J A N U A R Y 2 8 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------"I love you, Marc.." Bigla kong naibulalas.
"As a friend. I got it. I love you, too, Herm. But more than friends." Sagot niya. Hindi na lang ako nagpaapekto at tinuloy ang pagsayaw. Ang sarap ng ganitong pakiramdam.
Kung kaya lang turuan ang puso, si Marc ang pipiliin kong mahalin. Si Marc mahal ako. Hindi niya ako iniiwan. Parati siyang nandyan kapag kailangan ko siya. Hindi niya ako pinaghihintay ng matagal. Higit na lahat, walang ibang mahal.
Hindi ako kasing manhid ni Hiro para hindi malaman na nahuhulog na ako sa kanya. I hate to admit it, pero mahal ko na siya. More than just a friend. Higit pa sa pagmamahal ko sa kanya bilang best friend ko. Mahal na mahal ko na siya.
Kagabi, hindi ako kaagad nakatulog dahil sa kakaisip ng sinabi ni Kuya Harry saakin. At doon ko napagtanto na mahal ko na nga si Hiro. I tried to deny it. Kasi sabi ko best friend ko siya. I can't love him in a romantic way.. Lalo na may mahal siyang iba. Bakit kasi ang dami ng pwedeng mahalin, siya pa.
Napakawrong timing talaga ni tadhana noh? Hindi man lang magbigay ng babala kung kailan ka niya paglalaruan. Tsk.
Tapos isa pa tong si Kupido! Ang tanga pumana eh! Papana na lang, sa maling tao pa! At ang mas nakakatawang part pa dun ay sa best friend ko pa!
Bakit ba madalas nating mahalin ang taong hindi naman tayo kayang mahalin? Bakit sa taong never tayong mamahalin ang minahal pa natin?
Parang joke no? Nakakatawa!
"Gusto mo na ba umupo?" Naputol ang pag-iisip ko nang magsalita si Marc. Nakapikit pa rin pala ako habang nagsasayaw kami. Mabuti na lang hindi ako nakatulog.
"Sure. Sakit na ng paa ko eh." Natatawang sabi ko. Nang bumalik kami sa table namin, nandoon si Kuya Harry at may kasamang babae.
"Bunso, may dala pala akong flats para sayo. Alam ko namang hindi ka magtatagal dyan sa suot mong heels. Nandoon sa boot ng kotse ni Dad." Nakahinga ako ng maluwang. Mabuti na lang boy scout si Kuya.
"Gusto mo bang tulungan kita?" Tanong saakin ni Marc. Nginitian ko naman siya saka umiling. "Kaya ko na to. Kuha ka na lang ng pagkain natin. Gutom na ako." Tinawanan lang niya ako saka tumango.
Naglakad na ako para puntahan si Daddy para kunin yung susi ng kotse. Mabuti na lang at hindi ako nahirapan hanapin siya dahil hindi ko na keri maglakad pa ng malayo.
Paglabas ko, nagpunta ako sa parking lot at binuksan ang boot ng kotse ni Daddy. Nandoon nga ang pulabg flats na sinasabi ni Kuya. "Pula nanaman?" I groaned. Naupo ako saglit saka tinggal ang sapatos ko.
"Darn it, ang sakit niyo sa paa!" Inilagay ko sila kung saan nakalagay ang flats ko kanina saka minasahe muna saglit ang paa ko. Inikot-ikot ko para matanggal ang pagkangawit.
"Bakit ka naman kasi nagsuot ng high heels?" Napalundag ako sa gulat nang sumulpot bigla si Hiro from nowhere. Napairap ako.. "Wala kang pake. Bakit ka ba nandito?" Tanong ko sa kanya saka sinuot ang flats ko. Inayos ko din ang buhok ko. Baka magulo na kahiya naman sa mga bisita.
"Wala lang. I saw you palabas ka kaya sinundan kita." Sagot niya at tumabi pa saakin. Nakaupo kasi ako sa boot ng kotse.
"Okay. Alis na dyan at isasarado ko na." Tumayo na ako saka siya pinaalis. Hindi yata ako komportable na nandito siya ngayon. Lalo na inamin ko na sa sarili kong mahal ko na siya.
Jusme! Baka masabi ko pa sa kanya na bwiset siya dahil mahal ko na siya.
"Bakit ka ba nagmamadaling makalayo saakin?" Tanong niya saakin. Nilock ko na ang kotse ni Dad saka siya nilingon.
"Gutom na ako." Yun lang at nilampasan ko siya. Mabilis na akong nakaalis dahil nakaflats na lang ako. Sasabihin ko sana allergic ako sa kanya kaso baka mahalata niyang ayaw ko siyang makasama or baka maoffend.
Nang makarating ako sa table namin ay nandoon na si Marc. Hinihintay yata ako para makakain na kami. Nandoon na rin si Mommy at Daddy. Yung dalawang Kuya ko naman ang wala.
"Hermione, hindi mo naman nabanggit saamin na may kasama ka pala sa gabing ito." Nginitian ako ng nakakaloko ni Mommy. Napairap ako sa isip-isip ko. Alam ko na ang iniisip niya.
"Mommy Daddy, si Marc po pala. Best friend ko." Nakangiti kong pakilala kay Marc. Nakipagkamay naman si Marc sa kanila.
"Nice to meet you po, Mr. and Mrs. Ramirez." Sabi naman ni Marc. "Tito Hugh and Tita Nathalee na lang ang itawag mo saamin. Masyado kang pormal." Nagtawanan sila. Okay, close na sila kaagad.
Naupo na ako sa tabi ni Marc at nagsimulang kumain. Nagkukwentuhan lang sina Mommy at Daddy at Marc tungkol sa pamilya ng huli. You know, business thing.
"Oh, your father owns a hotel and casino?" Tanong ni Daddy sa kanya. Tumango naman yung isa. Kaya ayun, nagkasundo silang lahat. Ako na ang OP.
"Hi Tita Nathalee! Hi Tito Hugh!" Bigla namang sumulpot ang dalawang bruha kong best friend saka humalik sa pisngi nina Mommy at Daddy.
"How are you girls?" Tanong ni Mommy sa kanila. Naupo naman sila sa tabi ko dahil iyon lang ang bakante. Doon dapat ang upuan nina Kuya Harry at Kuya Ron.
"Okay naman po Tita.." Sagot ni Astrid. Busy mag-usap ang dalawang biys samantalang busy mag-usap si Mommy at Astrid. So, si Bella na lang ang kinausap ko.
"I saw you talking with a guy. Who was that?" Tanong ko sa kanya. Nilingon niya ako saka ngumisi.
"Edward." Sagot niya. Inalala ko naman kung saan ko narinig ang pangalang binanggit niya. "Oh! Yung kinukwento ni Astrid na kasama mo sa library nung minsan." Nanunuksong sabi ko sa kanya.
"Shut up, Herm." Natatawang sabi niya. Sus, halata namang interesado siya sa Edward na yun. Pasimple pa..
"You like him?" Tanong ko saka sinubo ang pipino na nasa salad ko. "Kinda." Maikling sagot nanaman niya saka nakitusok sa salad ko. Natawa naman ako ng mahina. "Oh, Isabella Aragon likes a guy~" Pakantang sabi ko. Siniko naman niya ako ng pabiro kaya mas lalo akong natawa.
Hiro's Point of View
"Come on, let's get out of here. Hindi ka ba nabobored sa mga ganitong party?" Tanong ko kay Nikka. Nikingon niya ako saka umiling.
"Are you kidding me? I love parties!" Sabi pa niya saka nanaman ako hinila sa may damce floor at sumayaw. Nakisabay na lang ako sa pagsayaw niya. Bagot na bagot na ako.
Kung si Hermione ang kasama ko ngayon, malamang kanina pa kami naglaho dito.
Ayaw ko naman talaga pumunta sa party na ito. Pinilit lang ako ni Nikka. Pasalamat siya at mahal ko siya kaya hindi ko siya kayang tanggihan. Kaya heto kahit inis na inis na ako sa ingay, tinitiis ko. Para kay Nikka.
Hermione's Point of View
Natapos ang dinner party na yun at pauwi na kami ngayon. Nagpaalam na rin si Marc saakin na mauuna na siya. Hindi ko pa nameet ang mga magulang niya. Maybe next time.. Hindi ko na rin nakita si Hiro doon. Ewan ko bakit.. Or baka tumakas nanaman dahil ayaw talaga niya ang mga ganung party.
Nang makarating kami sa bahay, kaagad akong dumiretso sa kwarto ko at humilata sa kama. Pumikit ako sandali saka bumuntong hininga at tunayo na rin para maghilamos.
Habang tinatanggal ko ang make up ko sa harap ng salamin, nakita ko ang pictures namin ni Hiro. Napangiti na lang ako.. Ang saya namin noon. Naalala ko, dapat nandoon na kami sa office ni Daddy ngayon dahil sa kalokohan na ginawa dapat namin kanina sa party.
Dapat may punishment nanaman kami. Kaso, everything changed. Hindi na mangyayare yun. Nilagay ko sa jewelry box ang mga hikaw ko at nagpunta na sa bathroom para maghilamos.
Pagod na talaga ako at gusto ko ng matulog. May pasok pa bukas. Bakit kasi dinner pa ang party na yun? Hindi man lang nila naisip ang mga estudyante na maagang magiging bukas.
Nagsuot na ako ng pajamas ko at nahiga. Pinatay ko na rin ang lampshade ko saka nakipagtitigan sa ceiling.
"Good night, Lyles. I miss you." Ngumiti ako saka na pumikit. I'll see you in my dreams..
------------------------ 🌸 -----------------------
Remember, you are beautiful
and loved.
BINABASA MO ANG
bestfriend // kn
FanfictionBakit kasi napakawrong timing ng tadhana, noh? Tapos ganyan pa pumana si Kupido! Papana na lang, lilihis pa dun sa taong hindi ka naman mamahalin. At ang mas nakakatawang part, sa best friend mo pa! Lintek na pag-ibig! ds: 12/25/16 de: 5/25/17