Chapter 30: sad song

714 22 7
                                    

A P R I L 0 7 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

Nandito na kami ngayon sa may beach. Napakaganda ng kapaligiran. Ang daming torch light na nasa paligid. Maraming tao ang nandito at may mga tables din.

"This place is so beautiful.." Manghang sabi ni Nikka. Nandito lang sila sa harapan ko at kitang-kita ko ang magkahawak nilang kamay. Hindi ba sampal iyon saakin?

"Never been here before?" Tanong naman ni Hiro sa kanya. Umiling naman itong isa. Dati siyang nakatira dito sa America tapos never pa siyang nakapunta ng Hawaii?

"Nat, gusto mo bang pumunta doon? Tara!" Hindi pa ako nakakasagot ay hinila na ako paalis ni Marc. Pansin yata niya na hindi na ako komportable sa nakikita ko. Dinala niya ako dito sa malapit lang sa dagat at may mga sky lanterns na pwede mong sindihan at paliparin.

"Here.." Inabot saakin ni Kian yung isa. Nakasindi na iyon at kailangan ko na lang siyang pakawalan. "Ibulong mo lahat sa hangin ang gusto mong sabihin. Let it go.." Sandali kong tinitigan ang hawak ko saka marahang pumikit.

"Para kang sky lantern, Hiro. Wala akong choice kung hindi pakawalan ka. Because that's how it is suppose to be.." Paninimula ko. Maingay sa paligid dahil sa hiyaw ng mga tao ngunit pakiramdam ko tibok lang ng puso ko at ang pagbulong ko ang naririnig ko. "Mahal na mahal kita pero kailangan na kitang pakawalan. Kita ko namang masaya ka na....sa piling ng iba." Kasabay ng pagtulo ng luha ko ang pagpapakawala ko sa lantern na hawak ko. Dala ito ng hangin kung saan ibinulong ko ang nais kong sabihin.

"Ang tanging gusto ko lang, ay maging masaya ang best friend ko." Dinig ko namang sabi ni Marc saka pinakawalan ang kanya. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti bago niya ako niyakap. Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya saka nagpatuloy sa pagiyak ko.

"Kailan ko ba makikita yung dating Hermione? Yung Hermione na minahal ko dahil sa katapangan niya?" Tanong niya saakin. Lalo lang akong sumiksik sa kanya dahil wala akong maisagot sa sinabi niya.

"Okay lang naman saakin na inilalabas mo yang sakit na nararamdaman mo. Pero ayaw ko rin namang nakikita kang umiiyak ng dahil sa lalaking iyon." Hinahaplos niya ang likod ko kaya mas lalo akong naiiyak.

"Nat, if you love him, then fight for him. Giving up is not a solution. Pinapalala mo lang yang sakit na nararamdaman mo." Lumunok ako dahil sa panunuyo ng lalamunan ko. Tama siya. Tama siya na hindi solusyon ang pagbitaw. "Paano naman ako lalaban kung siya mismo, una pa lang ay bumitaw na?" Humihikbing tanong ko sa kanya. Kumalas siya sa pagkakayakap namin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi ko. Pinunasan niya ang mga luha na patuloy na umaagos sa pisngi ko saka pinilit tumingin sa mga mata ko.

"Ayaw ko kasi na dumating ang araw na pagsisihan mo ang magiging desisyon mo ngayon. Marami kang option na pagpipilian. Isipin mo muna ng isang daang beses bago mo gawin." Pinunasan niya ang panibagong luha na tumulo mula sa mga mata ko saka hinalikan sa noo.

Ayaw ko rin naman na pagsisihan ko balang araw ang magiging desisyon ko ngayon. Pero kahit ano pa man ang maging desisyon ko ngayon, alam ko naman na pareho ko rin iyong pagsisisihan. So, why not just do what will make him happy, right? Kasi kahit ipaglaban ko siya, kung may iba naman siyang gusto makasama sa laban niya, baliwala lang rin ako. Kapag naman pinakawalan ko siya, alam kong pagsisisihan ko rin na hinayaan ko siyang lumaban kasama ng iba. Anong pipiliin ko? Option one and two will both break my heart.

"Basta ipangako mo lang saakin na hindi mo ako iiwan." Mahinang sambit ko. Marc is the best friend that I never had. Magkaibang-magkaiba kasi sila ni Hiro. Sobrang magkaiba sila.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon