Chapter 51: eskandalo

745 24 29
                                    

M A Y 1 2 2 0 1 7
few chapters left.
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

"Alam mo ba kung ano ang pinakamatinding psychological problem?"

"Pag-ibig!"

"Ang daming nababaliw dyan eh.."

Pagkatapos naming mag-usap nina Astrid ay naisipan naming manood ng movie. Sa ngayon, Can't help falling in love ang pinapanood namin.

Kabibili lang namin ng dvd kanina sa mall. Kaagad din kaming bumalik dito para manood. Actually, pinanood namin yan sa sinehan noon, kaso napakaganda ng movie kaya pinapanood namin ulit.

"Alam niyo, tama yan eh. Sobrang tama lahat ng sinasabi nila dyan!" Sabi naman ni Astrid habang dinuduro-duro pa ang tv.

"Ang dami ngang nababaliw sa pag-ibig na yan.." Pagpapatuloy pa niya. Napapatango na lang ako. Nakakarelate kasi kami pareho.

"Sa totoo lang, nakakatakot magmahal. Pero nang makilala kita, naisip ko na mas nakakatakot pala yung hindi mo sinubukan magmahal." Kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko. Pinipigilan ko maiyak dahil ayaw ko na makisabay kay Astrid na kanina pa sumisinghot sa tuwing may nakakaiyak na scene.

Ilang saglit lang ang lumipas at tapos na ang movie na pinapanood namin. Mugto ang mga mata namin ni Astrid samantalang parang walang pakialam si Bella.

"Ang korni nung movie." Komento pa nito. Pareho naman kaming humarap ni Astrid sa kanya dahil siya ang nasa gitna naming dalawa.

"Bella, nagmahal ka na ba? Minahal ka na ba? Ha?!" Sabay naming sabi at kuhang-kuha pa talaga namin ang acting ni Kathryn Bernardo habang sinasabi iyon.

"Eh kung pinapaslang ko kaya kayo ngayon?" Pagbabanta niya saamin kaya tinigilan na namin siya.

Buong araw ay nagmovie marathon lang kami. Lahat ng movie ng KathNiel ay pinanood namin ulit kahit bagot na bagot na si Bella sa love stories. Kanina pa nga niya kami pinipilit na manood na lang ng horror movie kaya pinanood namin yung Pagpag. Pinaghahampas pa kami ng unan.

Maggagabi na nang matapos kami. Sinabi ko sa kanila na doon na lang ako matutulog tutal naman tinatamad na akong magmaneho pauwi. Itetext ko na lang sina Mommy. May damit naman ako dito kaya okay lang. Actually, nasa iisang subdivision lang kami pero tamad na talaga akong umuwi saka gusto ko muna magstay dito kasama sila.

Nagluto kami ng dinner namin. Habang nagluluto ay naupo ako sa center counter saka hinayaan sila.

"Girls, what do you think should I do?" Tanong ko sa kanila saka uminom ng Smart C na hawak ko.

"You should talk to your husband. Seriously, Herm.. Habang pwede pang maayos ito." Sabi naman ni Astrid saka nagsandal sa sink habang may hawak na ladle.

"I agree.. Huwag mo muna isipin si Nikka. Ngayon kung aminin sayo ni Hiro na totoo ang sinabi ng bruhang iyon, bayagin mo na nang mabaog." Seryosong sabi naman ni Bella na nag-aayos ng lamesa.

"Adik ka ba Isabella? Edi hindi na sila nagkaanak ni Hermione?" Natatawang sabi naman ni Astrid sa kanya. Nakasimangot lang ako.

"Aba naman! Pagkatapos niyang makabuntis ng iba, gugustuhin mo pa bang magkaanak sa kanya?" Tanong saakin ni Bella. Sa maraming beses na pagkakataon, napaisip nanaman ako.

"Oo naman.. Mahal ko yun eh. I wouldn't mind." Sagot ko pagkatapos ng ilang saglit na katahimikan.

"Oh see, yan ang pag-ibig. Puro katangahan!" Napapailing na sabi niya kay Astrid habang nakaturo saakin. Binato ko naman siya ng crumpled tissue na pinampunas namin ng tomato sauce kanina.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon