Chapter 53

711 36 13
                                    

Sigurado ako. Sigurado akong ako ang nakabuntis kay Tasha dahil alam ko dapat ay masaya ako kasi may panghahawakan ako ngunit bakit parang masakit? Mas masakit kaysa sa dati.

Pagkatapos naming magsuntukan ni Achilles sa harap ng kwarto kung nasaan si Tasha ay napagdesisyunan ko munang magtungo sa rooftop para magpahangin. Gusto ko munang mapag isa. Gusto ko munang mag isip.

Mali ba ako? Masama ba ako? All my life ay palagi kong pinag bibigyan si Achilles. Lahat ng gusto ko na gusto niya ay pinapaubaya ko. Ganon ako. Ngayon lang naman eh. Isang beses lang naman. Pwede bang ako naman? Pwede bang ako naman yung bida sa kwentong to? Ever since kasi ay pakiramdam ko ay nasa isa isa kaming kwentong nasa libro at pakiramdam ko'y isa lang akong extra. Punyeta! Ano bang problema saakin ng author kung ganon? Fuck!

Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng humihikbi sa isang sulok. Nakita kong si Jenya ito at parang may kausap sa telepono.

"Pero mahal ko padin siya kahit ang sakit sakit na." Sabi niya. Nakaloudspeaker din ang kanyang cellphone at kaya narinig ko ang boses ng kausap niya.

Ang kapatid ko. Si Arcee.

"Mahal na mahal ka din naman ng kuya ko ate. Yun ang alam ko kaya ewan ko kung bakit nagkaganon siya. Sino ba si Tasha?"

"Si Tasha? Siya yung pinakamaswerteng nilalang." Sarcastic niyang sabi. "Nga pala yung kuya mo magiging dati na." Nakangiti siya ngunit patuloy pading tumutulo ang kanyang luha.

"Buntis ka ate?" Tanong niya.

"No." Mahina niyang sabi.

"Oh my God. So my brother impregnated That Tasha?!"

Pinagpasyahan ko nalang bumababa ulit at magtungong muli sa harap ng kwarto kung nasaan si Tasha. She's strong I know that she can make it. Ang nakakapagkagabagab saakin ay kung paano ko sila haharaping lahat. I know they're all mad at me.

Ng makarating ako doon ay si Rui at si Tanya lang ang naubutan ko.

"Paano nangyari Arkeen?" Kitang kita ko ang pagpula ng kanyang mata sanhi ng kanyang pag iyak. "Wala akong kinakampihan sainyo ni Achilles. Kahit sino sainyo ang para sa kapatid ko basta mahal ng kapatid ko ay gugustuhin ko pero paano? Paanong may nangyari sainyo? Bakit mo nagawa yun kay Achilles sa kaibigan mo?"

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "I love your sister. It just happened." Pinutol ni Rui ang sasabihin ko. "It just happened? Ano yun? Bigla nalang bumaba yang pantalon mo tapos biglang pumasok sa ano yan?! Are you out of your mind? Trinaydor mo si Achilles!" Sigaw ni Rui sa mukha ko. I think kailangan ko silang harapin lahat.

"All my life! Ako palagi ang nagbibigay kay Achilles! Alam mo yan! Bakit noong mga panahong mahal ko si Jenya?! May narinig ba kayo saakin! Nagalit ba ako kay Achilles?! Kinimkim ko lahat! Lahat lahat! Noon bang si Achilles at si Tanya? I know! Diba dati palang ay nagka relasyon kayo? Hindi ba yon pagtatraydor?!" Ayaw ko sanang sabihin to ngunit bigla nalang akong sumabog.

Naramdaman ko nalang ang kamao ni Rui sa aking pisngi. Damn! Ilang kamao paba ang dadapo sa pisngi ko para lang kay Tasha? Oh well. Kahit limang milyon pa yan.

"Alam mo ring itinigil namin yon! At dapat ay ikaw rin! Ilang beses na kitang sinabihan na delikado ang paglalalapit mo kay Tasha?! Hindi ka nakinig!"

"Bakit ba puro nalang kasiyahan ni Achilles ang palagi nating iniisip! Bakit ba palagi nalang siya! Fuck this life! Lahat kaya kong ipaubaya pero this time hindi na." Sabi ko sabay talikod sakanila. Bakit ba walang nakakaintindi saakin?

Umuwi nalang muna ako sa condo ko para maligo at makapagpahinga kahit na saglit.

Ng makarating ako sa condo ko ay nakita ko si Achilles na nakatayo sa harapan ko habang may hawak na baril na nakatutok saakin. Hindi na ako nagulat kasi alam kong gagawin niya ang mga ganitong bagay.

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon