Achilles 33

935 40 10
                                    

"Tasha! Halika na. Anjan si Jenya. Madadala na niya si Jaylord sa ospital." Sigaw saakin ni Arkeen habang tinutulungan si Jenyang buhatin ang kanyang kapatid sa sasakyan.

"No. He save my life. I'll not going to leave him till he's okay." Matigas na sagot ko naman.

"What the fuck Tasha!" Ginulo niya ang buhok niya at halatang naiinis na.

"Putang ina ng babaeng yun. Nakatakas pre." Sabi ng hihingal hingal na si Rui. Hinabol niya si Bellena sa kakahuyan at mukhang nakatakas pa ito.

"Ako ang papatay sa babaeng yun." Malamig na tugon ko sakanila at nagkatinginan lang silang dalawa.

"Jenya, s-sa Santo Domingo hospital m-mo dalhin si Jaylord." Awkward na sabi ni Arkeen sa namumulang si Jenya. May past nga pala ang mga to.

"Obviously brother, santo Domingo is the only hospital near here." Poker face namang sabi ni Rui.

"Gago! Andoon kasi si Achilles!" Sagot naman sakanya ni Arkeen.

"Putang ina! Mauubusan na ko ng dugo dito! Baka gusto niyo munang mag timpla ng kape at maupo sa veranda ko habang nagkikwentuhan!" Singhal naman ni Jaylord na halatang hirap na hirap na.

Nagtawanan naman ang dalawa pagkatapos ay sumakay na sa dala nilang kotse

Ano namang ginagawa ni Achilles sa hospital? Inialis ko nalang siya sa isipan ko para pagtuunan ng pansin ai Jaylord.

Hawak hawak ko ang kanyang kamay at nakatingin lang ako sa kanyang mga mata. Feeling ko kasi ay pag nalingat ako sa mga mata niya ay maiipipikit niya ito at di na gigising pa.

"Kasalanan mo lahat to Tasha." Sabi ng nagmamanehong si Jenya.

"Pwede ba Jenya mamaya na yan." Walang buhay kong sabi.

Ng makarating kami sa ospital ay agad agad inasikaso si Jaylord. Ipinasok siya sa E.R ng mga nurse.

Kami naman ni Jenya ay nakaupo lang sa labas hanggang sa dumating ang dalawa.

"Wag na wag niyong tatawagin si Achilles dito kung saang lupalop man siya ng ospital na to." Matalim na sabi ni Jenya sa dalawa.

"Don't worry. Wala namang lakas yun para puntahan kapa dito." Malamig namang sabi ni Rui sakanya sabay tingin saakin ng kakaiba.

"Tasha, pwede mo ba akong samahang puntahan si Achi?" Mahinahong tanong saakin ni Arkeen.

"Pero si Jaylord." Mahina kong sabi.

"What the fuck Tasha! Go and see Achilles! Puro ka Jaylord eh. Go! See the dying Achilles! He got an accident! Nahulog ang sasakyan ni Achilles because he's trying to save you! Now Tasha! Go and fucking see Achi! Jaylord can handle. Ilang beses ng nabaril yan!" Ngayon ko lang nakita ang galit na galit na si Rui.

Nagulat ako sakanyang sinabi. Si Achilles? Hindi ko alam ang mararamdaman ko kung matatakot ako o ano.

Dahan dahan akong itinayo ni Arkeen at inilalayan para magtungo kung nasaan man si Achilles.

Nakarating kami sa tapat ng isang kwartong may bintanang salamin at nakikita ang pasyenteng si Achilles sa loob. Halos manlumo ako ng makita ko ang madaming aparato na nakadikit sa kanyang katawan.

"A-Achilles." Tanging nasabi ko.

"What happened Arkeen?" Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko.

"Sinubukan ka niyang iligtas Tasha. Alam niya na sa una palang ay nakay Jaylord ka lang. Why him Tasha? Pwede naman kitang patuluyin sa condo ko. Hmm... Sobra siyang nasaktan noong umalis ka. Nakita ka niyang tumatakbo kasama si Jaylord. Wala naman siyang magawa kundi hayaan ka dahil alam niyang pinandidirihan mo siya at wala siyang magawa. Tasha nagkamali siya noon. Noon yun.."

"Pero ng dahil sa kasalanan niya ay ikaw ang napahamak. Nawala si Jenya sayo."

Huminga siya ng malalim bago sumagot.

"Nagalit ako. Pero wala namang magagawa yun. Humingi siya ng patawad. Pinatawad ko siya. Walang magagawa yang pag tatanim ng galit mo sa puso mo Tasha. Si Tanya ang dahilan kung bakit siya nagkaganon at ikaw naman ang dahilan kunh bakit siya nagbago. Sa ginawa mong pag alis Tasha pinatay mo yung pag asa niyang tatanggapin siya kahit na ganon kasama ang mga ginawa niya."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Basta nalang nag uunahan kumawala ang mga luhang kanina pa nasa likod ng mga mata ko.

I'm sorry Achilles. I'm sorry.

"Sana maisip mo yun Tasha." Hinalikan ako ni Arkeen sa noo tyaka humiwalay.

"Arkeen. Bakit palagi mo nalang pinag bibigyan si Achilles?" Tanong ko. Sabi niya ay mahal niya ako pero heto siya at parang sinusuportahan si Achilles para saakin.

"Masaya na ako basta masaya siya. Tasha I love you pero hindi ko kakayanin na masaktan ulit si Achilles." Sagot niya.

"Kahit pa masaktan ka?" Tanong ko.

"I can manage." Ngumiti siya saakin ngunit may kakaiba padin sa mga mata niya na hindi ko masabi kung ano.

Maghapon lang kaming nakabantay doon. Sabi naman ni Rui ay Okay nadaw si Jaylord. Gusto ko man siyang puntahan ngunit kailangan ako ni Achilles dito. Kailangan niya ako.

"Tasha doon ka muna sa condo ko magpahinga. Halika na." Pag yaya saakin ni Arkeen.

"Kailangan ako ni Achilles. Dito lang ako."

"You need to rest. Paano naman kung magkasakit ka?" Sabi ulit niya.

"Ako na dito. Si Kasandra papunta na." Sagot naman ni Rui kaya napapayag nadin nila ako.

"Arkeen diba mahal mo ako?" Tanong ko sakanya habang nasa byahe.

Ngumiti siya pagkatapos ay tumango.

"Ganyan kaba talaga? Pag may gusto ka na gusto niya nagpaparaya ka? Kagaya ni Jenya?" Tanong ko.

"Si Achilles naman talaga ang mahal niya."

"Ha? Napanood ko yung video. Ikaw ang sinasabi niyang mahal niya." Nakakunot noo kong sabi.

"Nasaktan kasi siya noong nalaman niyang may relasyon sila ni Tanya kaya yun." Simpleng sagot niya.

"Pero mahal mo siya diba? Bakit di mo pinag laban?"

"Ganoon talaga yun Tasha. Matagal na yun. I moved on already"

Halata na sa ekspresyon niya ang pagkairita na para bang ayaw na niyang pag usapan ang tungkol doon.

"Bakit nga? Bakit di mo sinubukang ipaglaban yung nararamdaman mo para kay Jenya?"

Itinigil niya ang sasakyan sa tabi at pinakatitigan ako ng matagal.

"Mahal din naman kita ah. Pag ikaw ba pinaglaban ko may mapapala ako? Magiging akin kaba?"

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya pero isa lang ang alam ko. Bigla nalang tumibok yung puso ko.

----

Team Arkeen labas! Haha

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon