Chapter 37: Hiro's Point of View

899 22 4
                                    

A P R I L 1 7 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Hiro's Point of View

Bumangon ako mula sa kama namin. Nagpunta ako sa kusina at umaasang nandoon si Hermione at nagluto ng almusal para saamin.

Kaso nadismaya ako nang wala akong makitang Hermione na nakatayo habang nakangiti saakin.

Naalala ko nanaman ang nararamdaman ko nung isang araw. Noong masquerade ball.

Flashback

Pagkatapos ko magbihis para sa ball ay tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. Huminga ng malalim saka ngumiti.

Susunduin ko pa si Hermione sa mansyon nila ngayon. Hindi kasi siya umuwi dito sa condo namin para dito magbihis. Ang sabi saakin nina Mommy kami ang magkapartner ngayong gabi kaya pinaghandaan ko talaga to.

Gusto ko siya makasama ngayon. Namimiss ko na ang Kyles ko.

Pagdating ko sa mansyon nina Hermione ay sinabi ng katulong nila na nakaalis na daw siya. Syempre nagtaka ako dahil ang alam ko ako ang susundo sa kanya.

Nagpunta na lang ako sa venue ng party at nagbabakasakali na makita siya doon, kaso ibang babae ang humila saakin. Si Nikka..

Nadismaya ako dahil akala ko makakasama ko si Hermione kahit ngayong gabi lang.

Oo, mahal ko si Nikka. I'm sure of it. Sa kanya ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Yung pakiramdam na parang sasabog na ang dibdib mo sa sobrang saya.

Pero kasi iba ang nararamdaman ko kapag si Hermione ang kasama ko. Nagagawa ko lahat ng gusto ko. I can be myself whenever I am with her.

Si Nikka kasi hindi niya gusto ang mga ginagawa ko. She doesn't like video games. Tapos gustong-gusto niya ang mga parties kaya madalas ko siyang sinasamahan sa mga parties na pinupuntahan niya. Masyado din siyang maraming kaartehan sa katawan.

Hindi nagtutugma ang gusto niya sa gusto ko kaya madalas kami magtalo. Tapos hindi pa marunong magpakipot. Agad ding napipikon kapag inaasar ko.

Iniintindi ko na lang dahil mahal ko siya. Ganun naman kapag nagmamahal diba? Iniintindi mo siya parati.

Ewan ko ba pero parang hinahanap ko si Hermione kay Nikka. Parati ko silang naipagkukumpara. Ayaw ko ng ganun! Once na nagkumpara ka ng dalawang bagay, hindi maiiwasan na bumaba ang value ng isa sa kanila.

Gusto kong kasama si Nikka dahil mahal ko siya. Pero hinahanap-hanap ng buong pagkatao ko si Hermione. Yung kakulitan niya, yung pagiging matigas ng ulo, lahat ng kalokohan niya.

Damn, I miss her! Umaasa ako na ngayong gabi ay makakasama ko siya. Nabigo nanaman ako.

Habang nasa buffet ako ay narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Nang lumingon ako sa likod ko ay nakita kong nakatayo doon si Hermione habang nakangiti saakin.

"May I have this dance?" Inilahad niya saakin ang kamay niya. Nakita kong suot niya ang wedding ring namin. Inabot ko naman sa kanya ang kamay ko kung saan suot ko rin ang saakin. Sana napansin niya iyon.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon