"Bakit ba gulat na gulat kayo? Come on! Madali lang akong mainlove kaya wag kayong ano." Natatawang sabi ni Achilles.
"Pasensya na. Sorry kung nagulat kayo. Agad agad kasi ay gusto niyang maikasal kami." Mahinghing sabi naman ni Jasmine.
"San ba kayo nag kakilala? Nagka- amnesia ka ba ulit Twin kaya ilang buwan ka ding hindi umuwi?" Tanong ng kanyang kambal dahilan kung bakit natawa si Achilles.
"Sa Palawan. Andoon ako. Nag iisip isip. I was broke that time." Napatingin pa siya saakin. "But, dahil sakanya. I'm okay now." Ngumiti siya saakin pagkatapos ay kay Aphy. "I want to see them all. Nasa ospital ba sila?" Tanong ni Achi.
"Y-yes." Utal na sagot ko.
"Loosen up bro. Hindi na kita babarilin." Sabi niya habang natatawa. "Tara?"
"Sige. Sasama ka ba Aphy?" Tanong ko.
"No. Kwento niyo yan. May hinihintay ako eh. Pakikamusta nalang ako sakanila."
Tumango kami ni Achi at sabay na naglakad sa may carpark. Nakaakbay siya sa kanyang asawa at halata namang hindi siya nagbibiro. I can see in his eyes kung totoo nga ba ang ipinapakita niya o hindi.
Ng makarating kami sa ospital ay agad kaming nagtungo sa kwarto ni Tasha. Naaubutan namin ang lahat maliban kay Jenya na hindi na nagpakita pa. Nasaan na kaya siya?
Ilang suntok din ang inabot ko sa kuya niya.
Ng makita nila si Achilles ay halatang gulat na gulat sila. Lalo na ng makita ang kanyang kamay na nakahawak sa kamay ni Jasmine.
"May hindi kaba sinasabi Achi? Imbes na magulat kami sa pagbabalik mo pero mas mukhang nagulat kami sa babaeng kasama mo." Sabi ni Kasandra.
"Kas, be good to her. She's my wife."
"Wife?!" Halos sabay sabay nilang sabi.
"Bakit? Bawal ba akong magkaroon ng asawa?" Natatawang tanong ni Achi.
Unti unti ay lumapit si Kas at umambang susuntukin si Jasmine. Yumuko si Jasmine at kapit na kapit sa braso ni Achi.
"Kas! Kakasabi ko lang! Be good to her!" Singhal ni Achi.
"Oh I'm sorry." Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay na animo'y sumusuko. "Akala ko kasi ay lalaban siya. Akala ko ay kagaya siya ni Airah at nagpapanggap ka nanaman ulit." Paghabol niya.
"No. Totoo nga. Asawa ni Achi si Jasmine. Nasa wedding nila ako." Sabi naman ni Airah.
"Bakit hindi mo sinabi Airah!" Singhal naman ni Rui.
"Aba bat ako?! Tanong niyo si Achi. Sige na may titignan pa akong pasyente. Bye." Mabilis na umalis si Airah.
Saglit kaming natahimik ng biglang nagsalita si Tanya.
"Papaano ang kapatid ko Achi?"
"Bakit?" Tinignan niya mula sa salamin na bintana si Tasha. "Magiging okay din siya...Ohh.. Ang laki na pala ng tyan niya. Dapat matuto ka ng mag alaga ng bata." Sabi naman ni Achi saakin habang tumatawa.
Yung tawang totoo. Yung walang halong plastic oh ano man. Wala na akong makitang galit at sakit sa kanyang mga mata. Totoo nga ba to?
"Bakit ba ang tahimik mo jan pare?" Tinapik niyang muli ang aking balikat.
"H-ha? W-wala. Gusto mo bang uminim ngayon?" Tanong ko sakanya.
"Okay lang ba babe?" Tanong naman ni Achi kay Jasmine.
"Sure. Ihatid mo nalang muna ako sa condo. Wag masyadong maglalasing okay?" Mahinhin niyang sabi.
"Sige pre. Hatid ko muna asawa ko. Deretso ako sa condo mo."