Chapter 5: Dinner with him

764 20 3
                                    

J A N U A R Y     0 3     2 0 1 6
May pasok na bukas goodness!
------------------------ 🌸 -----------------------

Morning came again. Thank God for waking me up again.

Uunat na sana ako nang naudlot dahil may bumukas ng pintuan ko at iniluwal nun ang napakapangit kong best friend.

"GOOD MORNING SA PINAKAMAGANDA AT PINAKAMAMAHAL KONG BESPREN SA BUONG MUNDO!!" Sigaw niya with matching taas pa ng dalawang kamay at talon sa kama ko.

"Sira na umaga ko." Bulong ko habang nakaface palm.

"Ang sama ng ugali! Nag-good morning na nga yung tao. Nag-effort pa ako! Tsk." Nakapout niyang sabi.

"Anong effort dun? Sumigaw ka lang naman!" Sabi ko sa kanya. Tinignan naman niya ako ng masama.

"Effort na yun. Nagsalita eh." Sagot niya kaya hindi na lang ako sumagot. Mapupunta lang sa walang kwenta ang usapan.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Aww..hindi lang tayo nag-usap kahapon, hindi na ako welcome dito sa kwarto mo? Ang sakit naman!" Pagdadrama niya. Nakatingin lang siya sa ceiling kaya nilapitan ko siya at inihilamos yung kamay ko sa mukha niya.

"Ang drama mo! Kadiri!" Natatawa kong sabi.

"Mas kadiri ka. After you scratch your butt, ihihilamos mo yung kamay mo saakin?" He look really disgust.

"Hengya ka! Hindi ko naman kinamot yung butt ko. You're so disgusting." Hinampas ko pa siya ng pabiro.

"Joke lang. I just want to see you smile again." Nakangiti niyang sabi.

"Sus! Namiss mo lang ako eh. Love mo talaga ako noh?" Inakbayan naman niya ako at ginulo ang buhok ko.

"Love na love." Sagot niya. I felt my heart skip a beat.

"Hoy, bat hindi ka na nagsalita dyan?" Tanong niya saakin. Tinaggal ko ang pagkakaakbay niya saakin at nginitian siya.

"Wala lang. Naalala ko lang na malapit na tayong malate." Kinuha ko na yung twalya ko at kaagad nagpunta sa banyo.

Napahawak naman ako sa dibdib ko na ang bilis pa rin ng tibok.

That was weird. Ang weird nung feeling na yun.

I dunno know what's the meaning of that.

"KYLES, BILISAN MO DYAN!! Late na tayo!" Rinig kong sigaw niya kaya madali akong naligo.

Lumabas ako ng banyo at nakita kong nakahiga pa siya doon.

"Wala kang balak lumabas?" Tanong ko sa kanya.

"What for? Sabay nga tayo naliligo nung mga bata pa tayo." Sagot niya habang nakatingin pa rin sa phone niya.

Namula naman ako bigla. "Hengya ka! Mga bata pa tayo noon. Hindi na ngayon! Bwiset!" Hiyang-hiya ako sa sinabi niya. Though, totoo yung sinabi niya. We used to take a bath together back when we were just kids.

"Hahahaha! Sige. Hintayin na lang kita sa baba." Sabi niya at lumayas na nga sa kwarto ko.

Ugh! Mapapatay ko talaga yung lalaking yun.

Nagbihis na ako at lumabas ng kwarto ko. Nakita ko naman na ang sarap ng kain ni Lyles. Feel at home talaga.

"Amazing morning, humans!" Bati ko sa kanila.

"Hanep ka talaga bumati!" Napapailing na sabi ni Kuya Harry. Nagwink lang ako sa kanya.

"Maganda kasi ako."

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon