Araw araw pag dumadalaw ako kay Achilles ay sumasakit din ang puso ko. Ang sakit pala pag nakikita mo yung taong mahal mo na masayang nakikipag kwentuhan sa iba. Hindi ko manlang siya nakitang ganyang kasaya noong kami ay mag kasama."Okay ka lang ba Tasha?" Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Arkeen. Andito kasi ako sa rooftop nakatanaw nanaman sakanilang dalawa habang nagtatawanan.
"Okay lang ako." Ngumiti ako sakanya ngunit alam ko namang alam niya na hindi ako okay talaga.
"Bakit kasi ayaw mo pa siyang kausapin? Ni hindi mo siya nilalapitan sa tuwing may pagkakataon."
"Sa tingin ko ay ayaw din naman niya akong lapitan siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko Arkeen. Sobrang sakit na." Sabi ko sakanya at may tumulo na ngang luha sa mga mata ko.
"Alam mo bang noong isang araw ay bumalik na ang alaala niya? Natatandaan kana niya." Nagliwanag ang mukha ko sa narinig. Kilala na niya ako, naaalala na niya ako.
"Pero..." Tumigil siya na para bang nag aalala sakanyang sasabihin.
"Pero?" Kinakabahan kong tanong.
"Hindi nagbago yung gusto niyang gawin." Sabi niya. Napakunot ako ng noo dahil doon.
"Ano yun?"
"Gusto niyang ligawan yung nurse na kasama niya. Si Airah." Sabi niya.
Napayuko nalang ako at hinayaang dumaloy ang mga luha sa mga mata ko. Ang sakit sakit. Pakiramdam ko ay pinipiga ng husto ang puso ko.
Naramdaman ko nalang na niyakap ako ni Arkeen. Sumiksik ako sakanya at nag iiiyak.
"Arkeen pwede mo ba akong ilalis dito? Gusto kong uminom. Gusto ko maglasing" Sabi ko sakanya ng ikinalas ko ang pagkakayakap naming dalawa.
Hinawakan naman niya ang kamay ko at naglakad pababa ng hospital. Pakiramdam ko ay lutang ako dahil nagpapatianod lang ako sakanya.
Yung pakiramdam na parang patay ka kahit buhay kapa? Basta ang gulo ng nararamdaman ko at the same time masakit. Kasalanan ko ba talaga kung bakit nagkaganito kaming dalawa?
Hahayaan ko nalang ba siya? Tutal ay masaya na siya sa iba. Naaalala na niya ako ngunit gusto padin niya yung nurse. Ibig sabihin lang non ay hindi na niya ako mahal. Yun lang yun. Simple.
Namalayan ko nalang na nasa basement na pala kami ng condo ni Arkeen. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto at sabay kaming naglakad papunta sa elevator.
Ng nasa tamang palapag na kami ay agad na kaming nagtungo sakanyang unit.
"Upo ka muna jan. Mag hahanda lang ako ng makakain." Sabi niya.
"No, gusto kong uminom Arkeen. Please? Gusto ko.."
Suminghap siya bago sumagot. "Alright. Iinom tayo."