Chapter 45: tsismis ni astrid

817 20 1
                                    

M A Y 0 1 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

Pagdating ko ng school ay nakita ko kaagad si Marc at mukhang may hinihintay siya. Nang makita niya ako ay kaagad siyang kumaway. Nginitian ko naman siya.

"Good morning!" Bati niya. Wala nga sabing good sa morning. Psh! Whatever, wag ko dapat sirain ang araw ko dahil sa katigasan ng bungo ng asawa ko.

"Good morning. Saya mo yata ngayon?" Tanong ko sa kanya. Todo kasing makangiti.

"Paano mo naman nasabi na masaya ako ngayon?" Tanong niya habang hindi pa rin matanggal ang ngiti sa mga labi niya.

"Eh malapit na mapunit yang labi mo dahil sa pagngiti mo eh. Ano bang meron?" Natatawang sabi ko saka siya pabirong tinapik sa braso niya.

"Ayos na kami ni Lara. And all thanks to you!" Kinurot pa niya ang ilong ko kaya hinampas ko ang kamay niya.

"Why me?" Tanong ko. Eh halos hindi na nga ako magsalita nang magkaharap-harap kaming tatlo kahapon.

"Dahil dun sa sinabi mo, mukhang naliwanagan si Lara. Maraming salamat talaga, Nat. Alam mo bang isang daang beses ko na sinabi sa kanya yun pero sayo lang siya naniwala?" Natatawang sabi niya. Kita ko talaga ang saya sa mga mata niya.

"I'm happy for the both of you. Kung anuman ang meron kayo, cherish it. Okay?" Inakbayan niya ako saka tinanguan.

"Oo naman Herm. This time, sigurado na ako na siya na ang babaeng para saakin." Nginitian ko siya saka rin inakbayan. So, akbay namin ang isa't isa. Para kaming magkumpare na nagiinuman sa kanto.

OoooOoooOooo

Kausap ko si Astrid at Bella ngayon. Nandito kami sa isang cafe na malapit lang sa BU at KFIS. Nasa pagitan lang nila.

"We knew what's happening between you and Hiro." Nakataas pa ang kilay na sabi ni Astrid.

"What?" Tanong ko sa kanya. Ano ba ang sinasabi niya?

"Ikaw ang kasama niya this past few days." Sabi naman ni Bella. Napabuntong hininga ako. Malamang, malalaman talaga nila yun.

"Herm, hindi naman sa minamasama namin. Pero, alam naman nating lahat ang totoo.." Nakikinig lang ako sa sinasabi ni Astrid.

"Hindi ka niya mahal, Herm." Kita kong siniko ni Astrid si Bella. Ang sakit talaga niyang magsalita. Kung hindi ko lang talaga siya kaibigan, matagal ko na siyang tinanggalan ng dila. Huhuhu!

"Alam ko naman yun... Pero responsibilidad ko pa rin na alagaan siya. After all, he is still my husband." Malumanay kong sagot sa kanila saka napatunghay na lang. Hindi ko naman kinakalimutan na may iba siyang mahal.

"Anyway, hindi lang yan ang chika namin sayo.." Sumigla naman bigla ang boses ni Astrid kaya napakunot ang noo ko. Masyadong bipolar ang babaeng to. Kanina lang ay seryoso siya tapos ngayon, pantanga lang. Kapag talaga tsismis ay napakabilis niya.

"Ano nanaman ba yun?" Tanong ko sa kanya. Para naman mabaling ang pansin niya kesa sa sinesermunan niya ako.

"Alam mo ba na bali-balita sa buong BU ngayon na may affair sina Nikka at Oliver?" Nakakunot pa rin ang noo ko hanggang ngayon.

"May ibang nagsasabi na buntis nga daw si Nikka dahil mula nang maospital si Hiro ay bigla na lang din naglaho yung si Oliver at Hiro." Natigilan ako bigla dahil sa sinabi ni Astrid.

"Buntis?" Tanong ko. Ibig sabihin tama nga ang hinala ko noon?

"Oo. Ang daming nabuong kwento dahil bigla silang nawala.. Pero maraming nagsasabi na yun nga, juntis ang bruhang iyon.." Sabi ni Astrid.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon