J A N U A R Y 0 7 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------Late na rin akong nakauwi ng bahay at laking pasasalamat ko na lang at wala si Kuya Ron. Kung hindi ay sesermunan ako nun.
Kahit naman parati akong inaasar ng mga Kuya ko ay overprotective pa rin saakin yung mga yun. Aba, bunso nila ako kaya dapat lang na pahalagaan nila ako.
Kaagad naman akong dumiretso sa kwarto ko dahil napagod ako at inaantok na rin naman ako.
Nagbihis na muna ako ng pajamas ko then pahiga na ako nang may kumatok sa pintuan. So, no choice kung hindi buksan.
"Hermione." Si Kuya Harry pala. Akala ko wala siya dito.
"Kuya." Awkward naman akong ngumiti sa kanya. Panigurado ay magtatanong nanaman siya na parang pulis.
Tuloy-tuloy siya sa loob ng kwarto ko at umupo sa edge ng kama ko.
"Sit down. Saan ka galing? Alam mo ba kung anong oras na ha? Bakit hindi ka nagrereply sa mga texts ko? Hindi rin kita mareach." Told ya! Daig pa niya si Mommy at Daddy sa sobrang daming tanong.
"Sasagot ka o isusumbong kita kay Daddy?" Pagbabanta niya saakin. Nakatingin lang kasi ako sa kanya habang nakaface palm.
"Paano ko ba sasagutin lahat ng yun kaagad ha? Ang dami kaya. Pabayaan mo muna akong umisip ng palusot ko." Sagot ko sa kanya. Nilapitan naman niya ako chaka binatukan.
"At talagang ipinaalam mo pa saakin na iisip ka ng palusot. Engot ka talaga." Sinimangutan ko naman siya. Sama talaga ng ugali.
"Ewan ko sayo Kuya. Alis ka na nga at matutulog na ako. Pagod ako!" Tinulak-tulak ko siya hanggang makarating kami sa may pintuan.
Binuksan ko yung pintuan at itinulak siya palabas. Kaso nagmatigas na siya.
"At hinahanap ka ni Hiro." Napatigil naman ako bigla.
"Yeah right...he's the reason kung bakit late ako umuwi, at hindi ako makareply sayo dahil lowbatt na ako kakatext at kakatawag sa kanya. Kaya tungkol dyan, siya na lang tanungin mo. Alam niya yung sagot." Sinaraduhan ko na siya ng pintuan at humiga sa kama ko.
I'm so exhausted.
The next day..
Nakapangalumbaba ako habang iniikot-ikot yung ballpen ko sa desk ko. Nag-iisip ako ng sagot dahil biglaan nanaman nagpaquiz si Ma'am Anj. Jusko!
"Nandyan na ba si Joshua?" Tanong niya saamin.
"Wala pa, Ma'am. Wala na yata balak pumasok." Sagot naman ni Henjie.
"Ma'am, bakit mo ba parating hinahanap si Joshua?" Tanong ni Raven sa kanya.
"Mahal mo na noh?" Nanlalaking mata na tanong naman ni Axl kaya binatukan siya ni Calvin.
"Ang tanga nito! Isipin mo naman na teacher yan mamahalin yung istudyante niya?!" Ang sabi pa niya Calvin.
"Hindi naghahanap ng kahit ano sa pag-ibig, bobo! Kahit matanda at bata yan, mataba at payat, maliit at matangkad, tamad at masipag, or kahit ano pa! Baliw!" Sagot naman ni Axl at gumanti ng batok kay Calvin. Ang gugulo talaga. Hindi ba nila naisip na hindi ako makapagconcentrate sa pag-iisip sa quiz na to? Tss...
"Hoy! May nag-iisip dito eh!" Sigaw ko sa kanila. Nagwresling na kasi sila. At hindi man lang bawalan ni Ma'am.
"Hindi naman lahat ng hinahanap mo ay mahal mo. Minsan, nakasanayan mo lang silang hanap-hanapin kaso binabaliwala lang naman niya." Napatigil kaming lahat sa kanya-kanya naming ginagawa.
BINABASA MO ANG
bestfriend // kn
FanfictionBakit kasi napakawrong timing ng tadhana, noh? Tapos ganyan pa pumana si Kupido! Papana na lang, lilihis pa dun sa taong hindi ka naman mamahalin. At ang mas nakakatawang part, sa best friend mo pa! Lintek na pag-ibig! ds: 12/25/16 de: 5/25/17