Chapter 1: Family dinner turned into party

4K 33 26
                                    

D E C E M B E R    2 5     2 0 1 6
A little Christmas gift from me.
Enjoy reading! Merry Christmas!
------------------------- 🌸 --------------------------

Hermione's Point Of View

"HERMIONEEEEEEE!!" Napalingon naman ako sa tumawag sa napakadyosa kong pangalan. Tumatakbo siya papalapit saakin.

"Oh? 'Nu problema mo?" Tanong ko sa kanya. Inakbayan naman niya ako nang maabutan niya ako.

"Tara, sabay na tayo." Hinihingal niyang sabi.

"Nako Hiro! Kapag ikaw sinumpong ka nanaman ng hika mo tutuluyan na talaga kitang patayin." Panenermon ko sa kanya.

"Napakasama talaga ng ugali mo pagdating saakin noh? Kainis!" Sagot niya. Siniko ko naman siya since nakaakbay pa rin siya saakin.

"Pinapaalalahan lang kita sa pwedeng mangyare sayo dahil sa mga ginagawa mo!" Sagot ko. Ngumiti naman siya saakin at ginulo ang buhok ko. Well, hobby na niya yung paggulo sa buhok ko. Inggit yata siya sa long and wavy hair ko. Tsk.

"Nga pala Kyles, pupunta pala kami sa house niyo mamaya. May family dinner daw." Sabi niya. Tumango-tango naman ako. Yep, family friend namin sila.

"Okay." Sagot ko. Nakarating kami sa classroom namin at ang ingay ng mga kaklase namin.

"AYAN NA ANG KAMBAL!!" Sigaw nilang lahat. Napairap naman ako. Oo, mukha daw kaming kambal dahil parati kaming magkasama at hindi mapaghiwalay. Tsk. Plus, halos pareho na ang pangalan namin.

"Manahimik ka dyan, Astrid." Banta ko sa kanya. Wala ako sa mood ngayon dahil ginising ako ni Kuya ng sobrang aga. Naiinis ako. Ikaw kaya ang sigawan habang ang ganda ng panaginip mo? Kaasar, diba? Ugh!

"Awww, bad mood si Hermione." Nakapout na sabi naman ni Bella. Astrid and Bella are my girl best friends. Kaming tatlo lang ang magkakaibigan dito sa school.

"Ano nanaman issue mo sa buhay, Hermiona?" Tinignan ko naman ng masama si Astrid. Tawagin daw ba akong Hermiona? Ganda kaya ng name ko. Idol kasi nina Mommy at Daddy yung Harry Potter na movie. Hehehe. Siguro nanotice niyo na na galing dun yung name ko noh?

"Si Kuya kasi eh! Kainis!" Sagot ko. Napapailing naman sila.

"Hindi ka pa nasanay dyan sa Kuya mo. Parang hindi mo kilala. Dakilang mapangasar." Natatawang sabi ni Bella. Yeah right. Dakilang mapang-asar. Actually, tatlo kaming magkakapatid. May dalawa akong Kuya na mas matanda saakin. Bunso kasi ako.

"Araw-araw kasi iba trip nun eh." Sabi ko naman at kinuha yung libro ko para magbasa. Lumingon muna ako kay Hiro at kausap pala niya yung ibang mga kaibigan niya. Chaka ko na sila ipapakilala sa inyo.

"Herm!" Lumingon ako kay Astrid.

"Oh?" Tanong ko sa kanya.

"Alam mo...."

"Hindi pa." Binatukan naman niya ako. Hindi ko kasi pinatapos yung sasabihin niya.

"Patapusin mo kasi ako." Nagpout lang ako at binalik ang tingin sa librong binabasa ko. Nakikinig naman ako sa sinasabi niya.

"Kyaaah! Kinausap ako ni Hiccup kanina!" Kinikilig niyang sabi. Aba ang bruha lumalandi nanaman.

"Hay nako Astrid! Kahit kailan talaga!" Komento ni Bella habang may hawak ding libro. Fiction book.

"What? Wag nga kayo. Kinikilig ako. Chaka, shinare ko na nga sainyo kung ano nangyare tapos wala man lang kayong pakikisama." Nagpout naman siya at nilabas ang cellphone niya. Ayun, nakipagtitigan sa phone niya.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon