Narealize ko na may ganito pala siyang side. Hindi yung puro seryoso lang at masaya ako ng dahil doon.

Tyaka ko nalang muna proproblemahin yung kay ate. Gusto ko munang maging masaya at kalimutan muna sila kahit saglit.

Nakarating kami sa isang compound na napapalubutan ng madaming lalaking naka itim ay may kanya kanya silang malalaking baril at walkie talkie. Ang taas ng kulay silver na gate na tila ay hindi mo kayang akyatin ito.

Awtomatiko namang nagbukas ang gate at tumabad saakin ang daang madaming puno at ganoon din sa labas ay madaming nagkalat na mga lalaking kampon ni The rock.

Inikot ko ang aking paningin. So ganito pala ang nasa Mafia?

"This is my world Tasha." Sabi niya.

"So tayo na diba Achilles? Kaya ngayon ay kasali na ako sa mundo mo ganon ba?" Tanong ko sakanya.

Huminto kami sa pagkalaki laking building. Ito na siguro ang hide out nila.

Bumaling siya saakin bago magsalita. "No. You don't deserve this kind of world Tasha. I'll make you a world with full of love and happiness and not this kind of world. I will not risk you."

Parang may kung anong humaplos sa puso ko sa kanyang sinabi. Ramdam na ramdam kong mahalaga ako sakanya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at sabay kaming pumasok sa loob. Nag bobow sakanya ang lahat ng taong madaanan namin. Wow! Leader nga siya ng Mafia.

Pumasok kami sa isang kwartong mukhang bar. Ang daming iba't ibang klase ng alak dito at nakakamangha. Pero napatigil ako ng maalala ko nung gabing nalasing ako kasama so Jaylord. Damn! I almost gave her my all. Buti nalang.

"Are you alright?" Tanong niya saakin. Napansin niya atang napatigil ako sa paglalakad.

"Oo naman." Ngumiti ako sakanya.

Nagpatuloy naman kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa lamesa kung nasaan si Arkeen at yung Rui na nagtatawanan habang umiinom ng alak.

"Hey!" Bati ni Achilles sakanila.

Napabaling ang dalawa saamin. Yung Rui ay singkit na maputi may tattoo din siya sa kanyang leeg. Mukha siyang hindi gagawa ng mabuti. Ibinaling ko naman kay Arkeen ang aking paningin at unti unting nawala ang kanyang mga ngiti sa labi. Anong problema ng isang to?

Umupo kami sa bakanteng sofa ni Achilles.

"So, this is the girl?" Nakataas ang kilay si Rui habang nakatingin saakin mula ulo hanggang paa.

"She's pretty. Fuckable also but her ate is prettier and fuckable than her." Sabi niya na parang wala lang. Aba! Arogante ang isang to at bastos ah.

Inirapan ko nalang siya at bahagya naman siyang natawa sa akin.

"Shut up Rui." Warning naman ni Achilles sakanya.

Si Arkeen naman ay tahimik na umiinom. Nakatitig lang siya saakanyang baso habang pinapaikot nito ang yelo sa loob. Kanina lang ay tumatawa siya. Anyare?

Habang umiinom sila ay binigyan din ako ni Achilles ng wine para hindi daw ako mabored. Well, wine is pretty good than the Jack daniels. Fuck that alcohol.

Nagtatawanan si Achilles at si Rui. Si Arkeen naman ay nakangiti lang habang nakikinig sakanilang dalawa.

"Mas madaming babae si Arkeen noong nasa highschool pa tayo. Gago!" Tumawa si Rui habang nagsasalita.

"Ulol! Mas madami kang babae saakin. Nahuli ka pangang nakikipag threesome sa likod ng classroom noon eh." Ganitong sagot naman ni Arkeen dito.

"Eh tanga ka eh. Yung isa doon iyo yun! Ang bilis mo lang nilabasan noon! Iniwan mo kami gago!"

Ang babastos pala talaga ng mga bunganga ng mga to.

"I remember noong highschool pa tayo nagkagirlfriend kayo sa iisang babae. Ang shit non.. What her name again? Je...Uhmm Jenya! Right! It's Jenya." Wala atang preno ang bibig ng isang to.

Si Arkeen at si Achilles naman ay natahimik lang sa sinabi ni Rui. Parang meron ngang dumaan na crickets e. Jenya? Hmmm Sounds familliar.

Narinig ko na pala siya kay jaylord noon. Siya yung kausap ni Jaylord sa phone noon. So konektado lahat sila sa isa't isa. Anong meron sa babaeng yun? Nakakaintriga.

"Tagal na non." Sabay namang sabi ng dalawa. Napatingin saakin si Achilles na tila ay tinitimbang ang magiging reaction ko. Ngumiti nalang ako sakanya at sinuklian niya rin ako ng ngiti.

Dahil medyo nahihilo na ako at idagdag pa ang usok ng sigarilyo ay napagpasyahan kong pumunta muna sa veranda ng hide out para makahinga naman ng hangin. Punong puno na ata ng usok ang baga ko.

Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw ko ang mga naglalakihang building at mga sasakyan. Nagmistula silang mga laruan sa paningin ko. Ngayon ko lang napagtantong nasa tuktok pala ito nisang bundok. Wow! Ang ganda dito.

Maya maya ay nakarinig ako ng yabag na papalapit saakin kaya ako napalingon.

Naging matulis ang mga tingin ko. Anong ginagawa ng Rui na to dito.

Tumalikod nalang ako ulit para langhapin ang sariwang hangin at tignan ang mga building sa city.

Naramdaman kong tumabi siya saakin. Suminghap muna bago bumaling saakin ng tingin.

"Hey." Tse! Hey your face.

Inirapan ko nalang siya at hindi pinansin. Kala niya matatakot ako sakanya? Like duhh!

"You don't like me huh?" Nagtanong pa siya. Tsk.

"Yes. Coz you're arrogant." Malamig na sagot ko sakanya. Bastos yung bibig niya eh.

"The feeling is mutual. I don't like you either." Sagot naman niya. Eh anong ginagawa niya dito at bakit niya ako kinakausap.

Inirapan ko ulit siya. Siguro mga million times ng umiikot ang eyeballs ko ng dahil sa lalaking to. Kairita.

"I like Tanya." Sabi niya. Napatingin ako sakanya. Like what did he just say?

"I mean, I like Tanya for Achilles." Pagdugtong niya.

"Hayyy! Ewan ko ba kung bakit palagi nalang silang magkapaheras ng gusto." Sabi niya. Sinuri niya pa akong muli, mula ulo hanggang paa. Anong pinagsasabi ng isang to?

"Although malaki yang suso mo at matambok yang pwet mo, sa tingin ko'y wala namang special sayo." Umalis siya bigla ng hindi manlang ako nakakasagot sa sinabi niya. Walangya siya! Nakakagigil!

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung ano ang sinabi niyang magkaparehas sila ng gusto at sino yung binanggit niyang "sila"?

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon