Chapter 3: The Consequences

1.1K 24 1
                                    

D E C E M B E R     2 9     2 0 1 6
------------------------ 🌸 -----------------------

Lumabas kami sa office ni Daddy na nakabagsak ang balikat. NakNg! Sa dami ng parusa na binigay saamin nina Daddy, ito yata ang worst.

Magtatrabaho kami sa HN's Kitchen?

Ugh!

So not cool!

HN's Kitchen is one of Mommy and Mama's restaurant. Malapit lang yun sa school namin. Sobrang sikat yung mga hotels and restaurants nina Mommy at Mama.

Kaya marami talagang kumakain dun. Puro elites nga lang. May kamahalan kasi yung mga pagkain.

"This is all your fault, Kyles.." Malungkot na sabi ni Hiro. Binatukan ko nga.

"Loko ka pala eh! Ikaw nang-aya saakin umalis dun tapos ako may kasalanan?" Nagpamewang pa ako. Nandito na kami sa pool side. Naupo kami at tinitigan lang yung swimming pool. Ang ganda na ng paligid. Nakasindi na kasi yung mga lights na iba't iba ang kulay.

"Para walang away, kasalanan nating dalawa. Okay?" Sabi naman niya. Inirapan ko lang siya.

"What will happen to us?" Tanong ko sa kanya at nagpout.

"Bahala na si Batman." Sagot niya at tumayo na.

"Kita na lang tayo bukas. Goodnight, dude. Wag mo na akong masyadong isipin." Tinignan ko naman siya ng hindi makapaniwala.

"Naririnig mo ba yang sarili mo ha?" Tanong ko sa kanya. Naglalakad na kami papuntang gate. Ihahatid ko lang siya.

"Sus! Deny pa. Basta, kita na lang tayo bukas. Labyu, dude." At hinalikan niya ako sa noo ko bago siya lumabas.

"Goodnight! Labyu, too. Wag kang papadapa ha? Tanga ka pa naman." Muntikan na niya akong habulin ulit dahil sa sinabi ko.

"HAHAHAHAHA!" Tawa lang ako ng tawa. Pinaharang ko kasi siya sa isang guard namin dito. Hindi tuloy nakapasok.

Mukha kasi siyang namatayan habang naglalakad. Hawak pa niya yung coat niya.

Pumasok na lang ako ng bahay at deretso na sa kwarto ko.

Nakakapagod ang gabing ito.

At, good luck na talaga saamin bukas.

OoooOoooOooo

"KYLEEEEEEES!!"

"KYLES BUMANGON KA NA DYAN!!"

Hindi ko naman pinansin yung sumisigaw. Bahala siya dyan! Sarap ng tulog ko eh.

"KYLES! Malelate na tayo!"

"Five minutes pa, Yaya." Inaantok kong sabi.

"ABA NAMAN KYLES! Bubuhusan na talaga kita ng tubig! Pagkamalan daw ba akong Yaya mo? Sa gwapo kong to?! NO WAY!! Bumangon ka na dyan!" Napamulat naman ako ng mata nang marinig ko yung buhos tubig thingy.

At bumungad lang naman saakin ang napakapangit kong bespren.

"LYLES! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Bihis na bihis pa talaga ang loko.

"Ginigising ko lang naman ang ever tulog mantika kong bespren. Aba, bumangon ka na po dyan! Oras na!"

"Kalalaki mong tao masyado kang madaldal! Lumabas ka na nga. Bv ka!" At hindi pa siya nakuntento. Hinila pa niya ako at binato saakin yung towel ko sabay tulak saakin papasok ng banyo.

"Hengya ka Lyles! Humanda ka saakin mamaya!" Inis na sigaw ko.

"Ikaw bahala! Basta bilisan mo dyan!" Sigaw pa niya. Hindi na lang ako sumagot. Umagang-umaga iniinis ako.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon