Achilles 10

1.5K 38 5
                                    

Alam kong hindi tama tong nararamdaman ko. Hindi dapat ganito. Pero sa tuwing pinapakita ni Achilles na mabait siyang tao ay mas lalo lang akong nahuhulog. Hindi naman ganito ang plano ko. Pera lang naman ang kailangan ko sakanya at katawan ko lang ang gusto niya pero bakit naging ganito? Totoo kaya lahat ng ipinapakita niya?

"Anong iniisip mo Tash?" Tanong niya habang nakahiga parin kami dito sa kama. Hell! Nakahubad pa kaming pareho at habang yakap niya ako ay hinihimas nanaman niya ang dibdib ko. Dipa ba siya nakuntento kagabi?

"Ano ba talaga tayo?" Tanong ko dahil naguguluhan na ako.

"Girlfriend kita."

"Seryoso kaba? Nakukuha mo naman ang gusto mo so bakit pa kailangan na maging---" He cutted me by kissing me.

"Seryoso ako. I know it was so sudden..Pero nahulog ako agad sayo Tash." Sagot niya habang nakatingin saaking mga mata. "Sana ay matutunan mo din akong mahalin."

Nginitian ko siya at muling niyakap ng mahigpit. Mahal ko na siya pero natatakot ako sa ano mang pwedeng mangyari saakin at sa pamilya ko pag na involve ako sakanya.

"What's on your mind?" Tanong niya.

"Sila ate at Nanay.." Tanging sagot ko.

"Don't worry. Okay sila.. I want to meet them so bad..Pero baka madamay sila. Nadamay kana at hindi ko hahayaang pati sila ay madamay pa dito. Madaming nakabantay sa apartment niyo. Wag ka ng mag alala Mahal ko." Kinikilig talaga ako sa endearment na itinatawag niya saakin.

"Sana nga at Okay lang sila. Miss ko na sila."

"Gusto mong pumunta sa apartment niyo" Tanong niya at masaya akong tumango.

Ng makarating ako sa tapat ng apartment namin ay tama nga si Achilles ang daming bantay. Anim na malalaking itim na van ng nakaparada sa harap ng bahay namin.

"Nay! Ate!" Tawag ko sakanila at ng makita sila ay agad ko silang niyakap.

"Shang.. May hindi ka sinasabi saamin ni Nanay..Ano ba tong pinasok mo?" Malumanay ngunit bakas ang galit sa mukha ng ate ko.

Hindi ako nakasagot sakanila. Kinagat kagat ko ang kuko dahil hindi ko alam kung ano nga ba ang sasabihin ko.

"Shang...Sabihin mo saamin. Natatakot kami hindi lang para saamin kundi para sayo." Sabi naman ni nanay.

Lumabas ako sa bahay at nagtungo sa kotse kung saan nag hihintay si Achilles.

"Achilles. Samahan mo ako. I need you there." Nanginginig kong sabi.

Lumabas siya sa sasakyan. "What happened?" Nag aalalang tanong niya.

"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kila Nanay at ate."

Sinamahan niya akong pumasok sa loob ng bahay. Kinakabahan ako sa magiging reaction nila ate at nanay.

"Ate, Nay...Uhmm si Achilles..."

Walang emosyong nakatingin saamin si Nanay.. Si ate naman ay nakatingin kay Achilles na tila ay matagal niya ng gustong makita ito.

Inilipat ko ang mga tingin ko ay Achilles at nakitang ganon din siya. Anong meron? Magkakilala ba silang dalawa?

"Achilles." Pagkabanggit non ni ate ay tumulo na ang kanyang mga luha.

Lumapit siya kay Achilles na nasa tabi ko at hinawakan ang kanyang pisngi.

"Ate.." Pag tawag ko ngunit parang hindi niya ito narinig dahil nakatuon lang ang buo niyang atensyon kay Achilles.

"Tanya..." Halata sa boses ni Achilles ang pangungulila.

Binitiwan ni Achilles ang kamay kong nakasiklop sa kamay niya at niyakap si ate.

Parang may panang tumama sa puso ko at ngayon ko lang ito naramdaman. Napahawak ako sa dibdib ko ng dahil doon. Anong meron? Bakit ganito?

Si ate ba ang kinwento ni Manang saakin na nobya dati ni Achilles. Shit!

"Tanya..." Tawag ni nanay kay ate kaya naputol ang pagyayakapan nilang dalawa. Tuminging saakin si Achilles at kitang kita ko ang awa sakanyang mukha.

No, wag ganyan. Ayaw ko ng kinakaawaan ako. Okay lang ako.

"Si Achilles Nay...Si Achilles bumalik siya." Sabi ni Ate. So kilala pala ni nanay si Achilles.

"Ate.." Tinawag ko ulit siya. "Pwede bang sabihin niyo kung anong meron dahil gulong gulo na ako!" Sabi ko sakanya.

"Siya yung kinikwento ko sayong mahal na mahal ko." Sa sinabi niya ay para akong binagsakan ng langit at lupa.

I can't believe this.

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya.

"Thankyou for bringing him here" sabi niya at may saya akong nakita sakanyang mga mata. Yung sayang matagal na nawala sakanya.

"Ahh..uhmm..Sa-sa kanya ako nagtatrabaho. Uhmmm...Katulong ako sakanila." No hindi yun totoo. Boyfriend ko siya pero hindi ko sasabihin dahil alam kong malulungkot ang ate ko. Marami na siyang dinanas na sakit. Marami na siyang ginawa para saakin.

"Tasha.." Pagtawag saakin ni Achilles.

Bumaling ako sakanya at ngumiti. Sana lang ay hindi niya mahalata na peke yung ngiting binigay ko sakanya. "Maghahanda lang kami ng pag kain ni Nanay. Mag usap kayo."

Nagtungo kami ni Nanay sa kusina at nag handa ng makakain. Para akong lutang.

"Shasha. Alam kong may namamagitan sainyo ni Achilles." Sabi sakin ni Nanay.

"Hindi ko alam na siya pala yung mahal ni ate. Pero bakit iba yung pinakasalan niya?" Tanong ko kay Nanay.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo sa may upuan at tumabi siya saakin.

"Naaalala mo ba noong nagkadengue ka?" Tanong niya. 17yearsold ako noong nagkasakit ako at kritikal.

Tumango ako sakanya.

"Batang bata pa si Achilles noon. Iniwan niya si Achilles at pinakasalan ang demonyong yun para may maipambayad tayo sa ospital.. Mahal na mahal nila ang isa't isa ngunit ayaw ng ate mo na dahil sakanya ay mahirapan din si Achilles dahil bata pa ito kaya iniwan niya ito dahil iniisip niyang makakahanap ito ng babaeng mamahalin niya at nararapat sakanya."

Hindi ako makapagsalita sa mga sinabi nanay. Dahil saakin ay hindi sila nagkatuluyan noon.

"Mahal mo ba siya?" Napatingin ako kay nanay sa tanong niya. Hindi ako makasagot. Niyakap ko siya at tyaka umiyak ng umiyak.

"Nay, anong gagawin ko? Mahal ko si ate. Mahal ko din si Achilles." Iyak lang ako ng iyak hanggang sa gumaan ang loob ko.

Si ate at si Achilles ay nagtatawanan at halatang masayang masaya sila sa muli nilang pag kikita.

Kaya ko pa naman sigurong tanggaling tong nararamdaman ko para sakanya. Saglit palang naman to eh. Ano namang laban ko kay ate? At hindi ko siya lalabanan.

Nagsakripisyo siya para saakin noon at ako naman ngayon. Kahit na mahal ko na ang lalaking mahal niya ay isusuko ko na para sakanya. Kasi ate ko siya kasi mahal ko siya kahit na mahal ko nadin yung lalaking mahal niya.

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon