Chapter 20: you broke my heart

780 19 5
                                    

F E B R U A R Y 1 7 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Pagdating ko ng bahay, nakita kong nakaparada ang dalawang kotse na kilalang-kilala ko kung sino ang may-ari. May usapan ba kami ngayon?

Bumaba ako saka pumasok ng bahay. Sinalubong ako ng mga kasambahay. "Wala pa po ba sina Mommy?" Tanong ko. "Wala pa po." Sagot niya saka kinuha ang gamit ko. "Eh sina Kuya po?" Tanong ko. "Wala pa rin po." Umiiling niyang sabi. Tinanguan ko siya saka na pumanik sa kwarto ko. Malamang nandoon sila.

Pagbukas ko ng pintuan ng kwarto, kita kong nakahilata na sila sa kama ko. "Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanila. Tinignan naman nila ako na bored na bored. "Diba we told you we need to talk. Here, sleepover!" Tumayo si Astrid saka ako niyakap at hinila papasok. Nagpunta muna ako ng closet ko para magtanggal ng sapatos. "Here's the perfect onesie for tonight's sleepover." Inabot saakin ni Bella ang isang Stitch na onesie.

"Kanina ka pa namin hinihintay dito. Nawawalan na nga kami ng pasensya. Mabuti at umuwi ka pa." Tinulak na nila ako papasok ng banyo saka sinarado ang pintuan.

What the heck?

"Hermiona, pakibilis! Marami taying pag-uusapan!" Dinig ko pang sigaw ni Astrid. Napasimangot ako. Hindi ko nga dinatnan sina Kuya na manenermon saakin, tapos nandito naman pala tong dalawang bruha para semunan ako dahil kanina pa sila naghihintay.

Malay ko ba na dito sila matutulog. Ang sabi lang kasi nila saakin kailangan namin magusap. Malay ko naman na matutulog pala sila dito. "Hermioneeee, nalunod ka na ba dyan? Ang tagal ha! Sawa na akong maghintay!" Dinig ko nanamang sigaw ni Astrid. Hindi ba niya alam na gabi na? Nagpapahinga na ang sambayanan. Nakakahiya naman sa boses niya na abot hanggang kabilang kanto. Binilisan ko na lang ang paghihilamos saka na nagbihis at lumabas. Kita ko namang nakaready na sa kama ko yung mga naglalakihang pillows na nakalagay sa couch ko dito sa kwarto. Nakasindi na rin ang mga fairy lights sa may headboard ng kama at ang magkabilaang lampshade sa tabi ng kama ko. Napabuntong hininga na lang ako. Malalagay nanaman ako sa hotseat.

"Halika na dito!" Nakasimangot akong lumapit sa kanila. May hawak pala silang isang tub ng ice cream. Napapailing na lang ako. Sira nanaman diet ko nito.

"So, umpisahan na natin. Anong nangyare sainyo ni Hiro?" Tanong ni Astrid saka lumamon ng ice cream. Napakunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya. "Makapagtanong ka naman akala mo nirape ko siya." Napairap ako. Kaagad ko namang naramdaman ang unan na hinampas nila saakin. "Gago, seryoso kasi tayo dito diba?" Inirapan din ako ni Astrid. Tahimik lang si Bella na nakikinig at nanonood saamin.

Bumuntong hininga muna ako bago mag-umpisa. Serious mode muna ako ngayon. "Ganito kasi ang nangyare... Mula nung hindi niya ako sinipot na pinagusapan namin na sabay kaming uuwi. Yun, hindi na kami nagkakausap masyado. Naging busy din yata siya kay Nikka." Paninimula ko. Nakikinig lang naman sila saakin habang lumalamon.

"Yun. Hindi na kami nag-uusap. Hindi na niya ako pinapansin. Then one day bigla na lang inaannounce nina Mommy na ipapakasal nila kami. Tapos kanina..." Medyo humina ang boses ko dahil sa napagusapan namin kanina. Ayaw ko na sana pag-usapan kaso uusisain lang nila ako hanggang hindi nila ako mapagsalita.

"Magkasama pala kayo kanina." Sabi naman ni Astrid. Tumango ako. "Kaya ba namamaga yang mga mata mo?" Tanong ni Bella saka saglit akong pinasadahan ng tingin bago ibinalik ang paningin sa kinakain niyang ice cream. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi niya.

"Pinipilit kasi niya ako na kausapin sina Daddy na huwag ng ituloy ang kasal. Si Nikka daw ang gusto niyang pakasalan. Hindi ako..." Nanginig bigla ang labi ko kaya kinagat ko ang ibabang parte nito. "Nasabi ko na rin kasi sa kanya ang nararamdaman ko." Tumulo ang isang butil ng luha mula sa mata ko.

"Ano bang nangyayare kay Hiro? Hindi naman siya ganyan noon." Napangiti ako ng malungkot dahil sa sinabi ni Astrid. Ganun din ang iniisip ko. Hindi siya ganun noon. But I guess it's because.. "People change?" Napakibit balikat ako saka bahagyang tumawa bago pinunasan ang luha na tumulo mula sa mga mata ko.

"That's not fair! Best friend ka niya! He should've not ignore you! Nakakainis talaga yung Nikka the bitch na yun. Kapag nakasalubong ko siya, I swear, I will pull all her hair! UGH!" Inis na inis na sabi ni Astrid saka gigil na gigil na nagscoop ng ice cream at kinain iyon. Napapailing na lang ako.

"Huwag na.. Matatanggap ko rin yun. Maybe we're not really meant to be together as a couple. Baka hanggang best friends lang. Or worse, baka isa lang siya sa mga taong napadaan sa buhay ko. Maybe he is not meant to stay." Nginitian ko sila. Bumuntong hininga si Astrid pero halata pa rin ang pagkainis nito. Tahimik pa rin naman si Bella.

Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Minsan talaga mas okay naan g madaldal na si Astrid kesa sa weird na si Bella. Ni hindi ko mahulaan kung ano ang nasa utak niya. Si Astrid kasi sinasabi niya lahat.

"Someday, marerealize niyang mali ang naging desisyon niya." Napatingin kaming dalawa ni Astrid kay Bella na nagsalita.

Moment of silence..

"Talagang pagsisisihan niya! Gusto mo pa ba ng ice cream? Damn I need to work out to burn this calories." Umiling naman ako dahil wala na akong gana kumain ng ice cream. Tumayo si Astrid saka inilagay sa ref ang natira nila. Naawa pa sila sa tatlong scoop.

"Move on ka na lang, Herm.." Tumabi nanaman si Astrid saamin saka binuksan ang macbook niya. "Makapagsalita ka ng move on akala mo isang pitik lang tapos na lahat? Hindi ganun kadaling tanggapin yun. Tagal nilang nagsama, tapos in a snap lang nawala." Panenermon naman ni Bella sa kanya.

"Alam niyo girls, bakit ba tayo nagpapakatanga sa mga boys na yan? We're soooo beautiful for them." Pairap na sabi ni Astrid na nagpakunot ng noo namin ni Bella. "May problema ba kayo ni Hiccup?" Tanong ko sa kanya. Umirap nanaman siya.

"Ako, wala. Siya, malaki. Nyeta niya! Babaero talaga!" Nangigigil niyang sabi saka isinara ang laptop niya. Nagkatinginan kami ni Bella.

"G na g ka nanaman? Meron ka bang karapatan sa kanya ha?" Pamamrangka nanaman ni Bella sa kanya. Napasimangot siya.

"Bakit kasi nilalandi niya ako kung wala naman pala siyang balak angkinin ako. Not in a dirty way ha. I mean, hindi naman pala siya interesado saakin. Bwiset!" Nakasimangot niyang sabi. Humalukipkip siya.

"Fyi, ikaw kasi ang unang lumandi sa kanya kaya ayan nakipaglandian na rin sayo." Sabi nanaman ni Bella. Hindi na ako nakisali dahil wala nga akong alam iadvise sa sarili ko, sa iba pa kaya?

"Mali ba ako? Mali ba na nagmahal lang din naman ako?" Kumalma na ang boses niya pero nakasimangot pa rin siya. Dinig ko namang bumuntong hininga si Bella.

"Hindi mali ang magmahal, Astrid. Pero yung sayo, pinipilit mo kasi. Napipilitan sayo. Doon naging mali. Yung love, hindi pinipilit yan. Kusa mong mararamdaman yan." Paliwanag ni Bella sa mahinahong boses. Napatango naman ako as a sign of agreement. Napakabuti kong kaibigan. Wala man lang akong maibigay na payo. Wala eh, wasak din ako mga bes.

"Kayong dalawa, wag kayong nagpaoakatanga dyan. Dahil yang love na yan, joke lang yan. Hanggang una lang yan." Napakunot ang noo namin ni Astrid nang bumuntong hininga si Bella. May pinagdadaanan din ba siya? Parang may hugot sa sinabi niya eh..

"Saan galing yang mga sinasabi mo? May pinanghugutan ka?" Tanong ko sa kanya. Napabuntong hininga siya saka umiling. "Wala. Gusto ko lang damhin para tumatak dyan sa utak niyo." Sagot niya saka inayos ang hihigaan niya.

"At tama ang sinabi niyo, inaaksaya niyo lang ang oras niyo sa mga lalakeng ayaw naman sainyo." Nanlaki ang mga mata namin dahil sa sinabi niya. My goodness! Ang sakit naman nung sinabi niya. Tumagos hanggang bones.

"Ouch ha!" Sabi naman ni Astrid saka na rin na higa. Napapailing na lang ako saka na tumabi sa kanila. Kasya naman kami dito sa kama ko dahil malaki ito. Gusto ko kasi nakakagulong ako kapag natutulog.

Gumaan ang pakiramdam ko dahil nasabi ko na lahat ng nagpapabigat dito. I just hope everything will be fine.

I know it'll be..

------------------------ 🌸 -----------------------
Remember, you are beautiful
and loved.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon