Chapter 39: cancelled

880 19 10
                                    

A P R I L 2 2 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Hiro's Point of View

"Gago ka kasi, bro.. Nasa iyo na, pinakawalan mo pa." Pinapabayaan ko lang si Kuya Harry na magsalita ng magsalita. Nandito kami ngayon sa isang bilyaran.

"Ano ba ang pinaparating mo ha?" Tanong ko sa kanya. Nakatukod sa sahig ang stick na gamit ko saka ako namewang.

"Ang sinasabi ko, ang tanga mo. Gago!" Napakunot ang noo ko saka ready na siyang hambalusin ng stick na hawak ko nang magsalita nanaman siya.

"Totoo nga ang sinasabi ng karamihan, saka mo lang malalaman ang halaga ng isang tao o bagay kapag wala na sayo. Tsk tsk tsk!" May lungkot akong naramdaman dahil sa sinabi niya. Nawala na ba talaga siya saakin?

"Mahirap yan, bro. Lalo na ang daming handang makuha si Hermione. Alam mo na, maganda ang lahi namin. Psh!" Nakangising sabi pa niya. Inirapan ko siya saka tinira ang bola. Sapul!

"So, hindi mo nga itinuloy ang divorce niyo?" Tanong niya. Umiling ako. Naitapon ko yung divorce paper na binigay saakin ni Hermione. Nababadtrip ako sa tuwing nakikita ko.

"Paano yung bebot mo?" Natatawang tanong niya. Sumimsim muna ako sa strawberry shake ko bago siya sinagot.

"Isa pa yun, nanlalalaki sa tuwing hindi ko nakikita. Putangina!" Naiinis na sabi ko. Pinilit ko kapain ang selos pero wala. Inis lang dahil pakiramdam ko natapakan ang ego ko. Ang lakas ng loob maghanap ng iba samantalang ibinibigay ko naman sa kanya lahat.

"Hayy hirap! Good luck na lang sayo, bro. May bagong pumuporma dun sa kapatid ko ngayon. Ano nga ba pangalan nun? Lucas? Lio? Aish! Basta L nag-uumpisa ang pangalan." Namomroblemang sabi niya. Napakunot ang noo ko. Yun ba yung kasama niya nung ball?

"Psh! Yakang-yaka yun. Manliligaw lang sila, asawa ako." Nakangising sabi ko bago siya tinalo sa pang-limang game namin. Napamura naman siya saka kunwaring naiiyak.

Hermione's Point of View

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at tinititigan ang wedding ring namin ni Hiro. Tinago ko lang ito sa jewelry box ko. Wala akong balak ibalik ito sa kanya o itapon.

Itatago ko ito.

Naalala ko nanaman ang naging pag-uusap namin kanina. Bakit kaya gusto niya makipag-usap saakin? Tungkol kaya sa divorce namin?

Hindi ko pa nga pala nakakausap sina Mommy tungkol doon. Makikibalita sana ako.

Napakislot ako nang may kumatok sa kwarto ko at iniluwal nun si Kuya Harry. Nakasimangot siya saka pumasok ng dire-diretso.

"Yung asawa mo, inubos ang pera ko. Tangna nun!" Nakasimangot niyang sabi habang ginugulo ang buhok niya.

"Asawa ko?" Tanong ko sa kanya. Baka naman ex-asawa ang sinasabi niya.

"Si tantadong Hiro. Sino pa ba?" Nagmamaktol niyang sabi. Napakunot ang noo ko saka itinago na ang wedding ring.

"Ex, Kuya. Ex.." Pagtatama ko sa sinabi niya. Tinignan naman niya ako saka napangisi.

"Hindi natuloy ang divorce niyo." Nagtaka ako sa sinabi niya. Bakit naman? Eh naibigay ko na kay Hiro ang divorce paper. Nagkaroon ba ng problema kaya gusto niya akong makausap kanina?

"Why? Anong nangyare?" Tanong ko sa kanya. Tumayo naman siya saka humarap saakin.

"Mabuti pa siya na lang ang tanungin mo." Sabi niya saka ako tinalikuran. Aba't!

So, kailangan ko talagang makausap si Hiro? Ano naman kayang nangyare at bakit hindi natuloy? Ang ibig sabihin, asawa ko pa ang lalaking yun? Hindi pa kami divorce?

May saya akong naramdaman sa dibdib ko. May parte saakin na nananalangin na sana huwag na matuloy iyon. Pero may parte din saakin na nagsasabing iyon ang magpapaligaya kay Hiro kaya huwag ko ipagkait sa kanya iyon.

