Chapter 12: wait in vain

614 17 1
                                    

J A N U A R Y 2 5 2 0 1 7
Happy 25 💙
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

Mag-isa akong pumasok sa school ngayon. Badtrip pa rin ako kay Hiro. Aba, natiis niya akong hindi kausapin kahapon.

Bwiset!

Kaya mag-isa akong pumasok ngayon. Mabuti na lang at inabutan ko pa si Kuya Ron kaya nakisabay na ako.

"Mukha ka nanamang drawing ng grade one. Wag mo ngang sanayin na nakasimangot ka." Sinabayan ako sa paglalakad ni Bella.

"Kainis kasi si Hiro." Sambit ko.

"Dahil nanaman ba yan kay Nikka?" Tanong niya. Dumating naman si Astrid at nakisali sa pinag-uusapan namin.

"Oo. Nagpasama kasi siya saakin kahapon sa mall para bilhan ng regalo yung bitch na yun. Tapos yun, nag-away kami. Dami kasing binibili. At natiis niya akong hindi kausapin a!" Gigil na gigil kong kwento.

"Herm, dapat ngayon pa lang nasasanay ka na na hindi lang ikaw ang babae sa buhay niya. Tulad niyan, may iba na siyang mahal. Hindi na kayo bata.." Natigilan ako dahil sa sinabi ni Bella.

"True. Kung yun ang ikaliligaya niya, let him na lang." Pagsangayon naman ni Astrid.

"Pero niloloko lang siya ni Nikka." Pangangatwiran ko.

"Tell him na kase. Kapag hindi naniwala sayo, hindi mo na kasalanan iyon." Sabi naman ni Astrid.

"Fine. I'll tell him." Huminga ako ng malalim at sakto namang nakita ko si Hiro kasama si Nikka. Nagtatawanan pa sila.

I don't want to hurt you, Lyles. Pero kung katotohanan naman ang magpapaluha sayo, okay lang saakin. Kesa sa tumatawa ka dahil sa isang kasinungalingan.

Sana lang maniwala ka saakin.

Nilabas ko ang cellphone saka ako nagiwan ng text sa kanya. Sinabi kong magkita kami mamayang dismissal.

Nagpunta na kami ng classroom at nag-umpisa nanaman ang araw ko.

Hanggang ngayon ay naninibago pa rin ang mga teachers namin sa katahimikan ko. Naglinis din ako kanina nang utusan ako ni Ma'am Anj kahit hindi ako cleaner.

At umi-English ako kanina sa English subject namin. Nakakamiss din mambara ng guro kaso wala akong gana ngayon.

Dapat sulitin na nila ang kabaitan at kasipagan ko dahil baka hindi ito magtagal.

OoooOoooOooo

Dumating ang dismissal at hinihintay ko nanaman si Hiro dito sa waiting area ng school.

Ang tagala talaga niya. 30 minutes na siyang late! Baka naman hindi nanaman niya ako siputin, babangasan ko na talaga siya.

"Oh, Hermione, nandito ka nanaman." Nakangiting sabi saakin ni Marc.

"Marc, uy, hinihintay ko kasi si Hiro. Sabay kaming uuwi." Sagot ko. Naupo naman siya sa tabi ko.

"Hmm.. Gusto mo samahan muna kita? Para hindi ka mainip." Napatitig ako sa kanya. Mabait naman si Marc, gwapo, matalino, gentleman pa. Bakit hindi ako nagkagusto sa kanya?

"Ikaw bahala. Wala ka bang ibang gagawin?" Tanong ko. Ayaw ko rin naman kasing maabala siya. Ayaw ko rin naman mag-isa tumunganga dito.

"Wala. Natapos ko na yung homework kanina sa library." Sagot niya habang nakangiti pa rin saakin.

"Ahh ganun ba.." Wala na akong masabe.

"Kanina ka pa naghihintay dito?" Tanong niya saakin. Tumango ako ng marahan "30 minutes na." Sagot ko.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon