M A Y 0 6 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------Hiro's Point of View
Pagpasok ko sa kwarto ni Hermione ay nadatnan ko siyang natutulog. Marahan kong sinarado ang pintuan saka naglakad patungo sa kama niya. Nakabukas pa ang laptop niya at nakasalpak ang headset niya.
Pinagmasdan ko ang buong mukha niya. Hinawi ko rin ang iilang strand ng buhok na tunatakip sa isang parte ng mukha niya.
"You're so beautiful, sweet.." Hinalikan ko siya sa noo niya saka inayos ang kumot. Dahan-dahan ko ring tinanggal ang headset niya saka pinatay na ang laptop niya.
Nakatulog na habang gumagawa ng project. Hindi talaga siya nagtatagal kapag ganito na ang pinag-uusapan. Matalino naman itong asawa ko eh, tamad lang talaga.
Ipinatong ko sa study table niya ang laptop niya saka naupo sa edge ng kama. Ang sarap niyang pagmasdan kapag tulog siya. Ang bait bait ng mukha niya. Kapag kasi gising siya, panay nakasermon saakin. Dinaig pa si Mommy.
Gumalaw siya bigla at umayos ng higa. Nakaside na siya ngayon at nakatingin saakin.
"Sweet.." Bulong niya. Napangiti ako nang marinig ko ang tinawag niya saakin. Ang sarap sa pandinig. Para akong kinikiliti.
"Hey sweet.." Bulong ko sa kanya.
"Kumain ka na?" Namamaos ang kanyang boses. Umiling ako. Gusto ko na nga kumain kanina nang makita ko yung ulam nila. Kaso mas gusto ko muna makita ang reyna ko.
"Kain ka na.. Kumain na ako kanina. Akala ko kasi gagabihin ka talaga.." Inaantok niyang sabi saka bumalik sa pagkakapikit ang kanyang mga mata.
"Pwede ba ako matulog dito?" Tanong ko sa kanya saka ngumiti.
"Pwede naman.. Wag mo lang akong gagapangin kung hindi masasapak ka saakin." Pagbabanta niya. Natatawa naman ako habang umiiling.
Hinalikan ko siya ng mabilis sa noo saka bumulong, "Kakain lang ako sa baba. Mamaya, ikaw ang dessert ko.." Biro ko sa kanya. Bigla namang nanlaki ang kanyang mga mata saka akmang hahampasin ako pero kaagad akong nakalayo sa kanya. "SWEET!" Sigaw niya. Itinapat ko naman sa labi ko ang hintututo ko para sabihin sa kanyang wag siyang maingay.
"Joke lang... Hahahaha!" Mahinang pagtawa ko. Sinamaan niya ako ng tingin saka tinuro ang pintuan. "Kumain ka na doon!" Malakas niyang sabi. Tumatawa ako habang palabas. Ang sakit sa eardrum ng sigaw niya.
Ang sarap talaga inaasar nun. Pikon kasi masyado. Namumula pa yung matataba niyang pisngi. Hayy... This is what I want to do for the rest of my life. Ipinanganak talaga ako para asarin ng asarin si Hermione. At ipinakasal kami para umaga pa lang, pagmumukha ko na ang makikita niya hanggang gabi.
Ngayon ko lang naramdaman ang ganito kasaya ulit mula nang magkalayo ang loob namin ni Hermione noon.
OoooOoooOooo
Pagkatapos ko kumain ay diretso na akong bathroom para maligo. Nakapagpahinga naman na ako dahil ako pa ang naghugas ng pinagkainan ko. Hinayaan ko na kasi sina manang na matulog dahil pagod na rin ang nga yun dahil sa pagtayrabaho nila buong araw.
Hindi ko na rin naman kailangan umuwi sa bahay namin dahil marami akong damit dito sa closet ni Kyles. One-fourth yata ng mga damit ko ay nandito na sa closet niya.
Pagkatapos ko ay naabutan ko si Hermione na mahimbing ng natutulog kaya tumabi na lang ako sa kanya saka yumakap.
Hermione's Point of View
Maaga ako nagising dahil sa hilik ni Hiro. Ang bigat pa ng braso at binti niya dahil nakadantay ang mga iyon saakin.
Dahan-dahan kong tinanggal ang mga iyon para makaharap ako sa kanya. Nang magawa ko iyon ay kaagad naman niyang binalik ang braso niya kaya yakap nanaman niya ako.
BINABASA MO ANG
bestfriend // kn
FanfictionBakit kasi napakawrong timing ng tadhana, noh? Tapos ganyan pa pumana si Kupido! Papana na lang, lilihis pa dun sa taong hindi ka naman mamahalin. At ang mas nakakatawang part, sa best friend mo pa! Lintek na pag-ibig! ds: 12/25/16 de: 5/25/17