Bumuntong hininga ako bago lumabas para makakain na ng dinner. Ginugutom ako dahil sa mga naiisip at nalalaman ko.

Hiro's Point of View

Nandito na ako ngayon sa school. Kasama ko si Edward at Hiccup. Hindi ko alam paanong naging kaibigan ko ang dalawang ito. Basta nakasama ko sila sa basketball team.

May practice kami ngayon kaya nandito kami sa basketball court ng BU. Kita ko sa hindi kalayuan sina Astrid na pinapanood bawat kilos ni Hiccup at si Bella na mukhang bagot na bagot na.

I wonder kung bakit hindi nila sinundan si Hermione sa KFIS. Kung sabagay, ako ngang asawa niya ay nandito.

After this, I still need to deal with Nikka. Nabubwiset na ako sa kanya! Ang dami niyang hinihingi saakin. Akala ba niya hindi ko pa alam lahat ng ginagawa niyang kabalastugan? Aish! Pasalamat na lang talaga siya ay hindi ko siya kayang saktan talaga. Kahit papaano ay minahal ko pa rin ang babaeng iyon.

Nang matapos kami sa practice ay kaagad lumapit si Astrid kay Hiccup saka pinunasan ang pawis nito. Ano ba ang meron sa kanilang dalawa?

"Astrid." Pagtawag ko sa atensyon niya. Tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Nakausap mo na ba si Hermione?" Tanong ko sa kanya. Hindi pa rin kasi ako tinatawagan nun. Naisip ko na baka busy pa rin siya hanggang ngayon.

"Hindi pa. The last time I talked to her, busy daw sila ni Liam sa report nila." Parang may kung anong inis ang naramdaman ko dahil sa narinig ko. Liam pala ang pangalan nung bagong pumuporma sa kanya ngayon?

"Why did you ask? The last time I checked, strangers na kayo.." Napangisi ako saka uminom mula sa bottled water na hawak ko.

"We're still married." Sagot ko saka ipinakita ang wedding ring namin na hindi ko hinihubad. Noon pa naman ay hindi ko ito hinuhubad talaga, kapag lang kasama ko si Nikka. Paminsan, kapag kasama ko si Hermione, nakakalimutan ko sa sink ng banyo kaya hindi ko nasusuot. At alam kong iniisip niya na hindi ko talaga sinusuot ito.

Pero kapag nasa labas ako or nandito sa school, sinusuot ko talaga ito. Maraming nagtataka pero hindi naman nila ako tinatanong kaya pinapabayaan ko na lang.

Gusto ko ipagsigawan na kasal na ako kay Hermione. Gusto ko malaman ng lahat iyon. Pero parang may pumipigil saakin. Nakakatangina lang dahil hindi ko alam kung ano yun.

Sumakay na ako ng kotse ko saka nagdrive pauwi ng condo. Wala din akong balak ibenta o iparenta ang condo namin ni Hermione.

Pagpasok ko sa kwarto ko, bumungad saakin ang wedding picture namin ni Hermione. Isang araw paggising ko, bigla ko na lang naisip na ipaframe ang wedding picture namin saka isinabit dyan sa, noong, boring kong wall.

Tinitigan ko ang sarili ko, dapat malungkot ako sa litratong yan. Tutol na tutol ako noon sa kasalang iyan, pero imbes na inis o lungkot ang makita, parang nagliliwanag pa ang mga mata ko at nakangiti ako.

Posible kayang iba na ang nararamdaman ko noon pa lang?

Ugh!

Ang gulo! Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Basta ang alam ko lang ngayon ay gusto kong makasama si Hermione. Gusto ko siyang bumalik ulit dito sa condo namin.

Bumaba ako sa kusina namin, wala akong inabutang pagkain. Mula nang umalis si Hermione, puro na lang galing sa fast food chains ang kinakain ko. Wala na kasing magluluto para saakin.

At dahil nakakabaog ang pagkain sa fast food, nagluto na lang ako para sa sarili ko. Kaya ko naman siguro saka nandyan naman si pareng Google para tulungan ako. Mabuti na nga lang talaga at kumpleto pa ang groceries dito dahil hindi naman nabawasan ni Hermione lahat ng pinamili niya bago siya umalis.

Hay Hermione, ano bang nangyayare saakin? Pwede mo bang ipaliwanag? Naguguluhan na ang gwapo mong asawa.

------------------------ 🌸 -----------------------
Remember, you are beautiful
and loved.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon