Chapter 26: less than a year

623 19 6
                                    

M A R C H 1 5 2 0 1 7
wise men say, only fools rush in
but i can't help falling in love
with you~
omggg mga preee!
Hindi ako makagetover.
Hahahaha okay i'll stop.
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

Nakasimangot ako habang salita lang ng salita si Kuya Harry. Nandito kasi ako ngayon sa bahay namin at pinag-uusapan ang nalalapit naming kaarawan ni Hiro. Wala nga dito si Hiro kaya ako lahat tinatanong nila. Sinabi ko na nga na cash na lang kaso ayaw nila.

May mga bisita din daw sila. Marami pa silang iniimbita kesa saakin. Mga pangit talaga sila!

"Kuya Ron, ano nga yung English ng duling?" Nagkakamot ulong tanong ni Kuya Harry kay Kuya Ron na nakatutok sa cellphone niya at nakakunot noo pa.

"Two timer." Sagot ni Kuya Ron. Naibuga ko naman ang iniinom kong juice sa pagmumukha ni Kuya Harry saka humagalpak ng tawa.

"Nyemas! Hermione, yang kababuyan mo talaga!" Iritang sabi ni Kuya Harry saka kumuha ng wet wipes saka pinunasan ang mukha niyang nalagyan ng juice. Sinamaan niya muna ako ng tingin bago bumaling kay Kuya Ron na seryoso lang nakatingin sa cellphone niya.

"Nagtatanong kasi ng matino. Hindi man lang masagot ng matino!" Ipinunas niya ang wet wipes na nagamit na niya sa pagmumukha ni Kuya Ron kaya nagsimula nanaman silang magbangayan.

Napapailing na lang ako saka tumayo para kumuha ng malalamon. Napansin niyo ba na parati akong kumakain? Ewan ko nga bakit. Kapag minahal na ako pabalik ni Hiro, magda-diet na talaga ako. Swear!

Pagbalik ko sa sala ay naguusap pa rin naman si Mommy at Mama samantalang nandoon sa may pintuan sina Daddy at Papa at mukhang may seryoso ding pinag-uusapan. Sina Kuya Harry at Kuya Ron naman ay nagbabangayan pa rin. Yung totoo? Kailan kaya sila magmamature?

Dahil sa wala naman yata akong silbi dito ay nagpunta ako sa may poolside. Tatambay na lang ako dito kesa marinig ang walang kwentang pinag-uusapan ng mga Kuya ko.

Naupo ako sa gilid saka ibinabad ang mga paa ko. Inilabas ko rin ang cellphone ko saka binuksan ang facebook ko.

Napakunot naman ang noo ko nang makita ko ang bagong status ni Hiro.

Hiro Ortega is in a relationship with Nikka Tua.

Ang kakapal talaga ng mga mukha nila! Edi sila na ang masaya. Tanga-tanga talaga si Hiro paminsan. Alam naman niyang mahilig din magfacebook ang mga magulang namin tapos ilalagay pa niya ito? Adik ba siya? Edi magsama sila!

Sa sobrang irita ko ay tinanggal ko na iyon saka itinabi ang cellphone ko. Pinanood ko na lang ang mga paa ko habang sinisipa ang tubig. Patuloy ko lang iyong ginawa hanggang sa naramdaman kong may tumabi saakin. Nilingon ko iyon at nakita si Mommy at Mama.

Naupo sila sa magkabilaan ko at isinawsaw din ang paa sa tubig. Nginitian ko sila.

"Ayaw mo ba talagang icelebrate ng bongga ang birthday niyo?" Tanong saakin ni Mommy. Napayuko ako saka itinungkod ang dalawang kamay ko sa gilid ko.

"Wag na po sana... I'm sure ayaw din ni Hiro." Sagot ko saka ngumiti ng peke.

"Why not? Mula noon ay sabay niyo na icelebrate ang birthday niyo." Sabi naman ni Mama. Bakit ba hindi nila mapansin na hindi na tulad ng dati ang ngayon?

"May iba na siyang gustong makasama sa birthday namin, Mama. Iba na ang ngayon sa noon." Ipinatong ko sa kandungan ko ang nakasalikop kong palad.

"Is this because of the marriage?" Tanong naman ni Mommy habang hinahaplos ang buhok ko. Kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko bago tumango.

"Saka hindi na kami bata, 'mmy. May kanya-kanya na rin kaming responsibilidad at prayoridad. At sa kasamaang palad, hindi ako isa sa mga priorities niya." Ngumuso pa ako para kunwari akong nagtatampo pero sa totoo niyan ay nasasaktan ako.

"Magiisang buwan pa lang naman kayong kasal. You still have plenty of times to learn how to accept na mag-asawa na kayo. Maybe you might fall in love. Edi wala ng problema!" Sabi naman ni Mama kaya sandali ko siyang nilingon.

"Malabong mangyare yan, Ma. May iba siyang mahal. Ayaw kong masira ko yung kasiyahan niya para lang sa sarili kong kagalakan." Sagot ko naman. Dinig ko ang pagbuntong hininga ni Mommy.

"Well, kung ganyan nga, baka mapaaga ang pagdivorce niyo." Sabi naman ni Mommy. Napatingin ako sa kanya. "Kung iyon ang gusto niyo, then we will think about that. Sorry, sweetheart." Hinalikan ako sa noo ni Mommy at nginitian naman ako ni Mama. Tumayo sila at iniwan ako. Pati ba naman kayo iiwan ako?

Ang sabi nila mukhang malapaaga ang divorce naman ni Hiro. Does it mean kahit wala pang isang taon ay pwede na siyang mawala saakin?

Diba yun ang deal namin ni Daddy? Isang taon kaming kasal ni Hiro. Tapos naisip ko na hindi naman masaya si Hiro kaya gusto ko na rin siyang pakawalan. Ngayon na maaari ng mangyare iyon, bakit ayaw ko? Pakiramdam ko, gusto ko siya para saakin lang. Ayaw ko siyang hiwalayan. Ayaw ko na ngang lumipas ang isang taon na akin pa rin siya.

Ayaw ko siyang mawala. May iba pa bang paraan para manatili siya sa tabi ko kahit sandali lang? Kahit tapusin lang niya yung isang taon? Panigurado Mommy and Mama will find a way para mai-file na ang divorce namin. Alam ko namang ayaw nilang ganito kami ni Hiro.

Mag-iisang buwan pa lang kami. Baka naman hindi kami umabot ng isang taon dahil sa naisagot ko kina Mommy kanina. Dapat pala hindi ko na sinabi na dahil sa kasal ay nagkaganito kami.

So, kailangan ko na palang sulitin ang mga araw na kasama ko pa siya. Dahil, lagi kong tinatandaan, na pagkatapos ng kasal na ito ay mawawala na rin siya sa buhay ko.

------------------------ 🌸 -----------------------
Remember, you are beautiful
and loved.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon