Chapter 55: gross and corny

974 20 3
                                    

M A Y      2 0       2 0 1 7
last chapter then epilogue.
------------------------ 🌸 -----------------------

Hiro's Point of View

Nakatanaw si Hermione sa Mt. Washington. Ngiting-ngiti siya mula kaninang paalis kami ng hotel hanggang ngayon. Minsan ay napapapikit pa siya sa tuwing hahampas sa mukha niya ang malamig na hangin. Inililipad din nito ang mahaba niyang buhok.

I'm so in love with her..

"Hi Mt. Washington! We met again.." Malambing ang boses niya habang sinasabi ito.

"Diba nangako ako sayo na babalik ako dito na may ngiti sa labi ko?" Pinagmamasdan ko lang siya. Pinagmamasdan ko bawat paggalaw ng labi niya, bawat paghinga niya, bawat pagkurap niya, at sa tuwing guguhit ang ngiti sa pisngi niya.

"Nandito na ako ulit! Masayang-masaya.." Nilingon niya ako saka inilahad saakin ang kamay niya. Nilapitan ko naman siya saka niyakap mula sa likuran. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya.

"Masayang-masaya kasama ang asawa ko." Sambit pa nito saka humalik sa pisngi ko. Napangiti ako dahil sa kilig na naramdaman ko.

Oo na alam ko napabakla na umaming kinikilig ako. Wala akong magagawa, masaya ako kasama ang babaeng mahal ko.

"Thank you, Kyles.." Napapikit ako habang pinapakiramdaman ang paligid.

"For what?" Tanong naman niya. Ramdam ko ang pagkunot ng noo niya dahil sa sinabi ko. Nanatili akong nakapikit.

"For loving me. For choosing to stay even if it is so hard to love me." Sagot ko. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa mga braso kong nakapulupot sa bewang niya.

"You don't have to thank me, Lyles. Dahil kahit gaano pa kahirap ang mahalin ka, kahit gaano kasakit, I will still choose to stay with you and love you over and over again." Ibinaon ko sa leeg niya ang mukha ko saka nagtanum ng maliliit na halik doon.

"I can't promise you a perfect relationship, Kyles.." Sambit ko. Natatakot ako na baka ma-disappoint siya saakin balang araw.

"Hindi ko naman hinihiling ang perpektong relasyon, Lyles. Sapat na ang kasama kita at mahal natin ang isa't isa." Sagot niya saka pumihit paharap saakin. Inilagay niya sa batok ko ang dalawang kamay niya kaya ipinatong ko sa bewang niya ang saakin.

"All I want is to make you happy, sweet. Sa bawat umaga na dumarating, yun ang unang-unang tumatatak sa isip ko." Malambing na sabi ko saka humalik sa pisngi niya.

"Hindi ka naman nabibigo.. Dahil sa tuwing imumulat ko ang mga mata ko sa umaga, ang lalakeng mahal ko na kaagad ang bumubungad saakin." Nakangiting sabi niya. Napangiti din naman ako. Nakakahawa kasi masyado, napakatamis ng mga ngiti siya. Hermione is a genuine person.

"I love you so much, Kyles. Habangbuhay.." Inilapit ko ang mukha ko sa kanya.

"I love you too, Lyles. Habangbuhay.." Sagot naman niya. Saglit kaming nagtitigan bago gumuhit ang malaking ngising sa labi namin.

"Eww you're gross, Lyles!" Inihilamos niya saakin ang palad niya.

"Ang korni mo, Hermione! Wahaha! Gross ka rin!" Sagot ko naman sa kanya.

"I told you. Magandang mag-moment dito." Natatawang sabi naman niya. Bumalik kami sa pagtanay sa Mt. Washington.

"Tama nga.. Napakaganda ng lugar na to. Pero mas maganda ang babaeng nasa tabi ko." Tinignan ko siya ng nakakaloko.

Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Boom rhymes! 123 ABC!" Natatawang sabi ko kaya pinaghahampas niya ako.

"Puro ka kalokohan! Ang korni mo talaga! Gross!" Hinabol niya ako saka pinaghahampas.

Bago kasi kami makarating dito sa Mt. Washington, napagusapan namin na magmoment dito kahit konti lang. We decided to be cheesy, corny, and be gross.

Pero kahit nagbibiruan kami ng ganito, lahat ng sinabi namin sa isa't isa kanina ay totoo. Galing talaga yun sa puso namin.

GROSS CORNY!

Hermione's Point of View

Tapos na kami magdinner ni Hiro. Kababalik lang namin dito sa hotel room namin. Pareho kaming bagsak sa kama dahil sa pagod.

Nagpalakad-lakad labg kami buong araw. Tinupad talaga niya yung sinabi niyang bubuo kami ng panibagong memorya dito sa New Hampshire. Ang lugar kung saan kami nagpakasal.

Masasabi kong, masaya naming na-celebrate ang tatlong taon naming anibersaryo.

Taon-taon naman naming ipinagdidiwang ang mga anibersaryo namin, at taon-taon din akong nasusurpresa ni Hiro ng ganito.

Actually, araw-araw naman yata ay may pakulo siya para mapangiti ako. Ang hindi niya alam, makita ko lang siya, masaya na ako.

GROSS CORNY!

"SWEET!" Gulat naman siyang napalingon saakin. "Nakalimutan ko na idedeliver pala sa unit natin yung mga bagong furnitures at mga gamit." Nanlaki ang mga mata ko saka nakurot ko siya sa braso niya.

"Akala ko naman kung napano ka! Sina Astrid na ang bahala dun. Ibilin mo na lang sa kanila." Sabi naman niya.

"Parati ka na lang ganyan nagrereact. Masyado mo akong pinapakaba." Halata pa rin ang pagkagulat sa mukha niya.

"Sorry na. Nawala kasi sa isip ko yung mga pinamili ko bago tayo umalis." Nakasimangot na sabi ko. Nakaharap kami pareho sa laptop namin ngayon.

Inilapit naman niya ang mukha ko sa kanya saka hinalikan ako sa pisngi. Pinanggigilan nanaman niya ang pisngi ko.

"It's okay, sweet. I love you.."

"I love you, too."

Malapit na pala magtapos ang kwento namin ni Hiro. Balita ko ay last chapter na ito. Pagkatapos ay epilogue na. Sana naenjoy niyo ang kwento namin ni Hiro.

"Sweet, isa lang yung nadala mong underwear ko. Dapat kasi sinabi mo na saakin para ako na lang nag-ayos ng gamit ko." Bigla ko nanamang naalala. Pagkita ko sa luggage namin kanina ay isa lang ang underwear ko.

"Weh? Akala ko madami yung nalagay ko." Sabi naman niya.

"Oo nga! Kainis ka!"

"Hayaan mo na. Wag ka na lang muna mag-underwear kapag nandito lang tayo sa hotel room." Nakangising sabi niya. Hinampas ko maman siya ng unan.

"Bwiset ka! Minamanyak mo nanaman ako. Bukas na bukas, ibili mo ako ng panty sa mall. Kaasar!" Humalakhak naman siya dahil sa sinabi ko.

"Sige, ako na pipili kung ano ang magugustuhan ko." Sabi nanaman niya habang tatawa-tawa pa. Namula tuloy ang pisngi ko.

"Wag na pala. Ako na lang." Sagot ko sa kanya. May balak pa yatang iba.

"Ako na lang, sweet. Trust me, I know what's better." Nakakaloko pa ang tingin nito saakin kaya sinabunutan ko siya. Daing naman ng daing.

"Siguraduhin mong magugustuhan ko ang gagawin mo, Hiro Nevin!" Babala ko sa kanya. Kinindatan lang naman niya ako.

Muli akong bumaling sa laptop ko saka napangiti.

Hindi ko akalaing magiging ganito kami kakomportable ni Hiro sa isa't isa. Mag-asawa na kami pero parang mag-bestfriend pa rin.

Ganito ang matagal ko ng hinihiling.

------------------------ 🌸 -----------------------
Remember, you are beautiful
and loved.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon