Chapter 41: thunder vs fire

826 23 4
                                    

A P R I L 2 6 2 0 1 7
maligayang kaarawan,
supremo dp!
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

Nandito ako ngayon sa basketball court ng KFIS. Ngayon na kasi ang laban ni Marc at ng BU. Kanina pa ako kinakabahan sa hindi malamang dahilan.

Kahapon, panay ang tawag saakin ni Hiro pero hindi ko sinasagot. Hindi ko alam pero parang ayaw ko talagang malaman kung anuman ang sasabihin niya.

Nasa kabilang parte ang mga taga-BU at nakakulay pula silang lahat. Samantalang nakakulay asul naman kaming lahat na taga-KFIS.

Tinawagan din ako kanina ni Astrid at sinabing nandito din sila ni Bella para suportahan sina Hiccup at Edward. Kasali pala sila sa BU THUNDER.

Kinakabahan talaga ako. Feeling ko merong hindi magandang mangyayare ngayon. Nakita ko na rin sina Marc na nasa ibaba na at naghahanda. Nagstretching pa yata sila.

Natetense ako sa hindi malamang dahilan. Gusto ko na tuloy magback out. Wala naman kasi akong kasama dito dahil kasali si Lara sa mga cheering squad. Si Liam naman, kasali din pala sa basketball team.

Ugh! Mag-isa lang talaga ako dito. Hindi naman ako makalapit kina Astrid dahil naiiba ang suot kong damit. Sa lahat ng nakapula doon ay ako lang ang nakaasul.

Ilang saglit lang ang hinintay at narinig ko na ang senyales na mag-uumpisa na ang laban. Napakunot ang noo ko nang makita ko sa Hiro na nakaupo sa bleachers.

SI HIRO?!

Nakasuot siya ng jersey na katulad ng mga lumalaban sa court ngayon.

Kasali siya?!

Ngayon, alam ko na kung bakit ako kinakabahan ng ganito. Dahil sa kanya. Ang galing talaga ng puso ko, nadedetect niya kapag malapit lang saakin si Hiro.

Hindi ba talaga siya nakikinig saakin? Binabawalan ko na siya noon na maglaro ng basketball dahil sa hika niya. Talagang ginagalit niya ako!

Lumipas ang ilang game at lamang ang KFIS. Syempre tuwang-tuwa lahat ng nakaasul. Ako lang yata ang hindi dahil sa kaba ko para kay Hiro. Nakita kong lumapit ang coach nina Hiro sa kanya. Mukhang sinisigawan na ito. Lalong lumakas ang kabog sa dibdib ko. Anong nangyayare?

Hiro's Point of View

Kanina pa ako sinisigawan ng coach namin. Pinapasali na kasi niya ako sa mga naglalaro. Lamang kasi ang kalaban kaya ako ang gusto nilang isabak. Bakit ba naman kasi ganito ako kagaling?

Dapat kanina pa talaga ako naka-in. Kaso nakita ko si Hermione sa hindi kalayuan. Ang sama ng tingin saakin. Pakiramdam ko sinisermunan na niya ako sa isip-isip niya.

Gusto ko na nga umalis at magpalit ng damit dahil ayaw kong magalit siya saakin dahil naglalaro nanaman ako ng basketball. Ayaw kong nagagalit saakin ang asawa ko.

Bumuntong hininga ako nang magmakaawa nanaman saakin ang couch namin. Napakagat ako sa ilalim na parte ng labi ko. Last two rounds na lang naman at matatapos na. Kakayanin ko naman siguro. Makisama naman sana ang mga baga ko.

"Fine, I'm in.." Natuwa naman silang lahat kaya tumayo na ako saka konting nag-unat. Bahala na si Batman saakin. Wag naman sana magalit saakin si Hermione.

Nagsimula nanaman ang laro at kaagad intense. Benteng points pa ang lamang ng kalaban namin kaya dapat lahat ng tira ay three points lahat.

Natapos ang round na iyon at lamang pa rin ang kalaban. Nahabol na namin kanina kaso magaling din magshoot si Marc. Kilala ko iyon dahil parati siyang kasama ng asawa ko.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon