Chapter 43: pabebeng asawa

904 22 5
                                    

A P R I L 2 7 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

Nang makarating ako sa bahay namin ay kaagad akong dumiretso sa kwarto ko saka naligo at nagbihis ng pajamas. Tinatadtad na talaga ako ng text messages at missed calls ni Hiro. Pantanga lang!

Pagkatapos ko magbihis ay bumaba ako saka nagpunta ng kitchen, may nakita akong pagkain kaya isinalin ko iyon sa isang tupperware. Doon na lang ako kina Hiro kakain.

Nilock ko ang gate saka pumunta sa bahay nila. Nakabukas ang gate kaya dire-diretso lang ako sa loob. Kumakain yata ng dinner yung dalawang guards nila na nasa gate. Mukhang hindi nila ako napansin.

Dumiretso ako sa kitchen nila. Nakita kong may pagkain din pala doon. Nilagay ko sa mesa ang dala kong pagkain saka pumanik sa kwarto niya.

Pagdating ko doon ay nakita ko siyang nakapamewang habang hawak ang cellphone niya.

"Hey.." Mahinang sabi ko. Kaagad siyang lumingon saakin habang nanlalaki ang mga mata.

"Kyles.." Lumapit siya saakin saka ako niyakap ng mahigpit. Kinabahan ako bigla dahil sa kinilos niya. Mukhang kinakabahan din siya.

"Hoy, may problema ba?" Tanong ko sa kanya saka marahang hinampas sa likuran niya. Ang higpit ng pagkakayakap niya saakin.

"You're not answering any of my calls and my texts. Nag-aalala ako sayo.." Hinihingal niyang sabi. Hinaplos-haplos ko siya sa likod dahil baka kung ano nanaman mangyare sa kanya dahil sa pag-aalala niya.

"Maupo ka nga muna saka kumalma." Naglakad kami papunta ng kama niya saka ko siya pinaupo. Ang sama na ng tingin niya saakin ngayon. Inabutan ko naman siya ng tubig.

"Saan ka ba kasi galing?" Tanong niya saakin. Bumuntong hininga ako saka naupo sa tabi niya.

"School. Ang dami pa kasi pinagawa saakin nung panot kong teacher. Hindi na ako nakapagreply sayo dahil tinatapos ko talaga yung ginagawa ko," tinignan ko siya saka hinawakan ang kamay niya, "Sorry.." Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya saakin. Ngumuso ako saka umiling. Ang sarap sa pakiramdam. Para lang kaming bumalik sa dati. Noong mag-bestfriend pa kami. Parang walang nangyareng malungkot sa pagitan namin.

"Let's go downstairs. Nagluto ako para sayo.." Inangat ko ang ulo ko saka ngumiti sa kanya. Tumayo naman siya saka inilahad ang kamay niya. Tinanggap ko naman iyon.

Sabay kaming bumaba at kumain habang nagkukwentuhan.

Saka ko na lang siya kakausapin tungkol sa mga ganutong bagay kapag okay na talaga siya. Ayaw ko muna iopen ngayon dahil baka bigla nanamang mawala ito.

OoooOoooOooo

"Please, Kyles?" Hawak ni Hiro ang kamay ko habang nakatayo ako sa harapan niya at nakaupo siya sa kama niya.

"Lyles.." Babala ko sa kanya. Talagang kinacareer niya ang pagiging baby ko.

"Kyles, dito ka muna. Tignan mo, nilalagnat ako dahil sa pag-aalala ko sayo kanina." Pinahaplos pa niya saakin ang noo at leeg niya. Oo, nilalagnat nga siya.

"Lyles, pinapangatawanan mo talaga ang pagiging baby saakin ha?" Naiinis kong sabi sa kanya. Sumilay naman ang ngisi sa labi niya kaya napairap ako.

"Edi pangatawanan mo na rin ang pagiging Mommy saakin. Please, Kyles? Wala akong kasama dito sa bahay bukod yung dalawang guards sa labas. Ikaw kasi, pinayagan mong umalis yung mga katulong. Tapos wala pa sina Mommy at Daddy. Kawawa naman ako, wala akong ka--"

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon