Chapter 46

832 42 6
                                    

"Nakauwi na si Achilles. Hindi ka ba pupunta sa kanila?" Tanong saakin ni Rui habang nanonood kami ng movie kasama ng ate ko.

Isang buwan na pala ang nakalipas mula ng makita ko si Achilles. Gusto ko man siyang makita ngunit masasaktan nanaman ako. Si Airah nga ay tumutuloy na sakanya at nasasaktan ako sa tuwing iniisip ko kung ano ang mga posible nilang ginagawa. Totoo nga kayang magpapakasal na sila?

Si Arkeen din ay hindi ko na din nakita simula nung nilagnat siya. Hindi ko din kasi alam kung papaano ko siya haharapin. Hindi ko alam kung papaano ko matatanggal yung sakit na nararamdaman niya ng dahil saakin. Hay! Sobrang gulo na.

"Time out na muna ako sa sakit. Ayoko na muna." Walang buhay kong sagot sa tanong niya.

"Tyaka alam mo ba ni Jaylord at Kasandra ay nagbabakasyon sa France? I don't know if they're just fucking or nagkabalikan na talaga sila." Sabi ulit niya. Napangiti nalang ako sa sinabi niya.

"Fucking? Iyang bunganga mo labs ha!" Suway ng ate sakanya. Hay! Hanggang ngayon ay napakabanal padin ng ate. Ilang taon na pero virgin pa.

"Sorry na labs." Sabi naman ni Rui sabay yakap sakanya. Okay ba siguro ang ganito. Atleast may mga tao pading masasaya sa paligid ko kahit papaano.

"Ate, sa kwarto na muna ako. Nahihilo ako." Sabi ko. Lately nga ay talagang nahihilo ako lalo na sa umaga. Ewan ko nga kung bakit ganito.

"Ha? Oh sige." Sagot naman ni ate.

Umakyat ako at nagtungo saaking kwarto para makapagpahinga. Madali kong ibinagsak ang aking katawan sa aking kama at pumikit.

"Magiging maayos din ang lahat." Bulong ko sa sarili ko.

Ilang saglit pa ay tumunog ang aking cellphone. Dali dali ko itong kinuha at halos mapatalon sa kama ng makita ang pangalan ni Achilles sa caller.

Kahit na kinakabahan ako ay agad ko itong sinagot.

"He-hello?" Paunang bati ko. Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko.

Ilang saglit akong naghintay ngunit hindi siya nagsasalita at tanging paghinga lang sa kabilang linya ang naririnig ko.

"Achilles." Pagtawag ko sa pangalan niya ngunit hindi padin siya sumasagot.

"Achilles andiyan ka ba? Hello?"

Bigla nalang naputol ang tawag. Ibinaba niya. Halos manlumo ako ng dahil doon. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko

Ilang saglit pa ay nakatanggap ako ng mensahe mula sakanya.

Achilles:

Sorry, I accidentally dialled your number.

Ow. Okay. So hindi pala talaga niya ako tinawagan.

Me:

Okay lang. How are you?

Tanong ko. Gusto ko lang siyang makausap. Kahit sa ganitong paraan lang ay masaya na ako.

Achilles:

I'm fine. Got to go. I'm busy. Bye.

Hindi ko na muli siyang sinagot. Okay. I know. Hindi na nga pala ako ang priority niya. Naramdaman ko nalang na may mga luha na pala sa aking pisngi. Gusto ko sanang pigilan ngunit ang sakit kasi eh. Kung sana ay pinag isipan ko muna ang lahat bago ako umalis. Kung sana ay hinayaan ko muna na mag usap kaming dalawa para maliwanagan ako sa lahat lahat. Kung sana ay tinanggap ko nalang ang nakaraan niya ay hindi kami aabot sa ganito.

At dahil ayoko na muling mag isip pa ay nagpalit ako at napag desisyunang mag jogging.

"Oh saan ka pupunta?" Tanong saakin ni Rui. Nasa sala padin sila at nanonood.

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon