Achilles 25

1K 35 6
                                    

Isang linggo nadin pala ang nakakaraan ng pag aaway namin ni ate. Isang linggo nadin nila akong hindi kinakausap at naiintindihan ko yun. Gusto pa nga ni Achilles na itira sila sa ibang bahay ngunit ayaw ko. Mas gusto ko parin na nakikita sila kahit na pakiramdam ko ay kinasusuklaman nila ako.

Ihinatid ako ni Achilles sa Lux Universitu para pumasok. Siya naman ay dumeretso na sa kompanya ng Daddy niya para ata pag aralan ang pagpapatakbo ng negosyo nila pero minsan ay mas aktibo padin siya sa organisasyon nila. Ewan ko nga kung bakit hindi sila mahuli huli eh. Siguro ay tinapalan na nila ang mga media, poltika at pulis ng pera.

Habang nag lalakad ako ay nakita ko si Jaylord na naglalakad habang may nakaplugged na headset sakanyang tainga.

Agad ko siyang nilapitan at kinalabit. Tinggal niya ang headset niya bago lumingon saakin.

Ngumiti ako sakanya ng maluwag. "Hi." Bati ko sakanya ngunit wala akong natanggap na bati pabalik. Tinalikuran niya lang ako at muling iniligay ang kanyang headset at nag lakad.

Hinabol ko ulit siya at hinigit ang kanyang braso.

"What?" Malamig na sabi niya. Galit ba siya? Siguro ay oo. Kasi sinabi niya saakin na susunduin niya ako pagkatapos ng klase ko ngunit umalis na ako.

"Sorry Jaylord?" Mahinahong sabi ko.

"Okay lang. Nag hintay lang naman ako ng isang oras. Inikot ko lang naman ang buong Lux at kung saan saan para hanapin ka. Pero hell! Wala akong Tasha'ng nakita. Alam mo ba kung gaano ako kinabahan?" Nagpupuyos siya sa galit. Ako naman ay nakayuko lang sakanya.

"I'm sorry." Sabi ko ulit sakanya.

He sighed. "Fine! Let's eat lunch together if you want me to forgive you."

"Sure." Masaya kong sabi sakanya. Ayaw ko namang mag kagalit kami ni Jaylord no. He's my friend he's nice to me.

Sabay kaming naglakad papunta sa klase ko at pagkatapos ay umalis na siya at nagtungo sakanyang klase.

Agad din namang natapos ang morning classes ko. Pumunta muna ako sa locker ko para ilagay ang mga libro ko. Ayaw ko na sanang pumunta doon dahil baka meron nanamang bumulaga saakin doon kaso bigat na bigat ako sa mga Law books ko.

Ng nasa locker na ako ay unti unti kong binuksan ang locker ko. Wala namang kakaiba. Wala namang ibang laman ang locker ko bukod sa mga gamit ko talaga. I sighed in relief.

Habang inilalagay ko doon ang mga libro ko ay may naramdaman akong kung ano sa palagid. Bakit ang weird? Parang ang bigat ng awra.

Ng naisara ko ang aking locker ay aalis na sana ako papuntang cafeteria ng nabigla ako ng may yumakap saakin mula sa likod ko. Nakahawak siya ng kutsilyo at nakatututok ito sa leeg ko.

Matinding kaba ang naramdaman ko. Halos malaglag ang puso ko sa mga pangyayari. Mamamatay na ata talaga ako.

"Tasha San Jose." Paninimula niya. Alam kong pinapalitan lang niya ang kanyang boses gamit ang isa sigurong maliit na mic dahil halata kong hindi yun ang tunay niyang boses.

Nanginig ako sa takot ng mas ilapit niya pa ang kutsilyo sa leeg ko.

"Gustong gusto na kitang mawala pero hindi ko muna gagawin. Maghintay ka lang Tasha, at dadating din ang kamatayan mo." Sabi niya.

"Ang ganda naman ng kutis mo." Sabi pa niya ng itutok sa pisngi ko ang kutsilyo.

Hind ko siya makilala dahil nakasuot siya ng maskara.

Nangingig ang mga kalamnan ko at nanghihina ang mga tuhod ko. God! Bakit kailangan mangyari to?

Sinugatan niya ng konti ang aking pisngi at napapikit akong dahil doon.

Ilang saglit pay ay may narinig akong mga yabag ng paang tumatakbo papunta saamin.

"Hoy!" Sigaw niya at agad akong binitawan ng taong may panaksak tyaka mabilis na tumakbo paalis.

Ako naman ay nakaupo na lang dahil sa sobrang panlalambot ng mga tuhod ko.. Sino ang gustong pumatay saakin? Kung dahil ito sa mafia ay bakit hindi sila Achilles ang gusto niyang patayin? Fuck!

"Tasha..Are okay?" Tanong niya. Niyakap niya ako ng mahigpit na para bang sinasabi niyang safe na ako.

"Th-they want me to die..They will murder me.." Umiyak na ako dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko.

"Shhh..Tama na.. Stop crying.. I'm here." Sagot naman niya habang nakayakap parin siya saakin.

"Thank you Jaylord. Thank you because you're here again." Palagi nalang dumadating si Jaylord pag kailangan ko siya. Siya ata ang guardian angel ko eh.

Inakay niya ako patayo at nag simula na kaming maglakad papunta sa clinic dahil sa sugat ko.

"Nurse, magiging peklat ba yan?" Tanong ni Jaylord sa school nurse.

"Naku, mababaw lang naman. Hindi magkakapeklat ang girlfriend mo." Ngumiti sakanya ang nurse. Malaking ngisi naman ang iginanti ni Jaylord sakanya.

"Hindi niya po ako gir----" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla nalang akong sapawan ni Jaylord.

"Yeah right. My girlfriend is still beautiful kahit pa may peklat right miss nurse?" Tanong niya. Namula ang aking pisngi sakanyang sinabi. She said that I'm his girlfriend? Loko loko talaga siya. Tsk.

Pagkatapos lagyan ng nurse ang sugat ko ng bandaid ay lumabas na kami ni Jaylord. 30munites lang at may klase na ulit kami. Hindi na tuloy nakakain si Jaylord ng lunch. Tsk.

"Gutom kaba?" Tanong ko sakanya.

"Oo eh. May 30minutes pa naman tayo eh. Hintayin mo ako sa bench at ako na ang bibili ng food. Mabilis lang to." Ngumiti ako sakanya at tumango then he gone.

Marami namang estudyanteng dumadaan dito kaysa sa locker room kung saan muntik ng nakitil ang buhay ko. Safe naman siguro ako dito.

Pero sino ang gustong manakit saakin? Sinong gusto akong patayin?

"Here. Burger and juice nalang to para mabilis nating makain." Sabi ni Jaylord ng makabalik hihingal hingal pa siya dahil halata sakanyang tumakbo.

"Jaylord, kasali ka ba sa Mafia?" Out of nowhere kung tanong. Kilala niya si Arkeen at si Baby ko. Malay ko ba.

"Oo, Omega society." Sagot naman niya. Hindi ko inaasahang kasali pala talaga siya. Ang akala ko ay sadyang mayaman lang siya. Kaya pala hindi siya takot kila Achilles.

"But you're too kind." Sabi ko naman.

Tumawa siya sa sinabi ko pagkatapos ay tinitigan ako gamit ng kanyang seryosong titig. Yung tipong sinasabi niyang mag ingat ako. At dahil doon ay napalunok ako.

"I'm a bad guy Tasha. Very bad that I'm willing to kill a lot of people just for the girl I love." And it chills me down my spine.

---

I know it's lame. please understand. May problema lang. Haha

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon