Achilles 6

1.4K 34 5
                                    

"Ate Yang. Makakalabas kana dito." Nakangiti kong sabi habang hinahaplos ang noo ng aking kapatid. "Salamat sa tulong mo Shasha" Mahina niyang sabi.

Halata parin sa kanyang mukha ang tamlay, meron padin siyang mga pasa at sugat ngunit pagaling na ito. Buti naman. Nagpapasalamat ako sa panginoon na hindi na mas lumala ang nangyari sa kapatid ko sa kamay ng asawa niyang demonyo.

"Oh Tasha. Anjan ka pala. Wala ka bang pasok ngayon?" Tanong ni Nanay ng bumungad siya sa pinto at may dala dalang basket ng prutas. "Mamayang hapon pa po Nay." Sagot ko naman. Lumapit ako sakanya at inabot ang 40,000 na ibinigay sakin ni Achilles. Ang Sampong libo ay siyang ipambabayad ko sa susunod na buong semestre. Mag thithirdyear nadin ako at aalis na ako sa puder niya kung sakaling makaluwag luwag na ako pero ngayon ay kailangan ko munang pagtyagaan ang ugali niya.

"Naku anak. Ang dami nito. Saan kaba kumukuha ng ganito kalaking halaga ng pera?" Tumingin siya saakin na parang kinikilatis ako. "Naku Tashang ha. Baka nagbebenta ka na ng laman jan." Tanong ni Nanay. Bigla naman akong napalunok doon dahil totoo ang mga sinabi niya.

"N-Nay naman. Hindi ganon. Basta. Oh sige na Nay aalis na muna ako at babalik na ako sa pinagtatrabahuan ko. Babalik ako sa susunod na linggo para ihatid kayo sa bago nating titirahan." Humalik ako sakanya sa pisngi at umalis na.

Babalik na muna ako sa mansyon ni Achilles para magbihis na ng uniporme. Buti nalang at malapit lang ang hospital sa mansyon kaya saglit lang ay makakarating na ako.

"Saan ka galing?" Malamig na tanong niya habang naninigarilyo malapit sa kanyang Pulang BMW. Naka uniporme ito at tila'y handa na sa pagpasok. Ngayon ko lang siyang nakitang naka uniporme at bagay na bagay sakanya nito. Hindi siya halatang sindikato. Mukha lang siyang pasaway na estudyante siguro dahil narin sa hikaw niya sa kilay at sa baba ng kanyang labi. Pero it suits him well and He's hot. Oh well.

"Pumunta lang ako sa hospital. Dinalaw ko ang Ate't nanay ko. Tulog ka pa kasi kanina kaya hindi ako nakapag paalam. Pasensya na." Mahinahon kong sagot.

"I'll wait for you. Magbihis kana. In 20 minutes you're ready"

"Ahh..S-sige." Tumkbo na ako upang mabilis na makarating sa kwarto ko at agad na akong nagbihis ng uniporme at bumaba.

"Get in." Sabi niya bago pumasok sa driver's seat at nagmadali nadin akong pumasok sa katabi nito.

Habang nasa byahe ay tahimik lang kaming dalawa. Panaka naka kong Tinitignan lang siya at halata sa mukha niya na puyat siya dahil nadin sa mapula ang kanyang mga mata oh baka naman nagtake muna siya ng drugs. Halata ko din sakanya na noong una ko palang siyang makita ay may kakaiba sakanya. Para siya malungkot pero ayaw niya lang itong ipakita kaya tinatakpan niya ng tapang pero halata ko sakanyang may kahinaan padin siya parang si superman kahinaan niya ay kryptonite hindi ko lang alam kung ano ang kahinaan ng isang ito.

"Why are you staring at me." Sabi niya habang nakatuon parin ang kanyanh mata sa daan. Agad naman akong napabalikwas at kinabahan. "I'm so-sorry." Sabi ko at yumuko nalang. Kinakagat ko ang mga kuko ko dahil pag kinakabahan ako ay ganito ang ginagawa ko feeling ko kasi parang nababawasan yung lakas ng tibok ng puso ko pag ganito.

Agad niyang itinigil ang sasakyan. Nagtaka naman ako dahil wala pa kami sa parking lot ng school pero malapit na. Tumingin siya saakin at parang mag susuper sayain dahil sa ipinakita niyang ekspresyon.

"Get out." Malamig niyang sabi. "H-ha?" Yun lang ang tangi kong nasabi dahil naguguluhan ako. "I said get out! Bingi kaba!" Sabi niya. Agad kong tinanggal ang seatbelt ko at nagmadaling lumabas ng kotse niya.

Pinaharurot niyang mabilis ang kanyang sasakyan. "Tang ina mo!" Hindi ko napigilang hindi sumigaw. Hindi naman siguro niya maririnig kasi nakalayo na.

"Drugs pa more. Tang ina. Nababaliw na ang lalaking yun" bulong ko sa sarili ko. Pag naging abugado ako ipapakulong ko ang lalaking yun.

-------

Tang ina. Bakit ganon? Yung mga mata niya yung pagkagat niya sa kanyang kuko si Tanya ang nakikita ko. Nakikita ko sakanya si Tasha at nahihirapan ako ng dahil doon. Sa tuwing tinitignan ko si Tasha ay parang may kakaiba akong nararamdaman at ngayon ko lang ito naramdaman. Masama na to. Damn

"Mr. De Lima kung ayaw mong makinig sa klase ko ay pwede ka ng umalis." Inis na sabi ng matandang dalaga kong prof.

"Nakikinig ako." Baling ko sakanya. "Is that so. So explain to me what is the Political system of Japan." Mayabang niyang tanong.

Tumayo ako bago sumagot. "Well Ma'am the political structure of Japan is Constitutional Monarchy. The head of the government are the prime ministers of DUET also means as the House of the councilors. Japan has a King and Queen called Emperor and Empress but they don't have powers under the government. They are just the symbolic of the state they they only exercise in honoring awards in a government ceremonials....Okay na Ma'am?" Tinatamad kong sabi. Kahit na ganito ako ay di ako bagsakin estudyante. Makakagraduate ako at magpapayaman nh magpapayaman para kung sakali man babalikan ako ni Tanya kàhit alam kong malabo.

Halata sa mukha niya ang gulat at inirapan ako. Nagpatuloy nalang siya sa pagtuturo at hindi ako muling binalingan.

Pagkatapos ng klase ay agad na akong nagtungo sa parking lot para makapanigarilyo. Hindi mawala wala sa isip ko ang babaeng yun. Siguro ay isa din yun sa mga dahilan kung bakit binili ko siya. Kasi sa una palang na makita ko siya ay si Tanya na agad ang naisip ko.

Ng dahil doon ay may naisip ako. Tutal ay alam ko namang wala ng pag asang magbabalikan pa kami ng Tanya ko dahil may asawa na siya ay siguro ay pwede ko padin ibuhos ang pagmamahal ko sakanya. Gagamitin ko si Tasha. Iisipin kung siya ang Tanya ko. She won't mind. Binabayaran ko naman siya.

Papasok na sana ako sa kotse ko ng may mainit akong naramdaman sa likod ko. Hinawakan ko ito at naramdaman kong basa. Ng ibaling ko ang mata ko sa aking palad ay may nakita akong dugo. Hindi ko narinig ang putok dahil nakasilencer ang baril na ginamit

Fuck! Nanghihna ako pero Hindi ako pwedeng mawalan ng malay dito. Dali dali kong kinuha ang pistol ko sa bulsa at pinaputukan ang lalaking nakabonnet ng itim na nagtatago sa isang puno. Natamaan ko ang kanyang braso ngunit mabilis itong nakatakbo.

Pumasok ako sa kotse ko at pinaandar ito. Kailangan kong makauwi sa bahay. Shit! Nanghihina ako kaya agad kong nilagyan ng alcohol ang likod kong natamaan para hindi ako makatulog.

Ng makarating ako sa mansyon ko ay nanghihina na ako. Ang dami ng nawalang dugo sa katawan ko at pinag papawisan nadin ako ng malamig.

Ng aakyat na san ako sa hagdan ay bigla ng naging malabo ang paningin ko. Pero bago ako mawalan ng ulirat ay narinig ko ang boses ng mahal ko.

"Oh my God! Achilles!" And everything went black

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon