Ng magising ako'y nasa isang pamilyar na lugar ako. Andito nanaman ako. Andito nanaman sa lugar kung saan muntik ng natapos ang buhay ko.
Hilong-hilo pa ako pero pinilit ko ang sarili kong bumangon.
"Oh gising ka na pala." Sabi ng isang boses na kilangkilala ko.
Nakita ko siyang nasa may harap ng malaking bintana habang naninigarilyo. Ibang iba ang awra niya sa dati. Parang hindi siya si Airah. Para siyang ibang tao.
"Nasaan ang anak ko Airah?!" Sigaw ko sakanya.
"Relax. Hindi naman ako ganon kasama para pahirapan ko si Shiki." Sabi niya sabay tawa.
"Nasaan siya!" Sigaw kong muli.
"Secret." Mapaglaro niyang sabi.
"Bakit mo to ginagawa Airah? Ang akala ko ay kakampi ka namin. Anong nangyari? Bakit nagkaganyan ka." Tanong ko.
"Kakampi? Tanga! Simula palang ay ako na ang kaaway niyo!" Sigaw niya. Nanlilisik ang kanyang mga mata. Para siyang isang mabangis na hayop.
"Ano bang nagawa namin sayo!"
"Ikaw wala. Sila meron at dahil pumasok ka sa mundo nila ay kasali ka nadin syempre."
"Ano bang nagawa nila sayo at bakit sobra ang mga ginagawa mo!"
"Wanna know why?? Achilles, Arkeen and Rui murdered my mom and dad! Jenya and Kas, those bitch bullied me to death when we're in highschool. I want to die that time! Wala akong mga magulang. I'm so alone pero dumating yung time na nakilala ko ang kapatid ko si Bellena? Remember her? Jaylord killed her ng dahil sayo!! Shit! You'll die here! I'll kill you one by one!" Halata ang puot at galit sa kanyang mukha. Gulat na gulat ako sa mga sinabi niya.
Hindi ko ineexpect na ganon pala ang mga nangyari sakanya.
Ilang saglit pa ay may dumating na mga armadong lalaki sa lugar kung nasaan kami.
"Andito na po sila boss." Sabi ng isa.
"Kompleto ba sila?" Tanong ni Airah.
"Wala po si Achilles." Sagot ng isa.
"Damn it!" Sigaw ni Airah.
May parte sa puso ko na masaya kasi dumating sila. I know na dadating sila para saakin pero may parte din sa puso ko na malungkot. Bakir kaya? Dahil wala si Achilles? Hmm! Eh ano nga namang gagawin niya dito? Malamang ay binabantayan niya din si Jasmine.
Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng madaming putok ng baril galing sa labas.
Si Airah ay tila ba ay natutuwa pa sa mga tunog ng baril. Para siyang ibang tao. Hindi ko inakalang ganito pala siya. Ibang iba ang pagkakakilala ko sakanya.
"Airah, please. Itigil mo na to. Itigil mo na ang paghihigante mo." Desperadong sabi ko sakanya.
"Hindi pa nga ako nagsisimula titigil na ako? Hibang kaba?!" Sigaw niya at pagkatapos ay tinadyakan ako.
"Isa pang salitang lumabas diyan sa bibig mo ay papatayin ko ang anak mo! Maliwanag?!"
Hindi na ako muling nagsalita dahil sa takot na baka may gawin siyang masama. Ang bata bata pa ng anak ko at hindi ko alam ang gagawin sa sarili ko kung napahamak man siya.
Kung sana ay hindi ko nalang siya inilabas para hindi niya maranasan ang pait ng mundong to.
"Airah! Papatayin kita! Papatayin kita pag may nangyaring masama sa mag ina ko!" Rinig na rinig ko ang boses ni Arkeen mula dito.
Tumatawa lang na parang baliw si Airah. Para siyang walang kinakatakutan.
Ilang putok pa ng baril ang narinig ko ng tuluyan ko na silang makita. Halatang pagod na pagod na sila ngunit pinipilit nilang lumaban. Halos maiyak ako. Bakit nangyayari ang mga to? Bakit?!