Chapter 17: basag na puso

717 17 4
                                    

F E B R U A R Y 0 8 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

Bumuntong hininga ako bago sumunod kay Marc papasok ng office ni Miss Ianthe. Nandito kami ngayon sa KFIS para sa interview namin. Sa wakas at makikita ko na siya.

"Para saan naman yung buntong hininga mo? Excited ka ba or kinakabahan?" Natatawang tanong niya saakin. Inirapan ko siya. Kita na ngang hindi ako mapakali tapos tatanungin pa niya ako? "Both." Sagot ko saka ko na siya inunahan. Bumungad saamin ang isang babae na medyo matanggad saakin.

"Good morning. Ako nga pala si Sacha, secretary ni Jala." Pakilala niya. Napakunot ang noo ko. Jala pala ang tawag kay Miss Ianthe dito. "Good morning din po. Ngayon po ang schedule ng interview namin with Miss Ianthe." Si Marc ang sumagot.

"Oh, follow me.." Sumunod naman kami saka naglakad sa isa pang pintuan kung saan may nakasulat na Ianthe Ford-Counselor/President.

"Jala, nandito na ang mga nakasched for the interview." Nakadungaw lang ang ulo ni Ate Sacha sa pintuan. "Let them in." Dinig ko ang malaanghel na boses ni Ate Ianthe. Binuksan naman ng tuluyan ni Ate Sacha ang pintuan kaya pumasok na kami.

Tumayo si Miss Ianthe at sinalubong kami. "Good morning! Kayo ba sina Marc at Hermione?" Tanong niya. Nagulat ako kung bakit kilala na niya kami kaagad. "Yes, po." Sagot ko.

"Your Mom called me about your registration here. I'm glad you chose KFIS for Senior High School." Nginitian namin siya at doon na nga nag-umpisa ang interview. Nagtanong lang siya ng kung anu-ano at napakabait niya. She really acts like a princess. Panay siyang nakangiti kaya walang awkward atmosphere.

Nang matapos kami, nagpaalam na kami ni Marc. Pwede na daw magenroll anytime. Mabuti na lang at kaagad kaming nagpunta dito dahil 50 slots lang per track and kinukuha nila.

"So, KFIS na talaga tayo?" Masiglang tanong ni Marc saka nakipagfistbump saakin. "KFIS na tayo!" Sagot ko saka tinanggap yung fistbump niya. Sumakay na kami sa kotse niya at bumalik na ng school. Excuse lang kami ng ilang oras pero hindi buong araw. Ewan kay Kuya Ron bat hindi pa niya binuong araw. Siya kasi ang nagpunta ng school para ipakiusap kami ni Marc. Kainis nga eh!

OoooOoooOooo

Math time na at nakatulala lang ako habang nagsasalita ang teacher namin. Kahit naman hindi ako makinig ay alam ko na yang sinasabi niya. No need to listen. Saka bakit ba naglelesson pa kami e malapit na ang moving up ceremony? Pantanga lang!

"Hermione, answer number 1. Nakatulala ka nanaman tapos babagsak ka." Panenermon niya saakin. Napatingin ako sa direksyon ni Hiro. Nilingon niya ako saglit pero inirapan ko siya saka tumayo. This teacher is underestimating me. Never ako bumagsak kahit isang quiz lang yan.

Sinagutan ko yung nasa whiteboard. Wala na bang mas easy dito? Ni hindi man ako pinagpawisan.

"Easy, Ma'am.." Binitawan ko ang marker sa lalagyan saka naupo. Nakangisi habang napapailing naman saakin si Ma'am. "Hindi ko maintindihan kung bakit nakukuha mo pa rin lahat kahit hindi ka nakikinig." Hindi makapaniwalang sabi niya. Nagkibit balikat lang ako.

Nilingon ko si Hiro at wala lang siyang pake. Noon kapag ganito ang scenario, isisigaw niya kung gaano siya kaproud dahil bespren niya ako. Nasaan na ngayon si Lyles na pinagmamalaki ako? Nakakamiss noh?

Natapos ang Math subject ng hindi ko man lang namamalayan. Naoccupy nanaman ni Hiro ang buong pagkatao ko. Ganun na ba kabigat ang nararamdaman ko para sa kanya?

"Good afternoon, class!" Masiglang bati ni Ma'am Anj. Bumati naman kaming lahat. Tinignan niya ako at bumaling kay Hiro pagkatapos ay ngumisi. Ano nanaman ba ang iniisip niya?

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon