I'm not that good in english so sorry if there's grammatical errors. Wag niyo akong i-judge kasi hindi kayo judger. Hahaha! Ano daw judger? So read at your own risk nalang. Thank you. :)
--"Tasha, isa lang ang kwarto dito. Ako lang naman kasi ang pumupunta dito." Sabi ni Jaylord ng makarating kami sa isang napakagandang bahay. Halos puro salamin ang dingding nito at kitang kita ang dapat mula sa bahay niya na sa tingin ko'y rest house.
"Maligo ka na muna sa kwarto. Magtingin ka nalang pupwede mong masuot." Sabi niya. Tumango naman ako.
Hinatid niya ako sa kanyang kwarto. Hinubad ko ang uniporme kong sobrang rumi at wala na akong balak pang suotin.
Pumunta ako sa banyo niyang sobrang bango at nagsimula ng magshower.
Napapikit ako dahil sa pagdampi ng malamig na butil sa katawan ko at ng dahil doon ay napapikit ako.
Ang daming nangyari ngayon araw na to saakin at hindi ko pa kayang iproseso lahat ng yun sa utak ko.
Ng maalala ko ang mga sinabi kanina ni Achilles ay parang paulit ulit na sinasaksak ang puso ko. Shit naman kasi eh. Dapat talaga hindi ako natuto ng love love na yan ng hindi ako nag kakaganito.
Pagkatapos kong maligo ay naghanap ako ng Tshirt at boxer shorts na pwedeng isuot. Wala akong bra at wala akong panty. Siguro naman ay hindi masamang tao si Jaylord kasi nga niligtas niya ako.
Lumabas ako sa kanyang kwarto at bumaba para hanapin siya ng mahagip ko siyang nakatayo sa veranda. Wala padin siyang suot na damit. Naninigarilyo siya at mukhang may kausap sa telepono.
"Oh ano?! Sinabi ko ng ako ng bahala sakanya! Bakit hindi ka marunong makinig!" Halata ang galit sakanyang boses.
"What the fuck! Ako na! Hayaan mo na ako ang gumawa noon!" Sigaw pa ulit niya.
Sino kaya ang kausap niya at bakit ganito siya magalit.
"Jaylord." Mahina kong tawag sa pangalan niya.
Nagulat ata siya ng makita ako kaya agad niyang ibinaba ang tawag.
Ngumiti siya saakin bago nagsalita. "Nagugutom kaba? Maghahanda ako ng pagkain." Sabi niya.
"Uhmm..May a-alak kaba?" Hindi ako umiinom pero bakit parang gusto kong magpalasing ngayon? Sabi kasi nila ay pag may masakit kang nararamdaman. Uminom ka lang.
Mas naaalala ko pa nga ata yung mga sinabi ni Achilles kanina kesa sa nakidnap ako.
"Meron..Teka at kukuha ako." Sabi niya.
Ng makabalik siya ay may dala na siyang alak. Jack daniels ang pangalan. May dala siya dalawang basong may lamang yelo.
Inilapag niya ito sa maliit na table sa tapat ng kulay puting sofang inuupuan ko.
Umupo sa sa harap ko at nagsimulang magsalin sa dalawang baso.
"Okay kana ba talaga Tasha? I mean alam ko namang hanggang ngayon ay nasa isip mo parin yung nangyari kanina.. Sana lang ay hindi maging trauma sayo yun." Nag aalala niyang sabi.
Noong pumasok ako sa buhay ni Achilles at nalaman kong leader siya ng Mafia ay alam ko ng may gulo ding dadating sa buhay ko pero isinawalang bahala ko yun para lang sa ate at nanay ko pero hindi ko naman in-expect na pati puso ko ay magugulo ng dahil sakanya. Tang ina talaga niya. Ang sarap niyang pakyu-hin ng paulit ulit.
"Don't worry. Magiging okay din ako." Ngumiti ako sakanya. "Nga pala anong ginagawa mo sa gubat kanina? Nasaktuhan mo ako doon. Buti nalang."
Tila ay naging balisa siya sa tanong ko.