A P R I L 2 6 2 0 1 7
maligayang kaarawan,
supremo dp!
------------------------ 🌸 -----------------------Hiro's Point of View
"Kyles, sorry na.." Kanina ko pa sinusuyo si Hermione dahil sa ginawa ko. At kanina pa rin niya ako hindi pinapansin.
Nang magising ako kanina, galit na mukha kaagad niya ang bumungad saakin saka ako pinaghahampas sa braso ko. Ineexpect ko na yun. Ayaw ko pa nga sana magkamalay dahil alam ko bubugbugin niya ako kaso gusto ko na makita ang mukha niya.
Kanina pa niya ako sinisigawan. Nakikinig lang naman ako sa lahat ng sinasabi niya habang nakangiti. Hindi ko mapigilan hindi mapangiti dahil nakikita ko talagang nag-aalala siya saakin.
"Walang magagawa yang sorry mo saakin, Hiro! Nanggigigil ako sayo! Gusto kitang sapakin! Hindi ka nakikinig saakin sa tuwing binabawalan kita! Ano pa ba ang kailangan kong sabihin sayo ha? HA?!" Nakahalukipkip siya habang palakad-lakad sa harapan ko. Nang makita niya akong nakangiti ay hinampas niya ako sa dibdib ko.
"Aray ko naman, Kyles.. May sakit na nga ako, sinasaktan mo pa ako.." Parang batang sabi ko. Kanina pa ako nandidiri sa ginagawa kong kabaklaan pero tinitiis ko para mapakalma si Hermione. Baka mapatay na niya ako.
Sayang naman ang magandang lahi ko kung papatayin lang niya ako ng maaga.
"Bakit kasi nakangiti ka? Sinisermunan kita, hello!" Inirapan pa niya ako saka nagmamaktol na naupo sa edge ng kama ko. Naupo naman ako saka ko siya niyakap mula sa likuran at ibinaon sa leeg niya ang mukha ko. Napakakomportable talaga ng ganito.
"Natutuwa kasi ako dahil alam kong nag-aalala ka saakin." Bulong ko sa kanya saka humalik sa pisngi niya. Wala na akong pakialam kung anong iisipin niya sa mga kinikilos ko. Alam ko namang nawiweirduhan na siya saakin.
"Bakit kasi hindi ka nakikinig saakin? Naiirita na ako sayo, alam mo ba yun?" Sumimangot siya kaya hinalikan ko nanaman siya sa pisngi niya.
"Kaya nga sorry diba? Hindi ko na po uulitin." Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya. Gusto ko ganito na lang kami parati.
"Promise?" Tanong niya. Saglit akong napaisip. I love basketball. Pero kung yun ang gusto ng asawa ko, hmmm, pag-iisipan ko pa rin.
"Pag-iisipan ko mun-- ARAY! Tangina, masakit Kyles!" Daing ko. Hinila ba naman ang tenga ko. Ang sakit mga brad!
"Umayos ka, Hiro Ortega!" Pagbabanta niya. Binitawan na niya ang tenga ko kaya hinimas himas ko iyon. Ang sakit talaga. Pakiramdam ko tinanggal na niya ang tenga ko.
"Kung yan ang gusto ng misis ko, edi masusunod kumander." Nakasimangot na sabi ko. Masakit pa rin ang tenga ko hanggang ngayon. Naiimagine ko na kung gaano ito kapula.
"Good." Sagot niya saka lumayo saakin at kumuha ng prutas na dala ng mga teammates ko kanina.
"Bukas daw ay pwede ka ng madischarge. Hindi pa pala makakauwi sina Mama at Papa. Dalawang buwan din sila sa business trip nila kasama sina Mommy at Daddy." Inabot niya saakin ang mansanas na hiniwa niya.
"Ahh.. Nasabi nga sakin nina Mommy iyon. Nakalimutan ko lang." Sagot ko naman saka inumpisahan kainin yung bigay niya.
Ang sarap sa pakiramdam na nandito siya ngayon kasama ko. Kung ito lang pala ang paraan para makasama ko siya, aba laking pasasalamat ko rin pala at may sakit ako.
Hermione's Point of View
Nakauwi na si Hiro ngayon. Dito siya sa mansion nila magstay para malapit lang ako sa kanya. Nakipag-away pa nga ako dahil gusto niya doon na lang kami sa condo namin. Hindi na yata ako komportable na magstay pa doon.
BINABASA MO ANG
bestfriend // kn
FanfictionBakit kasi napakawrong timing ng tadhana, noh? Tapos ganyan pa pumana si Kupido! Papana na lang, lilihis pa dun sa taong hindi ka naman mamahalin. At ang mas nakakatawang part, sa best friend mo pa! Lintek na pag-ibig! ds: 12/25/16 de: 5/25/17