"Jaylord. I'm sorry. Okay ka lang ba talaga?" Tanong ko sakanya ng nilalagyan ng gamot ang kanyang sugat.
"Okay lang ako Tasha. Yung bala ngang tumama sa likod ko ay hindi ko ininda yung suntok pa kaya ng gagong yun?" At nakuha pa niyang tumawa.
Buti nalang at hapon pa ang klase naming pareho kaya andito kami sa isang bench ng school at ginagamot ang kanyang sugat.
"Langya talaga yung Arkeen na yun. Sinuntok ako, pero si Achilles ay hindi?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Bakit naman niya susuntukin yun magkaibigan sila?" Tanong ko.
"Hay. Manhid at bulag ka nga ba talaga Tasha?"
Hindi ko din maintindihan ang isang to. Ano kaya ang ibig niyang sabihin?
"Tasha, alam ko kung anong meron sainyong dalawa ni Achilles. Andoon ako noong gabing binili ka niya sa auction." Sabi niya. Nagulat ako ng dahil doon.
"Bumili ka ng babae?" Tanong ko sakanya. Mafia din ba ang isang to.
"No. Pumunta ako doon for some reasons pero sa totoo lang noong nakita kita ay parang naakit akong bilhin ka."
"Eh bakit hindi mo tinuloy?" Siguro ay kung siya ang nakabili saakin nong gabing yun ay hindi sana gulo gulo ang buhay ko ngayon.
"Madaya kasi si Arkeen eh."
"Bakit?"
"Pinalo niya yung baril niya sa ulo ko ng hihigitan ko pa sana yung 10million ni Achilles kaya hindi ako nakapagtaas ng kamay noon. Sobrang nahilo ako. Sira ulo yun" Noong minsan ay si Arkeen ngayon naman at siya? Tatlo tatlo pala sila pero bakit sa isang demonyo pa ako napunta?
Itong si Arkeen naman kasi suportado sa lahat ng gusto ni Achilles. Tss.
"Pero bakit nga ba magkakakilala kayong tatlo?" Tanong ko.
Ngumiti lang siya saakin at pinisil ng mahina ang aking ilong.
"Mahabang kwento." Sagot niya.
"Willing ako makinig."
"Hindi ako willing magkwento. Basta. Halika na nga." Inakay na niya akong tumayo at nagtungo na saaking klase para ihatid.
Ng makarating ako sa classroom ko ay nagpaalam na siya saakin. Susunduin niya daw ako mamaya dito at naging panatag ako dahil doon. Atleast kasama ko siya. Feeling ko magiging ligtas ako.
Hanggang ngayon ay usap usapan padin ang nangyaring pamamaril sa may cafeteria noong isang araw. Nahuli na kaya ang may sala non?
Habang nakaupo ako at nag hihintay ng prof. Ay bigla nalang may tumabi saaking babae. Nakasalim siya, nakabrace, at yung uniform niya ay maluwang typical nerd student.
"Hi." Bati niya saakin. Tumango naman ako at ngumiti sakanya.
"Uhmm.. Boyfriend mo ba si Jaylord?" Tanong niya.
"Ha? Hindi. Magkaibigan lang kami." Agad ko namang sagot sakanya kasi iyon naman ang totoo.
"Nakakapagtaka naman." Sabi niya habang hawak hawak ang kanyang baba.
"Bakit?" Taka kong tanong.
"Suplado yan, walang kaibigan yan dito saka wala pa siyang babaeng pinansin dito bukod sayo."
"Ahh. Ganon ba?" Hindi naman suplado si Jaylord ah? Yun ang pagkakaalam ko.
"Sige. Magrereview pa ako." Sabi niya at ngumiti ako bilang sagot.
"Ahh. Oo nga pala ako nga pala si Bellena." Inabot niya saakin ang kanyang kamay kaya tinanggap ko naman ito.
"I'm Tasha.. Nice meeting you." I politely said. Magkakaroon na ata ang bagong kaibigan ah.