Chapter 50: pagtaya sa pag-ibig

721 20 3
                                    

M A Y 0 9 2 0 1 7
almost done!
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

May family dinner kami ngayon. Nandito na kasi sina Kuya at wala pa ring Hiro ang nagpapakita saamin. Hindi ko alam kung nasaan talaga siya. He also stopped calling and texting me. Kahit naiinis na ako sa ginagawa niya ay hindi ko naman maiwasang kabahan. Ilang beses ko na rin siyang tinawagan at tinext mula pa kahapon. Kaso kahit isa ay wala akong natanggap na sagot mula sa kanya.

"Ma, hindi po ba nagtext o tumawag man lang si Hiro sainyo?" Tanong ko kay Mama na nandito sa kitchen dahil nagluluto sila ni Mommy.

"Hindi man.. Hindi ko pa nga nakita iyong batang yun." Sagot niya habang abala pa rin sa ginagawa niya.

"Ugh.. Nasaan kaya ang lalaking yun?" Tanong ko sa sarili ko. Nagpunta ako sa poolside saka naupo sa damuhan.

Hiro's Point of View

One week before..

Pauwi na ako galing school. Atat na atat na ako makita si Kyles dahil napakarami kong ginawa sa school at siya lang ang makakatanggal ng stress at pagod ko ngayon.

Papaandarin ko na dapat ang kotse nang biglang humarang si Nikka sa harapan kaya natigilan ako.

Napakunot ang noo ko saka bumaba. "Ano nanaman bang kailangan mo?" Tanong ko sa kanya. Lumapit siya saakin saka akmang hahawakan ang pisngi ko pero kaagad ko itong iniwas.

"Hiro.." Sambit niya sa pangalan ko.

"Nikka wala na tayong pag-uusapan. Tapos na tayo." Sagot ko saka siya tinalikuran.

"Kung itong bata sa sinapupunan ko ang dahilan kung bakit ayaw mo makipagbalikan saakin, then I'll get rid of it." Madali ko siyang nilingon saka hinawakan ng mahigpit ang braso niya.

"Are you out of your mind? Inosenteng bata ang papatayin mo dahil sa pagiging desperado mo?" Madiin kong sabi sa kanya. Nagsimula namang tumulo ang mga luha mula sa mata niya.

"Hiro, kaya ko gawin lahat para sayo.. Mahal na mahal kita.." Umiiyak niyang sabi. Lalo kong diniinan ang pagkakahawak sa braso niya.

"Get back to your senses, Nikka! That's your child. At kahit mawala pa yan, hinding-hindi na ako babalik sayo." Marahas kong binitawan ang braso niya saka akmang sasakay na ng kotse ko nang magsalita nanaman siya.

"Papatayin ko ang bata na nasa sinapupunan ko kapag hindi ka bumalik saakin. Tandaan mo yan, Hiro!" Tuluyan na akong umalis doon at iniwan si Nikka na umiiyak pa rin.

Itinigil ko ang sasakyan ko sa gilid ng daan saka nahampas ang manubela.

"Tangina!" Nangigigil kong sigaw. Hindi ko naman kakayaning mawawala ang isang inosenteng bata dahil saakin. Pero hindi ko rin naman kakayaning iwan nanaman si Hermione dahil sa babaeng yun?

"Fvck!"

OoooOoooOooo

Mahigit isang linggo na akong nandito sa condo. Kapag pumupunta dito si Hermione ay tinataguan ko lang siya.

Hindi ko alam paano ko sisimulan sabihin sa kanya ang lahat. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi saakin ni Nikka.

Oras-oras din niya pinapaalala saakin na hanggang bukas lang ang palugit na binigay niya saakin para makapagdesisyon ako.

From: Nikka
Hey babe, I'll see you tomorrow at my place. I love you!

Napabuntong hininga ako saka nagsimulang magtype ng reply ko.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon