Achilles 36

865 32 5
                                    

Halos manlaki ang mata ko sa tanong niya. Hindi ko ineexpect nayayayain niya akong mag pakasal gayong hindi naman kami, malinaw naman sakanyang kaibigan lang ang turing ko sakanya at alam niya namang si Achilles ang mahal ko.

"Jaylord ano to? Bakit ganito?" Tanong ko habang siyang nakaluhod padin at iniaabot ang maliit na pulang kahon na may lamang mamahaling singsing.

"Alam kong masyado akong mabilis but I love you. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito." Sabi niya habang seryosong nakatingin sa aking mga mata.

"Alam mo namang si Achilles-" he cut me off.

"I know.. I know Tasha. Wag mo ng ipamukha saakin pa.

"Jaylord kaibigan kita. Magkaibigan tayo. Please I don't want to end our friendship.

"Kahit wag na yung alok ko Tasha. Kahit itong singsing nalang please?" Nag aalangan man ay tinanggap ko nalang ang singsing na ibinibigay niya.

Kinuha ko ito sakanya. Tumayo siya at muling binawi ang singsing sa kamay ko at siya ang nagsuot sakin nito. Ang awkward pero ayaw ko namang masaktan pa siya kaya tinanggap ko na.

"Wear this hanggang sa mag sawa ako sa pagmamahal sayo. Pwede ba yun Tasha? Hayaan mo lang akong mahalin ka. Hayaan mo lang hanggang sa ako na mismo ang magsawa."

Unti unti akong tumango sa sinabi niya..

Saglit lang ay may narinig kaming papalabas papunta dito sa garden kung nasaan kami.

"Oh my God. Nagpropose kana ba anak?" Masayang tanong ni mrs. Lacuin.

"Yes mom. I proposed." Sagot naman ni Jaylord.

"Did she say yes son?" Tanong naman
Ng nakiting daddy niya.

"Hindi-" he cut me off.

"Yes. She did dad." Ngumiti siya sakanyang daddy.

Sasagot pa sana ako ng biglang nagsalita ang mommy niya. Naguguluhan ako kay Jaylord. Bakit ganito siya? Bakit niya sinabi ang mga yun.

"Let's celebrate. Finally. Come on hija." Hinila ako ng mommy niya papunta sa loob ng kanilang bahay.

"Naku mrs. Lacuin hindi po. Namisunderstood niyo po ata-" she cut me off.

"Hija. Wag ka ng mahiya. Mommy na dapat ang itawag mo saakin." Masayang sabi niya.

Ng nadaanan namin si Jenya ay nakahalukipkip siyang nakiting sakin and she mouthed 'bitch'.

Ng makarating kami sa kanilang magarbong dining table ay sumunod naman na dumating si mr. Lacuin at si Jaylord na masayang nag uusap.

Nagsimula kaming kumain. Ang awkward. I don't want to ruin this lunch kaya tikom nalang ang bibig ko at patango tango nalang ako. The smile on his parents are priceless at ayaw ko namang matanggal yun.

Mamaya ay kakausapin ko nalang si Jaylord tungkol sa mga sinabi niya sa mga magulang niya.

Pagkatapos naming kumain or should I say nila dahil hindi naman talaga ako nakakain dahil tinutusok tusok ko lang naman ang karne kanina ay napagpasyahan nilang uminom ng alak.

Kwento lang ng kwento ang mommy ni Jaylord at ang daddy niya ng kung anu-ano. Minsan ay napapasali din kami.

Pagkatapos nilang uminom ay tinawag ko si Jaylord. Pupunta na akong ospital at kailangan ko na siyang makausap.

"Jaylord. Pwede mo ba akong ihatid?" Tanong ko.

"Yes. Off course." Sabi niya habang nakangiti.

Nagpaalam ako sa kanila at nagsimula na kaming maglakad palabas ng bahay nila.

"Jaylord ano yung kanina? Bakit mo sinabi sa kanila yun?" Tanong ko sakanya.

"I'm sorry Tasha." Tanging sagot niya.

"Jaylord naman eh. Pinapaasa mo ang mga magulang mo." Medyo naiinis na ko sakanya.

"Please Tasha? Hanggang sa mag sawa ako. Hanggang sa matauhan ako."

"Paano pag kumalat ito? Paano pag nalaman ni Achilles to?" Tanong ko. Medyo napataas na ang boses ko dahil sa inis ko.

"No. I'll tell them to keep it secret. Then pag nagsawa na ako sasabihin ko din sakanila ang totoo. Please Tasha."

Ng dahil sa inis ko ay inirapan ko siya.

"Ewan ko sayo." Tanging nasagot ko.

Ihinatid ako ni Jaylord sa ospital. Hindi kami nagkikibuan dahil naiinis ako sakanya. Ni hindi nadin ako nag paalam sakanya. Basta nalang ako bumaba sa kanyang sasakyan at patuloy na naglakad papasok sa hospital ng di siya nililingon pa.

Pagkarating ko sa tapat ng kwarto ni Achilles ay nakita kong nag uusap ang tatlo. Syempre yung isa irap lang ng irap.

"How's your day sweetypie?" Tanong saakin ni Arkeen.

Tamad nalang akong ngumiti sakanya. Hindi ko naman alam ang mga sasabihin ko.

"Sweetypie? Ang corny ng tawagan niyo. Mas maganda yung saamin ni Tanya. Honeybunch." Sabi niya kasabay ng pagkislap ng kanyang mata.

"Ayaw kita para sa kapatid ko. Tse!" Inirapan ko siya.

"Bakit? Gusto ba kita? Tanga lang magkakagusto sayo...diba Arkeen?" Makahulugang baling niya kay Arkeen.

"Tang ina mo Rui pag ako nainis sayo ikaw ang ipapalit ko sa higaan ni Achilles." Singhal naman ni Arkeen.

Nagtawanan silang dalawa na parang wala ng bukas.

Nagkwentuhan pa sila ng nagkwentuhan ng lumapit si Kasandra saakin at iginaya niya ako palayo sakanila Rui at Arkeen.

"So you're engaged?" Nagulat ako sa tanong ng nakataas kilay na si Kasandra. Pano niya nalaman? Tyaka hindi naman kami engaged.

"Ano!"

"You're engaged with Jaylord right?" Tanong niya.

"Paano mo nalaman? At di kami engaged. Hindi ako pumayag sa alok niya."

"So why are you wearing the ring then?" Nakataas kilay niyang tanong.

"Teka nga. May thirdeye kaba? Bakit mo nalaman ang tungkol doon?" Nakakunot noo kong tanong.

"Well honey, Jaylord is my bestfriend." Sabi niya at ngumisi. Nagulat akong malamang magkakilala pala silang dalawa at magkaibigan pa.

"Kawawa naman si Achi. Hindi pa patay pinapalitan mo na." Iniwan niya akong nakatanga sa pwesto ko. Hindi ko alam kung ano ang mga iisipin. Somobra naman ata si Jaylord.

Alam niyang kilala ni Kasandra si Achilles. Bakit niya sinabi ang mga bagay na yun. Hindi totoo ang mga yun.

"Are you okay Tasha?" Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Arkeen..

"Y-yeah." Utal kong sagot.

"You're not. What happened?" Nag aalalang tanong niya.

"Si Jaylord kasi."

"Bakit si Jaylord?" Biglang nag iba ang ekpresyon sa mukha ni Arkeen. Napalitan ito ng galit at kyuryosidad.

"He proposed to me." Sabi ko.

Hindi siya sumagot bagkos tinignan niya ang daliri kong may singsing na ibinigay ni Jaylord.

Inilipat niya ang kanyang titig saaking mga mata. Seryoso ito na halos hindi ko na mabasa ang kanyang emosyon.

"Then? Pumayag ka? No Tasha...No... Kung si Jaylord lang din pala. Hindi...hindi pwede to. Magkakamatayan muna kaming dalawa. Bala sa bala... Kung siya lang din pala ang pipiliin mo Tasha. Aagawin nalang nalang kita."

---

Lame. Sorry again. :(

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon